CHAPTER #82

867 14 0
                                    


Chapter 82: His heart


Pag ka pasok ko ay inabutan ko si ate Rianne sa sala at nanunuod.

"Oh, ba't ngayon ka lang? " Bungad niya.

"Sorry, something just came up. " Hindi ko maitago ang pag katamlay ko.

"Are you okay? " Nag aalalang lumapit s'ya sakin. Tumango nalang ako.

"Sumasakit lang yung ulo ko pero okay lang ako. " Pinilit kong ngumiti.
"Sige, matutulog na ako ate. Ang sakit ng ulo ko eh. "
Nag lakad na ako papasok sa kwarto ko. Pag kaupo ko doon ay agad na kinuha ko ang phone ko. Kahit masakit ang ulo ko ay nagawa kong i-dial ang number ni Kylo Ron. Nangiwi ako ng hindi nya sinasagot ang tawag ko. Siguro ay busy sya. Ibinalik ko nalang ang phone sa side table at akmang hihiga na ng may kumatok.

Hindi ko na kailangan mag salita na pumasok na s'ya dahil nakita ko nang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Ate Rianne dala dala ang tray na may lamang baso ng tubig at gamot.

Umupi ito sa tabi ko.
"Drink this. " Agad na kinuha ko ang inabot n'ya at ininom iyon.

"Please take care of yourself while Revil can't do it for you. " Mabilis na balin ako ako sa kanya ng bigla ay nasama s'ya sa usapan.
"He was probably glad to see that you're in safe...it must been a relief on him..." Hinawakan nya ang kamay ko.
"If you're hurting, He will hurt as well. " Nakita ko ang sinsero sa kanya.

"Why do you guys keep talking about him and the good things he did for me?" Ang hirap para sa'kin na naririnig ang mga kwento nila sa mga bagay na ginawa nya para protektahan ako gayong wala akong ibang maramdaman kundi inis sa lalaking 'yon.

"Because he loves you more than anything else. He'll do everything just to make you happy, just to make you safe even if it's hurt him so badly."

"But he's heartless." Inis na sagot ko.

Hinaplos niya ang buhok ko.
"No, when he's with you. "Nangiti ito.
"...You're his heart."
Saglit akong natigilan. Gusto ko pang mag tanong ng tungkol sa kanya pero ayokong mas lalong maguluhan.

Okay na ako sa ganito, si Kylo Ron.
Si Kylo Ron lang ang nasa puso ko, si Kylo Ron lang ang nasa tabi ko nung panahon pakiramdam ko mag isa ako at kailangan ko ng kasama. Si Kylo ron lang ang dapat iniisip ko.

"Inaantok na ako, matutulog na'ko. " Pag iiwas ko nalang saka humiga.

Wala ng dahilan para alalahanin ang mga bagay na dapat burado na.

--
Kinabukasan
10:30 na nang magising ako. Hirap pa akong bumangon dahil sa sakit ng ulo ko. Uminom na naman ako ng gamot kagabi pero bakit parang lumala lang?

Kinapa ko ang side table ko habang patuloy na nakahiga para kunin ang baso ng tubig doon pero wala akong nagawa kundi ang bumangon nang walang nakaoa doon. Pag bangon ko ay wala na nga doon iyon siguro ay itinabi na ni ate Rianne. Akmang tatawagin ko si Manang nang maalalang wala nga pala s'ya. Si Ate Rianne naman ay pumasok na dahil kanina pang 8:00 ang pasok nu'n.

Matamlay akong nag lakad at bumaba sa first floor.

Akmang papasok na ako ng kusina ng matigil ng makita ang isang lalaki doon na nakasuot ng apron at nag pe-prepare ng breakfast.

"Anong ginagawa mo dito! " mabilis na nakadama ako ng kaba ng maisip na ako lang pala ang tao dito sa bahay at s'ya.

Iniangat n'ya ang paningin sakin saka ngumiti. Napalunok ako dahil sa impact sa'kin ng ngiti na'yon. Aaminin kong nawala rin ang kaba sa katawan ko.

Heartless And Cold-Hearted Gang Leaders ( BETWEEN HOT &' COOL ) Where stories live. Discover now