Chapter 26: GonerNagising akong wala sa sarili. Kakagising ko lang pero yung nangyari kagabi agad ang lumabas sa isip ko.
Kinuha ko ang phone ko sa sidetable ko at nag bakasakali pero wala miski isang text galing sa kanya
Hays. Ano ba kasing pumasok sa isip ko kagabi Claire at hindi mo manlang naisip 'boyfriend' moPara akong batang naglumasay sa kama ko sa sobrang inis nang biglang may kumatok sa pinto
"Nak, gising kana ba? "
Bumangon ako saka nag buntong hininga
"Opo! "Malungkot na sagot ko
"Nak, bumaba ka nalang pag nakapag shower ka na ha? Hindi na kita masasabayan kumain at male-late nako sa meeting ko with Mr.Chan "
Dali dali akong kumapit sa pinto at binuksan yun, tumambad sakin si Mom na naka bihis na nga
"Ang aga naman po Mom? Nag breakfast ka na ba? "
"Hindi pa pero makakapag breakfast din naman ako sa meeting namin so okay lang.. Osya! Male-late na talaga ako, umakyat lang ako para mag paalam"
Sumimangot ako at kiniss naman ako ni Mom sa noo
"Ingat po mom" nakangusong sagot ko
"I will, sige love you nak, alis nako. "
Paalam ni Mom na nag wave pa ako naman ay bumalik sa loob at dumeretso na sa crPagka bihis ko ay bumaba nako at naabutan ko sa dinning ang mga breakfast na naka handa
"Oh, umupo kana jan at kumain kana"aya ni Manang mula galing sa kitchen
Sinunod ko naman sya at kumain na pero wala pa sa kalahati ang pagkain ko ay tumayo na rin ako saka akmang kukunin ang bag"Oh! Aalis kana agad? Ang konti palang ng nakain mo ah"takang tanong ni Mom
"Wala po ako sa mood manang, pasensya na po nag luto pa kayo ng marami"
"Okay kalang ba iha? "Nag aalalang tanong nya at Kinapa pa ang noo ko
"I'm okay manang don't worry, wala lang po ako sa mood, aalis na po ako manang sige po"paalam ko at matamlay na isinabit ang bag ko sa balikat ko
"Sige, mag iingat ka ha? "
"Opo. "Sagot ko at nag wave pa
Pag kadating ko sa school ay halos busangot parin akong naglakad sa hallway pero unti unting nawala iyon nang makita ko si Revil na nakakasalubong ko kasama si Jerville siguro ay pupunta sila sa H. O nila
Hindi pa kami tuluyang nag nakasalubong nang mag tama ang mga paningin namin
Ngumiti ako sa kanya habang papalapit kmu ng papalapit at bubuka na sana ang bibig ko nang nasa harap ko na sya ngunit gulat akong nilagpasan niya lang ako na para bang hindi ako nakita. Nilingon ko pa sya pero hindi manlang nya ibinalik ang taong nag n sa'kin at dere-deretsong nag lakad.
Pag pasok ko sa room ay sinalubong agad ako nila Neia at Raelin
"Wuuuaahh andito na si Claire oh. "Masayang bungad ni Raelin na yumakap pa sa braso ko pero pilit na ngiti lang na ganti ko dahilan para kusa syang bumitaw sakin saka ako umupo sa upuan ko
"Ay! Mukhang masama gising ah"sabi pa ni Neia
"Teka hulaan ko! "Excited na singit ni Realin na tumuro pa sakin "Nag away kayo ni Revil? "
Nagbuntong hininga muna ako saka tumango
YOU ARE READING
Heartless And Cold-Hearted Gang Leaders ( BETWEEN HOT &' COOL )
ActionNaranasan mo na bang pumagitna sa pagitan ng taong walang puso at ng taong may puso nga pero hindi naman nag pa-function? In short term, HEARTLESS vs. COLD-HEARTED Mapa gitna sa dalawang taong kilala bilang HOT but HEARTLESS and COOL but have a CO...