You heal my broken heart

2.3K 36 0
                                    

Nagsabay palabas ng Factory sila Janna at Shen nang biglang mapansin nilang pareho si Jaeyoung na nakangiting lumapit sa kanila...

*hello detective! (banggit ni Shen) pang anim na 'to ah! mukhang hindi na 'to coincidence, may hinahanap ka ba uli sa lugar na to? o nandito ka dahil sa babaeng katabi ko?!

*pasensya na kung nalaman ko kung san kayo nagtratrabaho, ang totoo niyan nakita ko kayong sumakay ng bus kaya sinundan ko na rin kayo,
plano ko kasing yayain kayong kumain. (banggit nito na nakaharap kay Janna)

biglang sumagot naman si Janna..
*ganun ba, sobra naman ata mr. detective na hanggang dito eh susundan mo pa kami.

*pasensya na ms. Janna, hindi ko kasi makalimutan yung nagawa ko sayo eh, kaya nung makita ko kayo, ito na kaagad yung naisipan kong gawin.

*ganun ba, oh sya, tara na mr. detective ng maging ok na ang lahat. (pangiting banggit ni Janna)

*mas ok kung tawagin niyo na lang akong Jay kaysa sa mr. detective.

biglang sumingit sa usapan si Shen...
*ok! tara na Jay!
(pangiting sabi nito)
request ko na rin pala na sana wala na ring ms., ok?!
Shen at Janna na lang din itawag niyo sa amin ah?!

*pasensya ka na masyado kasing madaldal 'tong kaibigan ko (banggit ni Janna habang tinapik ng palihim ang likod ni Shen)

Maya maya'y niyaya na ni Jaeyoung ang dalawa na sumakay sa kotse niya.

Nagulat ang dalawa ng dalhin sila ni Jaeyoung sa isang sikat na restaurant kaya biglang napasalita si Janna...

*alam ko na bumabawi ka sa nagawa mo noon, pero ok lang naman sa amin yung ordinaryong kainan, hindi mo na kami kelangang dalhin dito.

*ayos lang, at tyaka nakapag reserve na rin ako dito eh. tara pasok na tayo. (banggit ng nakangiting si Jaeyoung)

Nang makapasok na sila ay napalibot ang mga mata ng dalawa sa paghanga sa napaka garbong disenyo ng lugar.

*wah! napaka susyal naman dito! (banggit ni Shen na napamangha sa paligid)

Nang makaupo na sila ay biglang napalibot muli ang mga mata ni Janna, hindi dahil sa paligid kundi dahil naman ito sa mga taong kumakain. Biglang napatingin siya sa suot nila ni Shen at napahinga ng malalim, napansin ni Jaeyoung ang paghinga ni Janna ng malalim, kaya kinausap niya ito...

You heal my broken heartWhere stories live. Discover now