CHAPTER #65

858 17 0
                                    


Chapter 65: Let's just stay like this.

LOELLA POV -

Pa akyat na sana ako dahil sa susunod na palapag ang room nya. Ngunit nahinto rin ng makita ko ang taong kanina pa laman ng isip ko. Naka upo lang s'ya sa hagdan na tila malamin din ang iniisip.

Ilang segundo pa muna kaming nag katitigan bago niya nagawang tumayo nito.

"Dadaan kaba,  Sige daan kana. "Tulad ng nakasanayan ay dala dala parin nya ang kanyang malamig na expression.

Akmang lalapasan n'ya na sana ako upang umalis ng mahawakan ko ang braso niya.
"Yung nangyari kagabi--"

"Kalimutan mo na yon. " Mas nakaramdam ako ng kirot ng tanggalin nya ang pag kakahawak ko sa kanya.
Ilang segundo bago ko nagawang masinghal.

"Kalimutan?  Pa'no ko kakalimutan ang isang bagay na nag papatunay na kahit papano may lugar pa ko jan sa puso mo."

"Naguguluhan ako,  kaya pwede wag mo nalang ako'ng pahirapan "sinabi nya yon habang nakatalikod parin sa'kin. At ang sakit dahil hindi manlang nya ako kayang harapin.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan sa nasabi nya.
Para n'ya na ring sinabi na kahit pa may lugar ako sa puso nya ay si Claire parin ang pinipili n'ya. 

"How long do I need to beg for your love?... You didn't even know how hell I feel inside of me."
Pigil ko sa mga luha ko kahit pa naiiyuyukom ko na ang mga kamay ko.

Imbis na humarap s'ya ay nag lakad lang s'ya papalayo. Gusto s'yang habulin ng utak ko pero tila pagod na pagod na ang mga paa ko'ng habulin s'ya.

"..Masarap ba mag mukhang tanga? "
Napa irap nalang ako nang marinig iyon kay Revil na nasa likod ko pala

"Wag ngayon wala ako sa mood." hindi ko magawang humarap sa kanya dahil ayokong makita nya ko na paiyak na.

Nagitla nalang ako ng hilain nya ako pabaon sa katawan niya. Mabilis na naramdaman ko ang kamay nyang gumapang na sa likod ko upang hagudin iyon.

"A-ano bang ginagawa mo. "Pilit kong kumalas pero hindi ko nagawa

"You need this... " His cold voice

Hindi ko inaasahan na gagawin at sasabihin nya 'to.
Mas lalong hindi ko alam kung bakit ang kanina pang nag babadyang tubig mula sa mata ko ay bigla nalang gumarasa pababa.

Wala na akong nagawa nang sarili ko ng mga kamay ang kusang nag lakbay payakap sa kanya.




* CLAIRE POV  *

" Nagugutom na talaga ako."parang batang reklamo ni Raelin na s'yang nakayakap ngayon sa braso ni Julian

Lalakad na kami dito sa hallway pababa para kumain sa cafeteria.

"Kawawa naman baby ko na gutom kaka aral. " Inakbayan niya ito.
Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Julian.
Hindi ko alam na sweet pala talaga s'ya kung seryoso.

Bigla ko tuloy s'ya naalala
Kamusta na kaya s'ya. Magaling na kaya ang mga sugat nya?

"Wag nga kayo mag PDA sa harap namin " Natawa ako dahil bakas kay Kevin ang pag ka inis.

"Inggit ka lang kasi wala ka pang girlfriend bakit kasi ayaw mo pang umamin kay--"
Nahinto si Julian sa sinasabi nya ng titigan s'ya ng masama ni Kevin. Natawa nalang ito
"..Oo hindi ko naman sasabihin."

Heartless And Cold-Hearted Gang Leaders ( BETWEEN HOT &' COOL ) Where stories live. Discover now