CHAPTER #74

930 17 4
                                    


Chapter 74: Trapped

JERVILLE POV


Nagawa na naming makabalik sa Q.C pero ni anino ni Claire ay hindi namin nakita. Pati narin ang Kakatapos lang na kasal nina Anthon at Klea ay hindi na nasundan ang kasiyahan dahil sa nangyari.

Nag aalala na kaming lahat lalo na ang pinsan nyang si Rianne na hindi magawang sabihin ang nangyari kay Tita Karen na ngayon ay nasa Business trip parin hanggang ngayon.

Asan ka na ba, Claire. Alam kong hindi mo ugaling umalis nalang ng walang paalam. Saan ka ba nag punta.

Halos hindi narin natutulog si Revil pati narin si Keeil na walang ibang ginawa kundi ang hanapin si Claire.

"Revil!!" Nabulabog kami sa sigaw ni Anthon. Patakbo itong pumasok palapit sa'min. hawak nito ang phone nya na mabilis na inabot kay Revil.
"Si Drew. " Hingal na dugtong nito na ikinatayo namin ni Lester. Agad na lumapit kami para makita ang isang live video sa screen. Nangunot noo ko ng makita ang madilim na paligid. Tanging iisang ilaw lang ang sumusuporta sa paligid

"Oh. Hi Guys. " Bati nito na para bang nangangamusta lang sa mga ka tropa nya.

"Did you miss me--oh fuck of course not. " S'ya lang ang tanging natawa sa nasabi.
"Nga pala, may sorpresa ako para sa inyo.. Ito s'ya oh. " Itinutok nito ang camera sa babaeng nakatali ngayon sa upuan na ikinalaki ng mga mata namin. Si Claire.
Umiiyak ito at mababakas ang takot sa kanya.

"Claire!! " Sigaw ni Revil dahilan para tumingin si Claire sa camera.

Nakita kong tinanggal ng isa sa tauhan ni Drew ang nakatakip sa bibig n'ya.

"Revil, Keeil. Okay lang ako wag n'yo na akong puntahan pa dito--"
Hindi nagawang tapusin nito ang siya nasabi nya at napa sigaw nalang ng bigla ay may sumampal sa kanya. Isa sa mga tauhan ni Drew.

Si Drew ang s'yang pumalit sa screen.

"Papatayin kita!! " Sigaw ni Revil. Mababakas ang galit sa mga mata n'ya na halos mabasag na ang hawak na phone.

"Talaga, matatakot na ba ako? " Humalakhak ito.

"Papatayin kita papatayin kita!! "
Sigaw pa nito na muli lang ikinatawa ni Drew.

"Well, kung gusto mo talaga akong patayin sige.. Come here and get me, Revil Aungtrias.. Bago mahuli ang lahat.. " Nakangisi nyang itinutok ang hawak nya palang baril sa sintido ni Claire na ikinagulat ko. Alam kong grabe talaga ang galit ni Drew kay Revil pero hindi ko inakalang hahantong s'ya sa ganito.

"FUCK! FUCK! I'LL KILL YOU DREW SWEAR! I WILL KILL YOU!! " Malulutong na mura nito bago mabato ang phone na ikinabasag nito nang i-disconnect ang video call.

Mabilis na lumabas ito sa hideout namin na agad din naming sinundan. Pagkalabas namin ay mukha nila Keeil, Kevin at Julian ang bumungad namin.

"Bakit kayo andito? " Mababakas ang inis sa mata ni Revil.

"Ako ang tumawag sa kanya. "Ngayon ay ako naman ang binalingan nito ng tingin.
"Revil, Alam mong kailangan din natin ng tulong ng Black Spade...Pwede ba kahit ngayon lang, makipag ayos naman tayo sa kanila--"Nabigla ako ng kwelyuhan nya ako ngunit hindi ako natinag nun at sinabayan lang ang titig n'ya
"For once, let's do this for Claire... Tama na muna ang alitan. We need to save her. " Patulak nya akong binitiwan na alam kong napaliwanagan ko naman.

Heartless And Cold-Hearted Gang Leaders ( BETWEEN HOT &' COOL ) Where stories live. Discover now