CHAPTER #70

935 15 0
                                    


Chapter 70: STOP!




KEEIL RYE POV

isang linggo narin ang nakalipas.  Naging okay naman ang mga araw sa loob ng isang linggo.
Nakarecover at naka labas na si Revil kahapon lang.. Balita ni Jerville, ang tibay rin talaga ng isang 'yon dahil nagawa nang pumasok kahit pa kakalabas lang.

Apat na araw akong naunang makalabas sa hospital. Dahil narin sa pag aalaga ni Loella. Nakaramdam ako ng guilt dahil hindi ko manlang nagawang pasalamatan s'ya.
Ilang araw ko narin kasi s'yang hindi nakikita, tinupad nya ang sinabi nyang lalayuan na ako at aaminin kong s'ya nalang ngayon ang hinahanap ng mata ko.

Siguro ay nakasanayan ko narin kasing makita ang mukha niya araw-araw dahil sa pangungulit niya. Kaya ganito nalang ang nararamdaman ko.

Pag punta ko sa school ground ay inabutan ko doon si Claire na nag babasa.
Bago pa man ako makalapit sa kanya ay nakita nya na ako.
Ngumiti ito sa'kin,  ngiting alam kong may lungkot.

Hindi ko naman gustong masaktan s'ya dahil sa inutos kong gawin nya pero iyon lang ang tanging naiisip kong paraan para hindi na s'ya mapahamak pa.

Ngumiti ako nang makaupo sa tabi niya.

“Gusto mong kumain? ” Hindi ko alam kung bakit iyon ang naibungad ko sa kanya.

Ngumiti lang ito bago umiling.
“Busog pa ako. ” Akmang mag babasa uli s'ya ng kunin ko ang kamay nya.

“Alam mo namang pwede kang mag labas ng saloobin sa'kin hindi ba? You can tell anything to me. ”

“...I just want to say I'm really thankful to you for always being there just for me. ”

Yeah at alam kong kahit lagi akong andito ay tanging si Revil lang ang makapag papasaya sa'yo. Yung totoong masaya

"Claire... "Awtomatikong nabalin kami ng marinig ang boses ni Revil. May suot parin itong cast at may ilang malilit na benda pa sa mukha at leeg.

Humakbang ito ng isa. Mababakas ang pag kasabil at sobrang lungkot sa mga mata ni Revil. At alam kong si Claire lang ang mag papawala nu'n.

Napatayo ako ng tumayo na si Claire.
Nakita ko ang pag yukom ng mga kamay nya. Alam kong sabik din s'ya dito pero pilit nilalabanan.

Walang anu-ano'y nalakad si Claire paalis.

Akmang susundan s'ya ni Revil nang hawakan ko ang balikat niya.

"Bitawan mo'ko.. " Banta nito sa'kin. Hindi ito nakatingin sakin na alam kong sinusunad ang pag lalakad ni Claire

"Stop chasing her... Isn't that enough of the pain you've given to her? "
Hinawakan nya ang kamay kong nakahawak sa balikat nya. Tinitigan nya ako at tila nag mamakaawa ang mga mata nya

"Hindi ko na hahayaang mangyari iyon... Keeil, please hayaan mo na'ko. "
Nagitla ako sa nasabi niya. Hindi ko inaasahan ang ginawa n'ya.

Ang mag makaawa para sa iba? Hindi iyon si Revil.. Ganito na ba talaga ang epekto ni Claire sa kanya? 

Marahas kong tinanggal ang pag kakahawak ng kamay nya. At tinignan s'ya ng deretso.
"No, I won't let the same thing happen again.... I mean I'll kill you if you get near her."
Deretso akong naka tingin sa mga mata nyang halata ang pamumugto.

Heartless And Cold-Hearted Gang Leaders ( BETWEEN HOT &' COOL ) Where stories live. Discover now