Chapter 34: Break up.* KEEIL RYE POV *
Pinuntahan ko si Claire dito sa bahay nila pero si Manang lang ang inabutan ko.
“A-Asan po sila, manang? ” tanong ko nang hinandaan nya ako nag juice
“Si Claire ay nag mamadaling umalis kanina hindi ko alam kung saan pumunta, si Rachel naman ay pumunta sa kompanya at dahil may biglaang emergency daw kakaalis nya lang.” paliwanag neto
Bubuka pa sana ang bibig ko
“Oh? Eto na pala si Claire 'eh. Osya! Maiwan ko na muna kayo. ”
Tumayo ako at tinignan ang kabuuhan ng mukha nya.Anong nangyari dito?
Kilala ko si Claire at alam kong ngayon na may dinadala sya.“S-Saan ka galing. ” ialang minuto nya muna ako'ng tinignan saka kusang umiwas
“Sa hospital. ” Hindi tumitingin na sagot nya saka umupo sa single sofa sa tabi ko. Nag aalinlangan ako'ng umupo din sa sofa katabi nun.
“Ano'ng ginawa mo sa ospital ?”
Sa pagkakataong 'to ay tinignan nya na ako at iyon na naman ang matagal nyang titig na para ba'ng nag aalinlangang mag salita.
“Claire... ” pag tawag ko sa pangalan nya dahil hindi nya ako sinasagot.
“Pinuntahan ko si... Si Revil. ” nagulat ako nang marinig iyon pero mabilis naman ako'ng naka recover
“Bakit? Ano'ng nangyari? ”
“G-Gang fight. ” malungkot na sagot nya
Gang fight?
Daglian ako'ng naka ramdam nang hindi ko maintindihan sa loob ko. Hindi mo mawari kung saya ba ito o takot o nang lungkot para kay Claire.Nung marinig ko iyon ay ang tungkol sa pocket diary nya agad ang pumasok sa utak ko.
Yung pinaka huling list nya....
Hindi napasa ni Revil....Mag sisinungaling ako kung sasabihin ko'ng hindi ako nakakadama ng kaunting tuwa sa mga oras na'to
Tinignan ko ang kabuuhan ng mukha ni Claire at bakas sa kanya ang pagkalungkot kaya naka ramdam ako nang guilt dahil sa nararamdaman ko.
“C-Claire... Okay ka lang? Gusto mo'ng pag usapan? ” tinignan nya ako na mukhang alam na ang tinutukoy ko saka sya pilit na ngumiti at umiling
“Ano'ng pa'ng pag uusapan natin. Hindi nya napasa ang nag iisa nalang sa list ko at akala ko sya na pero hindi pala.... Iyon lang naman 'yun 'eh. ” pangisi syang suminghal
“Ano nang gagawin mo ngayon? ”
“Hindi ko alam Rye, hindi ko talaga alam. ” yumuko sya at humawak sa mga hita nya
Gusto kong maawa sa pustura nya ngayon dahil pinipilit nyang hindi maibuhos ang nagbabandya'ng mga luha nya.
“Claire... ”
“Sabihin mo Rye, Ano'ng dapat ko'ng gawin? Huh?! Susundin ko lahat nang sasabihin mo basta sabihin mo sa'kin anong gagawin ko.. ” halos paiyak na na sambit nya habang nananatili paring nakayuko.
Nakaramdam ako nang pagkasabik na para ba'ng ito na ang chance ko na kahit anong pigil ko ay iyon talaga ang lumilitaw sa utak ko.
Mahal kita Claire at lahat ng ikasasaya mo ay gagawin ko...pero siguro ito na ang oras na dapat ilayo na kita sa kanya para hindi mo na maramdaman ang mas masakit pa'ng pwedeng dumating pag pinagpatuloy nyo pa ito
YOU ARE READING
Heartless And Cold-Hearted Gang Leaders ( BETWEEN HOT &' COOL )
ActionNaranasan mo na bang pumagitna sa pagitan ng taong walang puso at ng taong may puso nga pero hindi naman nag pa-function? In short term, HEARTLESS vs. COLD-HEARTED Mapa gitna sa dalawang taong kilala bilang HOT but HEARTLESS and COOL but have a CO...