CHAPTER #55

874 12 0
                                    


Chapter 55: Blackhead

Ilang buwan na ang lumipas simula ang huling pag kikita namin ni Revil at Rye. Simula nang araw na nalaman ko ang totoo ay pilit kong iniiwasan na mag krus ang landas namin at pati narin ng buong B.S

Si Revil naman simula nung pagtatalo namin ay hindi natin kami nag kita. Aaminin kong mahirap para sa'kin na wala ang mga taong mahalaga para sa'kin. Nasanay na akong lagi silang kasama at ngayon ay wala na.

Hindi ni minsan ko na isip na pagtatago sa'kin nang ganito si Rye at unang beses kong nagalit sa kanya at pati narin kila Julian at Kevin. Ayoko ko mang kainin nang galiy na'to ay hindi ko mapigilan.

Napatigil ako sa pag iisip nang kung ano ano bang tumigil si Neia sa pag lalakad at humigpit ang hawak sa braso ko.
"Gosh. S-si Jerville ba'yang nakikita ko? " Hindi makapaniwalang sabi nya
Bumalin ako sa harap kung saan s'ya nakatingin.

Hindi ko mapigilang umuwang ang bibig nang makita ko si Jerville. Kulay itim na ang dating kulay puti n'yang buhok. Aaminin kong mas bagay sa kanya ang kulay nang buhok nya ngayon. At siguro akong mas lalong mababaliw sa kanya itong babaeng katabi ko.

Teka yung laway ni Neia tumutulo na ata.

Napansin ata ni Jerville na may naka tingin sa kanya kaya humarap sya sa gawi namin. Ngumiti ito nang makita kami saka lumapit.

"Oh my god he really is trying to slay me with that killer smile what I should do? " Kinikilig na saad ni Neia nang papalapit na si Jerville. Gusto kong tanggalin ang pag kakahawak nya sa braso ko dahil parang mamumula na ito dahil sa kakapisil ng babaeng 'to.

"Saan kayo pupunta?" Bungad nito nang makalapit sa'min

"Tatambay sa school ground sama ka? "Aya ko.

Umuling lang ito saka bumalin kay Neia na kanina pa naka tingin sa kanya

"Do I have something on my face? "
Umiling si Neia na halatang pinipilit hindi kiligin

"W-wala ang... Gwapo mo lang kasi ngayon eh-- I mean araw araw pala. "
Napa ngiti nalang si Erick sa kanya
Ang cute ni Neia na mumula na sa kilig haha

"Sayang wala na si Whitehead "nanghihinayang na sabi ko

"Don't worry mas magugustuhan mo si BlackHead."

Natawa kami pareho, si Neia ay halatang hindi na intindihan pinag usapan namin

"Sige, mauna na ako. " nag umpisa na s'yang mag lakad pero hindi pa man sya tuluyang nakaka layo ay...

"Jerville!! " napalingon kami at nakita namin si Nalliah na masayang tumatakbo papalapit kay Jerville.

"Oh? N-Nalliah? Why are you here? "
Rinig kong tanong nito

"I went here to see you, omg! Mas lalo kang gumwapo jan sa black hair mo yyyiiiieee. " nangiti ako ng pilit na inabot ni Nalliah ang ulo ni Jerville para lang guluhin nito

Natutuwa ako dahil pilit na ipinapakita ni Nalliah na mature na s'ya para kay Jerville na hindi manlang nakikita nito at patuloy lang na tinuturing na bata si Nalliah at ang cute nu'n para sa'kin.

Feeling ko ay bagay sila

Napailing ako sa sarili kong naisip. Nawala ang ngiti ko nang makita si Neia na bahagyang nalungkot habang pinapanood ang dalawa

"Aish! Stop that. " inilayo nya ang ulo nya at inayos muli ito.
"Ang kulit mo talaga noh?"

"Oo makulit talaga ako, at ang makulit na 'to ang mag papainlove sayo. "Nag pacute pa sya sa harap neto na mukhang hindi epektibo dahil dinakot lang ni Jerville ang mukha nito.

Heartless And Cold-Hearted Gang Leaders ( BETWEEN HOT &' COOL ) Where stories live. Discover now