EPILOGUE

2K 24 1
                                    


Chapter 88:
ENDING

Two months later

Kaka hinto lang ng taxi na sinakyan ko. Mabilis na inabot ko ang bayad ko atsaka lumabas na. Kinuha ko ang phone ko mula sa aking bag ko ng tumunog iyon. Nangiti ako ng makita kung sino ang tumatawag.

"Oh? Bakit?!"

"Saan ka na ba? Kanina pa ako nag aantay dito."

"Malapit na'ko baliw."natatawang sagot ko dahil alam kong naka simangot s'ya ngayon.

"Talaga?! Sige sige dumeretso ka na agad dito, bilisan mo."

"Sige bye."
Ibinababa ko na at pumasok sa gate ng private park.

Dito kasi nag pasyahan ng B.R.A at B.S na mag sama sama.. Ang totoo'y simula nag kaayos ang dalawang grupo na iyon ay halos araw-araw na nga silang nag kakasama. Pati narin kaming mga babae na naging kaisa narin nila.

Naging tahimik na rin ang University na dati ay minu-minuto ang pag aawayan at pag sisigawan.

Nasa pathway na'ko nung makita ko si Klea. Siguro ay nakarating n'ya lang din.

Mabilis na tumakbo ako papalapit sa kanya. Nagitla ito pero ngumiti rin ng makita ako.
“Saan si baby Anlea? ” Tanong ko dahil mukha ngayong araw lang niya hindi sinama ang baby nila ni Anthon.

“Na kay Mom, S'ya muna ang nag alaga ngayon. ” Paliwanag nya. Tumango naman ako.
“Oh? Si Loella oh. Kakarating nya lang din? ” Turo nya dito na ngayon ay tumakbo na ng makita rin kami.

“Hindi ka nag pasundo kay Keeil?” Tanong nito ng papalapit palang sa'min. Umiling ito.
“May dinaanan pa kasi ako kaya pinauna ko na s'ya. ” Bumalin ito sa'kin
"Hay na'ko! Tanghaling tapat, mukha mo agad ang makikita ko."mataray na sabi ni Loella ng tuluyang makalapit samin.
"Alam mo bang ayaw na ayaw ko nakikita pag mumukha mo?!"dagdag nya pa niya bago umirap.

" Tss. Ako ba tinanong mo kung gusto kong makita mukha mo ?"singhal ko

"What ever! Bakit kasi kailangang makita ko pa mukha mo?"

"Kung ayaw mong makita mukha ko malaya kang pumikit!"

Ilang sandali kaming tumahimik at nag titigan sabay.....

"HAHAHAHAHAHA!!!" sabay sabay kaming natawang tatlo.

"Grabe namiss ko tong away natin haha!"-Loella

"Oo yung walang hanggang bangayan"-Klea

"Luge naman kasi ako sa inyo noh. Sobrang taray nyo kaya."natatawa ding sagot ko

"Naalala ko dati, wala pang ginagawa si Claire nako gigil na gigil na'ko haha!"-Loella

"Oo nga crazy memories hahaha!"-Klea

"At hinding hindi na tayo babalik dun."nakangiting sabi ni Loella na umakbay pa samin ni Klea

"Oo, Isa nalang iyong nakakabaliw na alaala "natatawang sagot ni Klea

"Hinding hindi na talaga tayo babalik dun yare ako kung mag kataon magiging tatlo na kayong aaway sakin eh' isama mo pa yang magiging mataray sa baby nyo ni Anthon."pagbibiro ko at nag tawanan na naman kami ulit

Pag katapos ng mga tawanan ay sabay sabay na kaming pumunta sa lugar kung saan naandon ang iba.

Pagkarating namin doon ay agad naming nakita ang nag iisang malaking table sa gitna kung saan naka upo ang R.B.A at B.S pati narin sila Neia, Raelin at Nalliah.

Heartless And Cold-Hearted Gang Leaders ( BETWEEN HOT &' COOL ) Where stories live. Discover now