CHAPTER #60

901 18 1
                                    


Chapter : Sweet lies

Kakahanap kay Keeil ay sa pool ng gymnasium napadpad ang mga paa ni Loella. Tuluyan na s'yang nakapasok sa loob ng makita ang isang babaeng nakatalikod mula sa kanya. Nakaupo ito at nakababasa tubig ang mga paa nito.

Napasinghal ito bago ipinag kruss ang mga braso nang mapagtanto kung sino ito.

“Hanggang dito ba naman makikita ko yang pag mumukha mo? ” Inis na sabi nya.

Gulat na humarap sa kanya si Claire at ganon nalang ka bilis tumayo na tila ba takot na takot mahulog sa pool.

Nangunot ang noo ni Loella sa inasal nito ngunit mas binigyan nya ng pansin ang mga mugto at namumula nitong mga mata na siguro ay kakagaling lang sa pag iyak.

“Oh. Umiyak ka? Dahil kay Revil na naman ba, kawawa ka naman. ”Pang aasar pa nito.

“Wala akong oras makipag talo sa'yo, Loella. ”

“Ako meron.”
Marahas na hinila n'ya pabalik si Claire ng akmang lalagpasan lang s'ya nito.
“Any kapal din ng mukha mo'ng pag mukhaing tanga si Keeil kakahabol sa'yo. ”

“Me, envious? Hell no! Why would I envy you. You're ugly! ”

“Exactly, If you think I'm ugly, then why are you keep doing this? Why are you still bagging me with petty things? ”

“Because--”

“Ano, dahil nanaman kay Rye? Dahil ikaw habol ng habol sa kanya para lang patawarin ka pero s'ya hinahabol ako para patawarin ko s'ya ?”
Naiyukom ni Loealla ang mga kamao nya na ikinangiti ni Claire.
“O baka naman kasi dahil sa inamin nya? Ano nadagdagan na naman ang galit mo sa'kin dahil du'n. Hindi mo nanaman ako tatantanan? ”

“Shut up. ”

“Alam mo kahit anong isip ko ay hindi ko makita ang tamang dahilan ng ikinagagalit mo sakin... Nagagalit ka sa'kin dahil hanggang ngayon ay hindi ka parin napapatawad ni Rye. Pero hindi ba't ikaw naman ang may kasalanan ng lahat? You chose to hurt him for what, just for those shit temporary happiness with Revil you had? Mali naman atang ibalin mo sa'kin ang kasalanang wala akong alam.”

" I said, shut up! "
Sa galit ay naitulak nya ito dahilan ng pag kahulog nito sa pool.
"Bagay sa'yo yan! " Natatawang sabi pa nito.

Ngunit ang halakhak na ginagawa nya ay unti-unting nawala nang makitang tila hindi makalangoy ng maayos ang dalaga sa malalim na tubig.

Nangunot ang noo nito at hindi magalaw ang sariling mga paa dahil sa mga bagay na nag lalaro sa isip.

"H-Hoy! A-Anong kadramahan yan? U-Umahon kana jan baliw! Walang ibang tao dito wag ka nang mag panggap! " Sigaw pa nito kahit pa alam nya sa sarili n'yang hindi talaga kayang lumangoy ni Claire.

"Shit!  Anong ginawa mo! Hindi s'ya marunong lumangoy! " Rinig n'yang sigaw ni Keeil na tumakbo na patalon sa pool. Tuluyan na nga s'yang napaluhod sa sahig ng makumpirma ang hinala.

Pinanood n'yang tulungan ni Jerville na kasama rin pala si Keeil na abutin si Claire. Tila naging slowmo ang lahat.

Wala na syang nasabi nang makitang akay akay na ni Jerville sa likod ang walang malay na dalaga habang ang basang-basa na si Keeil ay naka alalay sa likod.


Anong ginawa ko.

Salitang lumabas sa isip nya.

Natagpuan nalang ni Loella ang sarili sa locker area. Nanginginig ang katawan nito at ilang ulit napapalunok.

Heartless And Cold-Hearted Gang Leaders ( BETWEEN HOT &' COOL ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon