Chapter 72: It's you
LOELLA POV.
tumingin ako sa paa kong naka semento na nakasabit sa bakal na nakakabit dito sa hospital bed na kinahihigaan ko. Nakasandal ako sa headboard napapangiwi ako dahil sa minsa'y pag kirot ng mga galos na tinamo ko sa pag ka bundol sa'kin. Nakapa ko rin ang ulo ko at doon nalamang may benda rin pala ang gilid ng noo ko
Ang totoo'y kanina pa ako nagising at itong malinis at puting paligid nga ang inabutan ko pag gising ko.
Doon ko naalala ang nangyari kanina. Nanlaki ang mata ko ng maalala si Claire. Asan na s'ya. Okay lang kaya s'ya?
Sa gitna nang pag iisip ay nabalin ako ng bumukas ang pinto at i iluwak nga nito ang babaeng kanina lang ay nasa isip ko.
Ngumiti ito ng makita ako. May dala itong mga prutas at iba pang pag kain.“G-Gising ka na pala. ” Bungad nito ng mailapag ang mga dala sa lamesa
“K-Kanina pa. ” Naiilang na sagot ko
“Gano'n ba? Ang totoo'y umalis lang ako para ipag luto ka ng makakain at bumili ng prutas.. S-Sorry kung natagalan ako ah... N-Nga pala tinawagan ko na sila Klea.. Ang alam ko kasi ay nasa ibang bansa ang parents mo kaya sila nalang ang tinawagan ko--”
“Bakit.. ” Tanging sa baba lang ako nakatingin.
“T-Tinawagan ko sila para naman ma inform sila sa nangyari sa'yo kasi--”
“Bakit ginagawa mo parin 'to? ” ngayon ay tumingin na ako ng deretso sa mga mata nya
“Andami kong ginawang masama sa'yo to the point that I almost killed you...yet you're still here taking care of me? Are you that stupid, Claire? ” Hindi ko maiwasang maiinis dahil sa kabaitan parung ipinapakita niya sa lahat ng ginawa ko.
“Bakit ikaw? You always telling me that you really hates me, yet you saved my life... ” Ngumiti ito at humawak sa balikat ko.
“May mga bagay kasi na hindi naman kailangan alalahanin pa para ano? Para magalit lang tayo kahit pa hindi naman talaga natin iyon ginusto? Loella kaya nga may salitang Forget eh. For us to erase all the bad things that only give us pain...” Muli s'yang ngumiti.
“...If you'll ask me to hate you, I'm sorry to say that I can't... I can't because I know you have a reason why you were being like this... ”Hindi ko na napigilan ang mga kamay kong hinablot ang bewang nya para yakapin s'ya.
“Sorry... Sorry sa lahat ng ginawa ko sa'yo. ”
Hindi ko na napigilan ang pag bagsak ng mga luha ko. Lalo pa ng yakapin nya ako pabalik.Claire really has a good heart...
Maya maya ay dumating din naman si Klea kasama si Anthon.. Ilang oras ang inilagi nila bago umalis dahil mag papa check up pa daw. Nang umuwi ulit saglit si Claire ay saktong dumating sina Kuya Lester at Jerville at sila muna ang nag bantay sa'kin.
Pero umalis din sila kinabigahan
Kinabukasan ay natuwa ako dahil mukung bumalik si Claire para alagaan ako. Ang totoo'y grabi nang hiya ang nararamdaman ko dahil sa pag aalaga nya sa pabila ng mga ginawa ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/118355539-288-k215446.jpg)
ESTÁS LEYENDO
Heartless And Cold-Hearted Gang Leaders ( BETWEEN HOT &' COOL )
AcciónNaranasan mo na bang pumagitna sa pagitan ng taong walang puso at ng taong may puso nga pero hindi naman nag pa-function? In short term, HEARTLESS vs. COLD-HEARTED Mapa gitna sa dalawang taong kilala bilang HOT but HEARTLESS and COOL but have a CO...