CHAPTER #48

843 11 0
                                    


Chapter 48: Half-sister.



Kakatapos lang namin kumain at napag pasyahang tumambay sa foodcourt netong mall. Nag aya kasi si Nalliah since matagal tagal narin kaming hindi nakakapag bonding na tatlo nila Rye.

"Wait, punta lang akong restroom. " Asad ni Nalliah ng tumayo s'ya

"Samahan na kita. " tumayo rin si Rye. Napairap naman ang kapatid nya.

"Gad! Kuya you're unbelievable, hanggang papuntang restroom babantayan mo'ko? Bodyguard siguro kita nung past life ko. "Ngumiwi ito saka naunang nag lakad. Sumenyas pa muna sa'kin si Rye bago sumunod dito.
Kinuha ko ang phone ko mula sa bag para i-check kung may text ba galing kay Revil pero nanguso nalang ako nang wala akong natanggap na text kahit na kanino.
Ibinalik ko nalang iyon saka nangalumbaba sa lamesa ngunit ilang minuto ata akong nasa ganoong sitwasyon ng mapatayo ako nang makita si Neia na nag lalakad papalapit kung saan ako naka pwesto.

"Neia. " napalakas ang pag tawag ko sa kanya kaya naagaw ko ang atensyon ng ilang tao dito.
Nagulat siya ng makita ako ngunit ngumiti rin bago tuluyang lumapit.

"Ano'ng ginagawa nyo dito?" bungad ko nang makalapit na s'ya

"Ah, nag shopping lang kami ni Mom, kayo? "

"Namasyal, nag yaya kasi yung sister ni Keeil"
Nakita ko kung pano namilog ang mga mata nya.

"S-Sister? M-May kapatid pala si Keeil?"

"Oo, Actually half-sister pero buong magkapatid ang turingan nila. Kahit sobrang magkabaliktad nila haha! Sobrang approachable and bubbly kasi nun unlike Rye. "

"T-Talaga? Parang gusto ko syang makilala haha! "

"Ay nako! Baka magkakasundo kayo nun, kaugali ko eh. Nag cr lang kasi, sinamahan ni Keeil baka daw kasi may lumapit oh diba? Napaka protective kuya? "

"Ngayon ko lang nalaman na may ganong side pala si Keeil "naka ngiting sabi nya.

"Oo nga eh--Oh eto na pala sila eh"
Sabi ko nang makita ko sila sa likod ni Neia papalapit samin.
Unti-unting ipinihit ni Neia ang mukha nya para tignan sila.

Dalawang hakbang nalang ang pagitan nila ng magtama ang mga paningin nilang tatlo pero ang hindi ko maintindihan kung bakit bigla nawala nalang ang ngiti sa labi ni Nalliah nang makita si Neia. Si Keeil naman ang halatang nagulat din pero pinilit hindi ipinakita at nung magtama ang paningin namin ay bigla nya nalang itong iniwas.

Anong nangyari?

Nag kibit balikat nalang ako at pumunta sa may gitna nila

"Neia s'ya yung sinasabi ko sa'yo, She's Nalliah nag iisang kapatid ni Keeil." Pakilala ko kay Neia pero hindi sya sumagot na tila walang narinig at nakatingin lang kay Nalliah na para ba'ng may kakaiba dito. Pinabayaan ko nalang iyon at humarap kay Nalliah
"Nalliah eto yung schoolmate ng kuya mo na friend ko, she's Neia Vasquez--"

"I know her. " tipid at seryosong pagputol nito sa sinasabi ko.

Namilog ang mata ko nang marinig iyon

"K-Kilala mo na s'ya? "

"Yes, Of course I know her. " bahagya syang nangisi habang nakikipaglaban ng titig kay Neia
"She's my half... Sister. "ngumiti sya pero alam kong pilit lang iyon
"Long time no see... Ate Iya. "

Heartless And Cold-Hearted Gang Leaders ( BETWEEN HOT &' COOL ) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant