You heal my broken heart

1.6K 31 3
                                    

Part 19

Agad namang pumasok sa eksena ang ina ni Toshi na kasama si mr. Lee na agarang nagsalita sa mga ito..

*ano ba naman kayo! Lagi niyo na lang niloloko si Jaeyoung! (Agaw pansing banggit nito) nako Iha! Nagbibiro lang sila ah! Di kasi maipinta yang mukha mo eh' (wika naman nito kay Janna)

*ah eh- hindi naman po sa ganon heheh! (Wika ni Janna na napapagaspas pa nang kamay)

Sabay sinakyan naman nang ama ni Toshi at ang kanyang tita ang sinabi nang ina nito. Kaya hindi na kataka taka ang nakaraang nabanggit ng dalawang nagbigay galang sa binata.


*hahah! Ang galing nilang magbiro Janna no?! Nagulat ka siguro sa inasal nila!

*hayst! Wala sakin yon! (Sabay baling ng tingin ni Janna sa ina ni Toshi)
Pasensya na po kayo kung napansin niyong medyo kumunot ang noo ko sa mga narinig ko! na curious lang po ako kung bakit ginagalang nila si Jay. Pero wala naman pong ibang ibig sabihin ang reaksyon kong yon.

*boyfriend mo ba si Jaeyoung iha? (biglaang tanong ng ama ni Toshi)

Nagulat naman si Janna sa sinabi nito. Kaya agad niyang sinagot ito ..
*ha?!! Ah eh! Hindi po-!

Bigla namang sumabat si Jaeyoung..
*magiging boyfriend pa lang po niya ako--!

*ha?! Anong-!
(Pagkagulat na tugon ng dalaga)

*-kkung! Papayag na siya~! (agad na wika ni Jaeyoung na napaduro pa)

*Pishh~!
(Pabulong na banggit ni Janna sabay ang pagbaling nito ng tingin sa kaliwa, na bagay namang napuna ang nakatayong si Mr. Lee na may dala dalang plastic)

Agad niya itong binati...

*oh! Hi Henry! Nandito ka pala! Anong ginagawa mo dito?

*Aano kasi! Kaibigan ko si Toshi kaya dinalaw ko sila ngayon! Tapos napag alaman ko na magkasama pala kayo buong gabi ni sir Jay. (Sabay pabirong pilyong ngumiti ito kay Janna)

*Pparang may laman yang ngiti mo Henry ah?! Mmay nangyari kasing hindi maganda sa akin! Itong si Jay kasi! Kung san san ako dinala hanggang sa makarating kami dito at inabutan kami ng malakas na ulan! Natulog lang kami no!

*wwala akong ibang ibig sabihin Janna ah (pangiting birong tugon ni Henry)

*kasi yung ngiti mo parang nakakaloko eh

*tama na yan, tara't kumain na muna tayo Janna. (Wika ni Jaeyoung)

*tara, ipaghahain ko kayo ni Jaeyoung (tugon ng ina ni Toshi)

*salamat po, pero pagkatapos po naming kumain, pwede po ba akong tumulong sa canteen niyo kasama tong si Jaeyoung? Nasira po kasi yung pinto ng kuwarto niyo dahil sa amin, kaya para makabawi po sa nasira namin, gusto ko po sanang tumulong man lang dito sa inyo. (Wika ni Janna)

Sabay baling naman ng ina ni Toshi kay Jaeyoung na agarang tumungo ito sa kanya, kaya agad itong sumang-ayon...

*wwalang problema iha! Pwede kang tumulong dito, ano nga palang pangalan mo?

*Janna po Tita.

*ahh~ oh sige umupo na kayo at ipaghahain ko lang kayo Janna ah~! Oh! Saluhan niyo na sila ah (banggit nito sa iba at sa kanyang asawa)
Oh, Henry ikaw din! Maupo ka na ha.

*tulungan ko na po kayo
(banggit ni Janna)

*wag na iha, maupo ka na lang at mamaya ka na lang tumulong sakin. Kumain muna kayo ok?

You heal my broken heartWhere stories live. Discover now