CHAPTER #87

1.2K 13 0
                                    


Chapter 87: Too late.




JERVILLE POV

Nang mag karoon ng Vacant time dahil walang prof ng economics ay naisipan kong tumambay na muna sa bench dito sa likod ng University. Ayoko sa Hideout dahil maingay doon at gusto ko na muna ng katahimikan.

Binuksan ko ang physics book ko at nag basa doon. Halos alam ko na nga ang lahat ng laman dito kahit pa iyong iba ay hindi namin napag aralan.

“You really loves books.”Naiangat ko ang paningin ko para makita si Nalliah. Naawang ang bibig ko ng biglaang bumilis ang tibok ng puso ko. Siguro dahil sa pag kamiss sa kanya. Ilang araw ko narin kasi s'yang hindi nakikita. Nasanay lang siguro ako sa pangungulit n'ya.

Namalayan ko nalang na tinabihan nya na ako ngunit may awang sa pagitan namin.

“Iyan ang dahilan kaya pinangarap ko dati na sana isa nalang ako sa mga libro mo, baka sakaling ituring mo ako na girlfriend mo. ” natawa ito. Pero may iba sa tawa nayon. Hindi gano'n ka genuine ang tawa nya hindi gaya noon.
“....Pero nakatulong rin naman iyon sa'kin. dahil kasi sayo, na-encourage ako na mag aral pa. Gusto kong mameet yung taong alam kong magugustuhan mo... Lahat ginawa ko para maging matalino sa paningin mo kahit pa mag mukha akong nerd. ”

Nangiti ako. Hindi ko akalaing nakarating na s'ya sa puntong iyon. Kaya pala dati ay minsan ko s'yang nakikitang maraming dalang libro. Pag nadadaanan ko pa s'ya sa room nya ay nakikita kong tutok na tutok talaga s'ya sa pakikinig.

“I think you should thank me..Ang swerte mong ako ang naging Inspirasyon mo. ” Pag bibiro ko. Pero hindi s'ya natawa kabaliktaran pa nga dahil nawala ang ngiti n'ya.

“Pero naisip ko, kahit ano palang gawin ko, hindi ko mame-meet yung standards mo kahit pa mamatay ako kaka aral... ” Doon nawala ang ngiti sa labi ko. Nakangisi s'ya pero nangingilid na ang luha sa mata nya na alam kong nilalabanan nya lang.
“Kasi si Ate Neia yung gusto mo. ” Doon na s'ya tumingin sa mga mata ko.
Aaminin kong tinamaan ako sa mga salitang iyon.

Hindi ko nagawang sumagot. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin.

“Sino nga ba ako para mag expect na makukuha kita, mag kakilala na kayo ni Ate bago ako dumating tapos sisirain ko kung anong meron kayo? I'm dumb as hell.”

Wala kang sinira dahil bago ka dumating ay walang namamagitan sa'min ng ate mo. At kahit na ngayon lang tayo nag kakilala ay malaki na agad ang naging bahagi mo sa buhay ko.

Jerville bakit ba hindi mo iyon masabi?  Ba't ba mas madali para sa'yo na itaboy lahat ng taong alam mong mahalaga sa'yo kesa ang sabihin ang tunay mong nararamdaman? 

Katahimikan ang bumalot sa pagitan namin. Hindi ko alam kung paano iyon babasagin.

“Lilipat na'ko ng school bukas.”
Pag babasak n'ya ng katamikan sa wakas.

Awtomatikong nabalin ako sa kanya. Hindi ito nakatingin sa'kin na nasa lupa lang nakatutok.

“Bakit?”
Hindi ko maitago ang pag kabigla.

Pasinghal na nangiti s'ya.
“Why are you asking?” iniangat nya ang paningin nya.
“I'm expecting you to say 'Great, good choice.' or 'Yes! Finally, I won't see your face anymore.'  Aren't you?”Doon na s'ya tumingin sa'kin. Natawa pa s'ya ng mahagya pero alam kong may pait ang mga iyon.

Heartless And Cold-Hearted Gang Leaders ( BETWEEN HOT &' COOL ) Where stories live. Discover now