CHAPTER #28

1K 21 0
                                    


Chapter 28: Tease

* JULIAN POV *




“K-Kuya. ” Kabadong sabi ni Raelin
Salubong ang kilay ni Anthon na lumapit sa'min

“Bakit kasama mo ang babaero'ng 'to? I warned you already, didn't I ?”

“Nag kita lang kami, Anthon wag kang timang.” pagdadahilan ko dahil hindi makasagot si Raelin

“Nag kita?! ” natatawang tugon nya na halatang hindi naniniwala saakin

“Nasa iisang University lang tayo kung hindi ka in-inform at malabong hindi kami mag pangita bakit Anthon?  Ano bang dahilan at nag re-reak ka nang ganyan gayo'ng nag kita lang naman kami? ” nang uusisang kunwaring tanong ko.

Alam kong gigil na gigil na sya pero dahil andjan ang kapatid nya ang pinipilit nyang ikalma ang sarili.

“Pumasok ka na sa room mo ” utos nya kay Raelin na wala sa sarili namang tumango. Nagtama pa muna ang mga paningin namin bago sya tumalikod at umalis.
Walang gana kong ibinaling ang paningin ko kay Anthon na masama ang tingin sa'kin

“Don't give that frown, Anthon unless you have a courage to smite me” walang ganang wika ko.

Kinuwelyuhan nya ako at bahagyang iniangat pataas sa mismong mukha nya

"Layuan mo ang kapatid ko! "Sigaw nya sa mismong mukha ko. Tinignan ko lang sya na animo'y wala akong pakielam sa mga sinasabi nya

“Paano kung ayaw ko na? Paano kung gusto ko nang mapalapit sa kanya” nakita ko kung paano sumama pang lalo ang titig nya saka patulak nya akong tinulak sa pader habang nanatili paring naka kwelyo sa'kin. Hindi ko ininda ang sakit sa likod ko at ngumisi

“Bakit wala ka na ba'ng ibang babaeng napagtripan at nakita mo ang kapatid ko? Layuan mo sya! Sasaktan mo lang sya! ”
Agad na umakyat ang init sa ulo ko nang marinig yun. Itinulak ko sya pa distansya sa akin. Pinagpagan ko ang suot ko saka deretsong tumingin sa kanya atsaka pangiting  suminghal.

"Ang lakas ng loob mo'ng utusan ako'ng layuan ko ang kapatid mo dahil masasaktan ko lang sya 'eh Samantalang ikaw naman ang dahilan kung bakit ako naging ganito! "Pigil na inis na sumbat ko sa kanya

"A-Anong ako?! Ikaw ang pumili na maging ganyan--"

"Oo dahil kapatid mo sya at ayokong maging konektado sayo!  Pinilit kong ituon ang atensyon ko sa iba para lang makalimutan kong kapatid mo ang gusto ko hanggang sa naging ganito nalang ako hindi ko parin maalis ang nararamdaman ko para sa kanya. Naiinis ako na sa dami dami nang mamahalin ko kapatid mo pa at sa dami dami naman kasi ng magiging kuya nya ikaw pa'ng gago ka! "Inis na talagang sigaw ko. Alam ko pinipigilan nya rin ang galit nya para siguro hindi na kami pagkasagupaan pa.
"Alam ko... Gusto din ako nang kapatid mo. "
Bakas sa mukha nya ang pagkagulat pero hindi nya iyon ipinahalata
"...Pero gaya ko'y pilit mo rin syang ipinalalayo sa'kin... "

Napangiti syang suminghal
"Ang taas din ng tingin mo sa sarili mo ah?... At tingin mo ang gaya mo ang magugustuhan ng kapatid ko?"

“Siguro noon hinayaan ko'ng diktahan mo ako na layuan sya pero ngayon, hindi ko na hahayaan ang sarili ko na ilayo sa taong dahilan kaya ako nagiging masaya...Wala na akong pakialam sa sasabihin o gagawin mo--”

“Wag mokong susubukan. ”kalmado pero may pagbabanta sa tono nya. Ngumiti lang ako.

“But I'm Julian Franco and I can get what I want. No one can obstruct in my way. ”
Ngumisi ako habang nakatitig ng masama sa kanya. Saka tinalikuran sya at nag lakad paalis.






Heartless And Cold-Hearted Gang Leaders ( BETWEEN HOT &' COOL ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon