CHAPTER #71

890 15 1
                                    

Chapter 71: A real happy?


CLAIRE POV

naisipan kong umalis sa bahay at mag lakad lakad lang. Ang totoo'y hindi ko talaga alam kung saan papatungo basta lakad lang ako ng lakad. Nakakatulong ito sa'kin para maging mapayapa ang isipan ko.

Gusto ko sanang ayain si Rye pero kahapon lang ay umalis s'ya para pumunta sa Pollilan, Bulacan.

Tanghaling tapat pero napakalamig ng panahon. Mabuti nalang at naisipan kong masuot ng longsleeve ngayong araw.

Pakiramdam ko tuloy ay maski panahon ay nakikisabay sa nararamdaman ko.

Nahinto ako sa pag lalakad ng mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na mukha.

Mabilis na nagtago ito sa isang palikong daan.

Hindi ko alam kung bakit kusang nag lakad ang mga paa ko para sundan s'ya kahit pa hindi naman ako sigurado.

Si Kylo ron nga ba?

Nang makapasok ako sa palikong daan na iyon ay inikot ko pa ang paningin ko pero gano'n nalang ang pag ka dismaya nang walang makitang kylo ron.

Tumalikod ako at akmang aalis nalang nang mapahinto nang makarinig ako ng makina ng isang umaandar na sasakyan.

Dahan-dahan akong bumalin muli sa likod ko at gano'n nalang ang gulat ko ng bigla ay may sasakyan na doon. Kulay itim ang salamin nito dahilan para hindi ko matukoy kung sino ba ang nag mamaneho.

Napaatras ako sa gulat ng bigla ay inabanti nya ito. Muntik pa akong matumba dahil don. Gano'n nalang kabilis na umakyat ang kaba at panginginig sa katawan ko.

Nanlaki ang mata ko at hindi na nga naka galaw ng tuluyan na nga itong umandar para bungguin ako.

Bumagal ang lahat. Hindi ko na napansin ang pag tawag ng isang pamilyar na boses sa pangalan ko.

Napapikit nalang ako. Naka rinig ako ng malakas na tunog mula sa pag kakabangga. Tumalsik ako hindi dahil sa pag kabunngo kundi dahil sa may tumulak sa'kin palayo.

Sa isang pikit mata ay natagpuan ko nalang ang sarili kong naka higa sa lupang kinabaksakan ko. Kahit hirap ay mabilis akong bumangon upang makitang papalayo na ang kotseng tinangka akong sagasahan.

Mabilis na hinanap ko ang taong s'yang nabunggo ng makita ang ilang patak ng dugo

"LOELLA!! " Mabilis akong tumayo at lumapit sa ngayon ay wala ng malay na si Loella.

Hindi ko alam ang gagawin ko nang hawakan ko s'ya at gano'n nalang kumalat ang dugo nya sa kamay ko.

"L-Loella!! N-No!! " Hindi ko na napigilan ang luha ko.

Niligtas n'ya ako...











RIANNE POV

Lumabas ako agad ng bahay ng makatanggap ako ng text mula kay Lester at sinabing nasa park palapit sa'min s'ya.

Pag punta ko doon ay laking tuwa ko ng makita ang ang napa cute nilang bunsong kapatid na si Lawrence

Heartless And Cold-Hearted Gang Leaders ( BETWEEN HOT &' COOL ) Where stories live. Discover now