You heal my broken heart

1.2K 31 3
                                    

Part 23

*janna nandito kami!
(Kaway ng isa sa mga katrabaho ni Janna)

*hello! pasensya na at na late ako ng dating! (banggit ni Janna sa mga kaibigan)
*oh siya! tara at parating na rin yung iba! (banggit ng kasamahan niya)

Nang makapasok sa loob ay agad na naupo sila sa bakanteng lamesa at noo'y dalidaling umorder ng pagkain at beer.

May minuto na ng biglang maaninag ng isa sa mga kasamahan ni Janna, na isang pamilyar na mukha ang napansin niya di kalayuan sa kanila.
Nang matitigan niy ng husto ay nagulat ito na ang nakita niyang tao ay ang lalaking panay na sumusundo kay Janna.,
Si Jaeyoung...

Agad niyang kinuha ang atensyon ni janna, at pagkaraa'y humarap din siya rito...

*bakit merly? (tugon ni Janna)
*nahulog naba ang loob mo dun sa lalaking sumusundo sa'yo araw araw?
*ba't bigla mo namang natanong yan bhe?
*sa tingin ko dapat mong malaman tong nakita ko ngayon para hindi ka na maloko ng lalaking to.

Sabay turo ng nguso nito di kalayuan sa kanila...

Nang mapatingin ay nagulat ito snakita.
Tinitigan niya ito ng husto, nakita niya na sandal na sandal sa bisig ng binata ang babaing akbay nito.

Animo'y parang tumaas ang dugo ni Janna sa pagkagulat
nang makita ito..

napatagal ang titig niya rito, na di niya akalain na nasa isip niya ngayon ay parang nangyari rin noon a months ago sa Baguio.
Pinipigil ni Janna ang kanyang mga luha, pagkaraa'y tumayo siya.

pagkaraa'y ininom niya ang isang baso ng beer sa harap niya, at matapos nito'y
lumakad ito papalapit sa isang lalaking nakatakip ang bibig na di kalayuang naglalakad din ito.

Agad niya itong kinausap sa salitang hapon...

*pasensya na ah?! saglit lang ito (agad siyang humawak sa braso nito)

Nagulat naman ang lalaking hinawakan niya, kaya pilit kumakawala ito sa pagkakahawak sa kanya, ngunit kumakapit parin si Janna sa kanya.

Kaya agad na nagwika si janna sa kanya.
*please sandali lang to! hanggang sa makalabas ka lang!

maya maya'y agad namang nagsalita si merly sa kanya habang nakatingin ang iba pa niyang mga kasama sa biglang pag alis niya.

pabulong pang nagsalita si Merly sa kanya...

*ano ka ba naman! uy! lumapit ka sa kanya! sagutin mo siya! nakita mo na ngang ginagago ka!

Sabay pabulong ding nagsalita si Janna sa kanya...
*ayoko! ano ako mag iiskandalo! di pa naman kami! kaysa makita niya 'ko dito, aalis na lang ako!

Nagulat si Janna ng biglang lumiko ang lalaking kinakapitan niya, at nagulat ito ng tutungo ito sa kinaroroonan ni Jaeyoung.

Hiihila niya ito, ngunit di ito natitinag at tuloy pa rin ito sa paglakad papalapit sa kinaroroonan ni Jaeyoung.

wala na ngang nagawa si Janna dahil nakalapit na sila.
ang ginawa na lang niya ay magtago sa likod ng lalaking hawak hawak niya.
Nagulat ang dalaga nang marinig na tila kilala nito si Jaeyoung....

*will you stop playing around?! pwede ba bumalik ka na sa mansion?
*do you know him? (banggit ng taong kausap ni Jay)
*sorry, i don't know him.
*ahh... di mo ko kilala, eh itong babaeng to siguro kilala mo?! (sabay ipinaharap niya ang babaeng nasa likod niya)

Nagulat si Jaeyoung nang makita si Janna, na tila namumula ang dalaga sa pagkakasilay niya rito...

*mukhang may issue ka ata bata? mabuti pa icancel na muna natin tong transaction? (sabay tayo na nga ng kausap ni Jay)
*wait! di natin pwede icancel to--
*talk to them first mr. Toshiro? alam mo naman na importante at maselan ang pinag uusapan natin?
(sabay tayo nito) itetext ko nalang sayo yung next location natin mr. Toshiro, ok, bye. (sabay lakad nito papalayo)

nang makarating ito sa kanyang kotse ay agad na kinausap nito ang isa sa mga tauhan niya...

*may naamoy akong di maganda sa bago nating client? alam mo nang gagawin Goro.

Sabay sagot ng pagyuko ang pagsang-ayon ng kanyang tauhan sa kanya.

Samantala, sa sitwasyon naman ni Jaeyoung ay di naman makapaniwala na nandun si Janna sa harapan niya.

*na shock kaba Jay? isa lang to sa mga taong niloloko mo? will you please come back to your real world?! nang hindi ako ang inilalagay sa pusisyon mo na dapat ikaw ang nandoon? sa tingin mo ba tutulungan ko ang papa mo sa kumpanya niyo? mas ayaw ko! sinisira niyo ang buhay ko! maging ang mama ko kinukulit ako na pansamantalang lumugar muna sa pusisyon mo dahil kelangan na daw ng tulong ng ama mo! eh ano tong nakikita ko? habang ako pinipilit kong ayusin ang pinaggagagawa ng mama ko sa akin, ikaw isang salita mo lang ok na?! ikaw ang taagapagmana ng mga ari arian ng papa mo, kaya ikaw ang tumulong sa ama mo! hindi ako! you are the real heir of the legacy company not me ok! act like one!

*may dahilan kung bakit ko ginagawa ito!
*at bakit? ah~! alam ko na! kaya ka nga pala nagkakaganyan dahil gusto mong makalimot kay Yoona?! masyado nang napakatagal non! itigil mo na ang panloloko mo rin dito sa babaeng 'to!
*hindi ko siya niloloko! may dahilan kung bakit ganito ang sitwasyong naabutan niyo! (sabay tayo nito at hinawakan si Janna) tara Janna, ipapaliwanag ko sayo ang lahat.

Sabay bitaw ng dalaga sa pagkakahawak sa kanya...
*ba't mo naman kelangan magpaliwanag sa akin?

*dahil ayokong masira sa harap mo, ipapaliwanag ko sayo ang lahat.

*hindi mo naman kelangan ipaliwanag wala namang tayo.  Sa tingin ko itigil mo na ang panliligaw mo sa akin, ayusin mo muna ang problema mo. Ayaw muna kitang makita, nakita mo, kasama ko yung mga katrabaho ko at nasasaksihan nila ito ngayon. Babalik uli ako sa dating gawi, iisipin ko muna ang career ko. ikaw naman, ayusin mo muna yung problema mo, mayaman ka pala, wag kang papatol sa tulad ko. Wag mo kong bigyan ng problema Jay.

*Ano ka ba naman Janna, ba't mo naman sinasabi yan, hindi naman mahalaga ang pagiging mayaman ko, totoo ang nararandaman ko sayo.

*ako, hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko. sorry pero di ko kayang suklian kung ano ang nararamdaman mo sakin. itigil mo na rin ang pagpunta mo sakin,  (sabay bitaw nito sa pagkakahawak sa kanya ni jaeyoung at umalis na lang ito ng di na nagpaalam sa mga katrabaho)

Pagkaalis ni Janna ay  agad na kinausap muli ni Jaeyoung na step brother niya pala,
Na si Tae Gyu.
Isang kpop Superstar.

-TO BE  CONTINUED-

You heal my broken heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon