You heal my broken heart

2K 19 2
                                    

part 5

*ui! Janna! gising! umuungol ka na naman! (bulong ni Shen sa kaibigan)

biglang nagising naman si Janna, at biglang napahinga ng malalim...

*Janna, sigurado ka bang masamang panaginip lang yang nangyayari sa'yo?
madalas kasing mangyari sayo 'yan eh! may trauma ka ba or what ever?! ano?! para sa akin hindi normal eh!

*ano ka ba bes, wag kang OA! nananaginip lang ako! normal sakin 'to! diba sinabi ko naman sayo.

*sigurado ka ba bes, na ok lang?

*ano ka ba, ok lang ako bes, salamat, matulog ka na.

*sige, matutulog na ko,
oy bago ka umidlip mag isip ka ng mga masasayang bagay para di bumalik yang bad dreams mo! ok?! nakakaloka ka! naku Janna!

*ok po! goodnight!

Kinaumagahan pagkamulat ng mga mata ni Janna ay agad siyang nagulat sa kaibigan, nang makita niyang nakatitig ito sa kanya..

*ano ba naman yan bes! nakakagulat ka naman!

*nagulat ka sa kagandahan ko? o nagulat ka kasi hindi ako yung taong nasa panaginip mo?!

*anong pinagsasasabi mo?
(pagtatakang tanong
ni Janna)

*kasi kagabi lang binabangungot ka, tapos nang makatulog ka uli, grabe kang makayapos sa braso ko at ang haba pa ng ngiti mo ah! sino ba yang taong nabiktima mo sa panaginip mo ha?!

*totoo! sorry bes! pwede kalimutan muna yun please!

*curious  talaga ako bes! sino yung niyayakap mo sa panaginip mo ah?! (pabirong sabi ni Shen)

*wag  na bes! nakakahiyang ikwento!

*hay naku ka! tara na nga't mag almusal na lang tayo!

Pagkatapos makapag almusal ay agad naman silang nakapag ayos upang makaalis na papunta sa kanilang trabaho.

Nang makalabas sila ng gate ay nagulat ang mga ito ng makita ang dalawang lalaki sa harap ng gate nila. Nang makaharap ang mga ito ay nagulat ang dalawa ng mamukhaan ang isa sa dalawang lalaki, Agad namang nakapag react si Janna...

*OH! Mr-! Detective?!!

*ms. Janna! Anong--! (sabay pagigil na tumitig ito sa kasamang si mr. Lee)

biglang nagsalita si Shen..
*hello sir! anong ginagawa niyo dito?!

*Ano kasi!- ahmm! malapit yung-! bahay ko dito?

You heal my broken heartWhere stories live. Discover now