CHAPTER #57

819 16 0
                                    

Chapter 57: Got stabbed





-  THIRD PERSON POV  -


Malapit na ang dinadaan ni Claire papunta sa Kingville University nang mapansin n'ya ang isang tao na kanina pa sumusunod sa kanya.

Pinilit n'yang lingunin ito at gano'n nalang ang kaba na nararamdaman nang makitang naka sumbrero kulay itim ito at pilit itinatago ang mukha.

May kung anong hawak rin ito sa bulsa ng itim nitong jacket.

Ang kaninang normal na lakad lang ay unti-unting naging mabilis.
Sinikap niyang' wag mag isip ng mali pero tila s'ya lang talaga ang sinusundan nito.

Halo-halo na ang pumapasok sa utak n'ya sa mga oras nato. Mga bagay na dapat n'yang gawin upang makatakas sa hindi pa nakikilalang tao.

Halos takbuhin n'ya na ang umpukan ng mga tao na nag aantay na mag-go ang traffic light.

Nakahinga s'ya ng maayos dahil maraming tao ang nakapaligid sa kanya pero hindi iyon nakabawas sa kabang nararamdaman n'ya dahil alam n'yang nasa paligid lang ang lalaking kanina pa s'ya sinusundan.

Parang baliw na nag paikot-ikot ang mga mata n'ya upang tiyakin na wala sa tabi nya ang lalaking iyon.

Bumilis ang tibok ng puso n'ya nang muling makita ang naka sumbrerong lalaki na mabilis na lumitaw sa likod n'ya.

Halos mauna na s'ya sa pag lalakad ng mag kulay berde na ang ilaw.

Tila naging mahaba ang pedestrian na dati n'ya nang nilalakaran.

Pinilit n'yang nilingon ang lalaki sa likod n'ya at gano'n nalang ang gulat ng makitang halos mahahablot na s'ya nito.

Naging mabagal ang lahat nang biglang ay may mabunggo s'ya.

Malakas ang pagkakabunggo na iyon  dahilan para mapaikot sila at mag palit ng pwesto na alam n'yang sinadya.

Nakaramdam si Claire ang bahagyang diin sa katawan nya ng katawan ng taong nabunggo na tila na tila nakayakap na sa kanya.

Tila bumagal ang lahat. Tanging tunog nang mga nakahinting sasakyan at mga yapak ng mga taong nag lalakad ang naririnig sa paligid.

Nagitla s'ya nang marahas na itinulak s'ya ng lalaking nabunngo padistansya sa kanya. Gano'n nalang ang panlalaki ng mata nang makita ang blankong mga mata ni Revil.

Inilinga pa ni Claire ang mga mata sa paligid upang hanapin ang kaninang lalaking humahabol sa kanya ngunit bigo s'ya ng hindi na iyon makita

“Hoy!  Hanggang dito ba naman dinadala mo katangahan mo!” Awtomatikong bumalik kay Revil ang paningin nya ng sigawan s'ya nito.

Gusto n'yang mag taka dahil iba ang reaction nito mula sa ipinapakita ng kalmado n'yang mata.

Uuwang pa sana ang bibig ni Revil ng marinig ang mga busina ng sasakyan dahil malapit na palang mag red-light.

Marahas n'ya nalang ninablot ang dalaga at hinila papunta sa kabilang walkway saka matulak na binitawan

“Ang tanga mo, pati ako nadadamay! ” Itinulak pa nito ang dalaga sa noo gamit ang hintuturo.

“S-Sorry. H-Hindi ko sinasadya--May h-humahabol kasi sa'kin--H-Hindi ko alam kung bakit. ” Tarantang sagot nito.

Hindi naman lang nag pakita ang binata ng pag kagulat miski pag aalala dahilan para makaramdam ito ng kirot.

Heartless And Cold-Hearted Gang Leaders ( BETWEEN HOT &' COOL ) Where stories live. Discover now