CHAPTER#83

867 15 0
                                    


Chapter 83: Gun






"Hays, Ang boring ngayong wala na sila Lester at Anthon dito sa University. " Reklamo ni Jerville naka krus ang braso nito na nasa likod ng ulo niya.

Kakalabas lang namin sa hideout.

"Edi sundan mo, Umalis ka na rin dito sa University. " Tamad na sagot ko.

"Wala ka talagang kwentang kausap Revil, bakit ba ikaw naging bestfriend ko. " Naiiling na saad n'ya. Sabay kaming natawa.

"Si Nalliah oh. " Turo ko nang makita ko s'ya na may kausap. Malayo sila mula sa'min kaya hindi nya kami nakikita. Natawa ako ng bahagyang nag tago si Jerville sa likod ko.

"Gago. 'Wag mo nang tawagin, Kukulitin lang ako ng bata na yan."

"Bata? Akala ko ba ay may mutual understanding na kayo. "

"Baliw ka ba! " Nagulat s'ya sa sariling sigaw bago muling nag tago sa likod ko.
"Pa'no ko papatusin ang isang 'yan. Kaedad ko lang ang kuya niya. Kapatid ko na ang isang 'yan. " Halos pabulong nalang nang sinabi nya iyon dahil baka marinig s'ya nito.

"E sino ba kasing gusto mo, Yung ate o yung bunso? Yung special child o yung childish?" Natawa pa ako ng matanong 'yon

"Wala! Tch. Pareho silang praning! Matino pa ang utak ko para patusin ang isa sa kanila--pssh!"
Hindi s'ya makatingin sa'kin ng sabihin iyon. Bago nag paunang maglakad. Napatakbo rin s'ya ng muntik na s'yang makita ni Nalliah.

Nangiti ako sa inasal niya.

Alam kong pareho lang silang gusto ni Jerville pero may mas angat sa kanila, Naguguluhan lang s'ya. Pero kung sino man iyon ay si Jerville na ang nakakaalam. Sana lang sa oras na piliin n'ya na ang talagang gusto n'ya ay pwede pa.

Nangiti ako bago nag lakad narin.

Pagkapasok ko sa palikong daan ng hallway ay nahinto rin ako ng sakto ay may babaeng nabunggo sa'kin kasabay ng pag kalaglag lahat ng gamit niya.
Naitikom ko ang bibig ko ng makumpirmang si Claire iyon. Nagitla rin ito ng makita ako pero sinamaan nya rin ako ng tingin

"Hays! Alam mo pag nandyan ka talagang minamalas ako! " Inis na bulyaw nya pero napako lang ako sa kanya. Hindi ko kasi aakalaing makikita kong mag lalagay s'ya ng lipstick at sobrang kapal nu'n. Bagay naman sa kanya iyon at talagang mas nag paganda sa kanya kaya lang hindi ako sanay na makita s'yang ganyan ka kapal ang make up.

Talagang sa ilang buwan ng pag kawala nya ay marami na ang nag bago sa kanya.

"Aren't you going to pick up all of my things?" Ipinag krus nya pa ang mga braso niya.
Natawa ako bago umupo para kunin lahat ng gamit nyang nag kalat at ilagay iyon sa bag n'yang nalaglag din.

Tumayo rin ako ng matapos at iniabot sa kanya.

"Ano ba akin na. " Rinig kong utos n'ya, Nanatili parin kasi akong nakahawak sa bag nya at nakatutok sa pulsuan nya ng may makitang marka noon.

Sugat iyon at mukhang sariwa pa pero hindi iyon basta sugat. Hugis Korona iyon, Isa 'yong tatak. Tatak na meron din halos lahat ng Crown Soldiers. Tatak na s'yang pag mamay-ari ni Drew.

Heartless And Cold-Hearted Gang Leaders ( BETWEEN HOT &' COOL ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon