CHAPTER #58

800 12 0
                                    

Chapter 58: I still care.



* CLAIRE POV *

Gaya nang pag pasok ko ay mag isa akong nag lakad pa labas ng gate. Ang totoo'y inaya ako ni Raelin na sabay nalang kami pero dahil alam kong kasabay nya si Julian at kukulitin lang ako nu'n na kausapin ko na sila ay tumanggi nalang ako.

Kakalabas ko lang nang gate ng University nang.

“Claire!!! ”
awtomatikong naharap ako sa babaeng sumigaw ng pangalan ko ng makita si Neia na patakbo papalapit sa'kin.

Humawak pa ito sa braso ko habang hinihingal nang makalapit.

“Oh! Neia, ano bang nangyari sa'yo. Hindi kana pumasok mula kanina. ”
Umayos ito ng tayo pero mababakas ang pag kabalisa sa kanya. Tagaktak din ang pawis nito na siguro kanina pa tumatakbo.

“S-Sorry. N-Naiwan ko yung phone ko sa hide out ng R.B.S--Galing akong hospital. ” Hinihingal parin nyang sambit.

Nangunot ang noo ko.
“Anong ginawa mo du'n--Teka may nangyari ba kay Jerville?! ” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mabilis na pag aalala ngunit umiling lamang s'ya.

“Hindi si Jerville, kay Revil--Nasaksak s'ya!”
Mas lalong lumala ang kaba sa dibdib ko na nag panginig sa buong kalamnan ko.

Paanong nangyari iyon--
Yung kanina! Yung lalaking humahabol sa'kin. Ibig sabihin--

“Samahan mo'ko du'n. ”
Tumango ito saka dali dali ko siyang hinila.

Bamuti nalang at hindi kami nahirapang pumara ng taxi.

Habang nasa byahe kami ay nakwento na sa'kin ni Neia ang nangyari simula nakita nila si Revil na pumasok sa hide out. At base sa pag kakakwento nya ay tama ang hinala ko.

Napagdugtong dugtong ko na ang lahat. Kaya pala nang mabunggo ko s'ya ay naramdaman kong parang hinila nya ako dahilan para makapag palit kami ng pwesto. Iyon pala ang dahilan.

Revil, ba't mo'ko niligtas. Ba't hinayaang mong ikaw ang masaksak at hindi ako. Ba't ka ganyan.

“Kanina pa nasugod sa ospital si Revil at bago ako umalis doon ay natahi na ang sugat nya. Mabuti at hindi naman s'ya napuruhan baka ngayon ay nalipat na s'ya stable room. Wag ka nang mag alala. ” hinawakan nya ang kamay kong kanina pa malamig. Alam kong sinasabi nya rin ito para mabawasan na ang pag aalala ko pero hindi ito mawawala hanggang sa makita mismong mata ko na okay na si Revil.

---

Pag karating namin ay inabutan namin sila Jerville at Anthon na nakaupo sa upuan sa hallway.

“Claire?! Ba't ka andito?” Agad na tumayo si Jerville para salubungin ako pero busy ang mata ko para haligapin ang room ni Revil

“A-Asan si Revil? ” Hindi mapakaling tanong ko pabalik.

“Andon sa loob.” Turo ni Anthon sa gilid naming kwarto.
“May doctor ang tumitingin sa kanya doon kasama si Lester kaya lumabas muna kami. ” Dugtong nito.

“Ano ba kasing nangyari kay Revil. Putsa naman oh! Kung sino sino nalang kasing binabangga walang kinakatakutan.” Inis na singhal ni Jerville nang maupo ulit. Humawak pa ito sa batok nya.

Wala sa sarili akong lumapit sa harap nya.

“K-Kasalanan kong lahat. Kasalanan ko kung bakit s'ya nasaksak. ” Naluluyhang sambit ko. Iniangat ni Jerville ang paningin sa'kin na may naguguluhang ekspresyon. Narinig ko rin ang mahinang pag tawag sa'kin ni Neia

Heartless And Cold-Hearted Gang Leaders ( BETWEEN HOT &' COOL ) Where stories live. Discover now