CHAPTER #56

820 14 0
                                    

Chapter 56: The truth in past.


Isinabit ko na ang bag ko sa balikat ko pag kalabas ko ng pinto ng kwarto ko.

Narinig ko ang pag bati sa'kin ni manang ngunit tila wala akong lakas upang batiin s'ya bapalik.

Pakiramdam ko ay hindi na gaya ng dati ang umagang ginigisingan ko. Hindi na gano'n kasaya.

Lalagpasan ko nalang sana ang sala para makalabas na nang tawagin ni Mom ang pangalan ko. Nagtaka ako dahil hanggang ngayon ay nakasuot parin s'ya ng pambahay kahit kanina pa dapat s'ya nasa trabaho pero nawalan na ako nang ganang mag tanong.

“Papasok ka na? ”
Tumango ako saka iniayos ang pagkakasabit ng bag ko. Sumilip pa muna s'ya sa wall clock
“Ang aga mo naman atang papasok? ”

“May kailangan lang po kasi akong gawin. ” Pag sisinungaling ko. Ang totoo ay kagabi pa ako hindi makatulog ng maayos. Masyado akong maraming iniisip na lalong nag papadagdag sa sama ng loob na nararamdaman ko.

“And to dodge your own mom is included?” Hindi ko masabayan ang titig nya. Bakit ko nga ba panandaliang nakalimutan na ina ko s'ya at kilala nya ko.

Totoong may mga oras na gusto ko syang iwasan dahil mga nangyayari pero hindi ibig sabihin nu'n na nag tatanim ako ng galit sa kanya. Alam kong nang mamatay si dad ay s'ya ang pinaka nasaktan at hindi ko s'ya masisisi sa pag tatago sa'kin ng lahat dahil alam kong may dahilan s'ya at una na ako du'n.

“I'm sorry, mom. I-It's just that--I'm not mad of you okay? I-I just want to give you a time and myself also. ” Halos hindi ko na kayang magpaliwanag ng maayos.

Ilang segundo bago sya nag salita.
“Pwede ba tayong mag usap? ”

Tumango ako bago nag aalinlangang umupo. Alam kong ito ma ang oras na mag sasalita na si mom at alam kong kailangan kong malaman ang side nya.

I'm sorry for hiding the truth from you. I-I didn't intended to hurt you--I didn't even think that someday you'll be suffer in too much pain like this..baby I'm sorry for letting you cry because of me--of because of I chose to do... ” Panimula nya. Pilit n'yang pinipigilan ang luhang nag babadya nang kumawala.

Hinawakan ko ang kamag nya kahit na miski ako ay naluluha na.
“Mom, It's okay. I understand that you did that just for me... ”

Ngumiti ako na agad naman n'yang ginantihan bago nag pakawala ng buntong hininga.
“...Your dad and Mr. Aungtrias used to be friends, bestfriend rather....matalik silang magkaibigan na halos hindi na sila mapaghiwalay....bago ako dumating, Sa kanilang dalawa si Ramon Carlos ang una kong nakilala at s'ya ang dahilan kung bakit ko nakilala ang ama mo... Aaminin kong una ko pa lang nakita ang daddy mo ay inibig ko na s'ya, Pero talaga nga sigurong mapaglaro ang tadhana. ” Mataaang na singhal si Mom kasabay nang unti-unting pag pasok ng mga tanong sa isipan ko.

“...Hindi ko aakalaing ang dating kaibigan lang na turing sa'kin ni Ramon ay uusbong at tuluyan nang bilang pag mamahal bilang isang babae... Ako ang dahilan kung bakit sila nag kawatak...mga bata pa kami nu'n at hindi ko aakalaing ang galit nila sa isa't isa ay lalaki ng lalaki dahil sa mga dahilang bigla nalang papasok sa pagitan nila. ”

Si Mom ang naging hudyat ng pagkakasira ni Dad at tito Ramon?  Hindi ako makapaniwala.

Si mom pala ang unang dahilan nang pag tatalo nila na lumaki lang ng lumaki sa loob ng ilang taon dahil sa ibang dahilan.

“Nung gabing namatay ang daddy mo... Andon ako, kitang kita ko kung paano s'ya pinatay ng hayop na Eduardo iyon!” Hiningal pa s'ya dahil sa pag sigaw.
“....Nakita ko rin kung paano pilit ginawa ni Ramon ang lahat para lang maligtas ang daddy mo... Halos ialay nya narin ang buhay nya ngunit iyon narin siguro ang oras ng daddy mo... Pilit inagaw ni Ramon ang baril mula kay Eduardo pero nabaril lang s'ya sa braso at ang ikalawang putok ang bumawi ng buhay ng ama mo. ” Naramdaman ko ang pag gapang ng mainit na tubig mula sa mata ko. Nararamdaman ko na naman ang sakit na naramdaman ko nang mawala ni dad.

Heartless And Cold-Hearted Gang Leaders ( BETWEEN HOT &' COOL ) Where stories live. Discover now