CHAPTER #77

878 18 0
                                    


Chapter 77: Lean on.


JERVILLE POV


Tatlong buwan na simula idinala si Claire sa Australia. Malaki narin ang tyan ni Klea dahil due date nya na ngayon buwan. At sa mga araw mula ngayon ay ipapanganak n'ya na ang baby girl nila ni Anthon. Ilang buwan nalang din kasi at ga-graduate na sila ni Lester

Todo lang ang kwento dito ni Anthon tungkol sa pamimili nila ng mga gamit ng baby nila at doon sa pag aayos ng magiging kwarto ng baby nila doon sa bagong bahay na pinili ng parents ni Anthon para sa kanila.

Nabalin ako kay Revil at napa buntong hininga nalang nang makitang tahimik lang sya at walang mababakas na pag ka interes sa naririnig.
Lalo lumalala si Revil sa bawat araw na nadadagdagan na wala si Claire.
Pwede sana kung nadadagdagan ang pagiging heartless nya kaso lang... Mukhang pati sya nawawala narin.

Hindi na sya yung Revil na nakilala at nakakasama namin. Andyan nga sya pero hindi namin dama. Parang syang hangin na sobrang lamig pag nasa tabi namin.
Mas madalas na walang imik at sa malayo nakatingin.

Sobrang laki nang pinagbago nya. Tinalo nya pa si Keeil sa pagiging cold sobrang lamig nya. Hindi na sya yung Revil na maliit na pagkakamali lang ay bubulyawan ka na o ipapahiya kaagad.

Minsan makikita ko nalang sya na nakatingin sa akin pero wala naman sa sarili. Minsan kapag nag kukwentuhan ang lahat ay bigla nalang syang aalis at pagbalik nya ay sobrang mugto na nang mga mata nya.

Naawa na ako sa kanya. Hindi na sya yung Revil na kinakatakutan nang lahat at isa nalang kaawa awang lalaki na sobrang sinisisi ang sarili nya.

Nasa canteen kami ngayon at dalawa lang kami. Paunti-unti akong sumusubo bahang sinusulyapan sya na tahimik na kumakain. kitang-kita ko sa kung paano sya kumain na wala talaga siyang gana.
Nasa harap ko sya pero alam kong napaka layo, sobrang layo nang isipan nya.

Bubuka pa sana ang bibig ko para sana mag bukas ng pag uusapan nang

“Nako! S-Sorry Revil H-Hindi ko sinasadya, P-Patawarin mo ako. ” natataranyang usal ng babae nang aksidente syang madulas at matapunan si Revil ng Juice sa damit
“S-Sorry talaga, H-Hindi ako tumitingin sa d-dinadaan ko k-kasalan ko. ” kabado pang dagdag nito.

Tumayo si Revil at tinignan ang babae na ngayon ay nanginginig na.

“Okay lang, umalis kana. ” malamig na tugon nito na ikinagulat ng babae

Ibang iba kana talaga Revil at ayokong ganyan ka dahil alam ko sa loob loob nyan sobrang nasasaktan ka.

“Oh, Evil--Ay! Mali hindi kana pala Evil ngayon.” Awtomatikong nabalin ang atensyon namin sa lalaking bigla nalang dumating. Napatunog ko ang bibig ko nang mapagtantong isa sa mga grupong nakaaway namin.
“Musta...Balita ko mabait ka na daw, sobrang bait? Hahaha! ”
Humalakhak ito nang nakakainis sa tenga saka bumalin muli sa walang emosyong si Revil
“Bakit? Nako-konsensya ka dahil sa ginawa mo sa girlfriend mo? ”
Iniangat ni Revil ang pani gin nya dito pero wala paring emosyon ang mga ito.
“Oh bakit?! Huh! ” malakas nyang sinampal si Revil na naitagilid lang ang mukha. Susugod na sana ako pero sinenyasan nya ako na wag akong mangielam saka muling humarap dito.
“Aba't talagang wala ka na ngang pakielam sa mga taong gagago sayo ano? HAHAHA! Akala ko ba wala kang puso? Eh bakit nakokosensya ka sa ginawa mo sa babae mo? Tch!  Akalain mo yun sarili mong girlfriend ang binaril mo? HAHAHA!  Iba ka talaga Revil Aungtrias iba ka HAHA! ”

“Tapos ka na ba? ” Walang ganang sagot nito bago tumalikod ag akmang aalis nalang.

“Kamusta na ba yang si Claire? Hindi parin ba nagigising? Sana hindi na nga sya magising HAHAHA!  Habambuhay na syang matulog HAHAHA--UGH! ”
Bumulagta sya sa lamesa nang bumalik si Revil at sapakin sya ng malakas. Hindi pa ito nakuntento dahil kinuwelyuhan nya ito at hinila patayo saka sinikmuraan gamit tuhod at sinuntok ang baba pataas dahilan para mapaatras at makasandal ito sa pader

Heartless And Cold-Hearted Gang Leaders ( BETWEEN HOT &' COOL ) Where stories live. Discover now