CHAPTER #79

939 18 1
                                    


Chapter 79: The most painful awakening.





REVIL POV

Lumabas ako ng University at naisipang tumambay muna sa gilid ng gate.

Pinanood ko lang ang ilang tao at sasakyang napapadaan sa harap ko. Nakasandal ako sa pader habang hawak ang sigarilyo kong halos mangalahati na.

Sinagad ko pa ang pag hithit fit bago inilaglag sa lupa at ikiniskis iyon gamit ang sapatos ko. Isiniksik ko ang mga kamay ko sa bulsa ko saka tumingala at ibinuga sa hangin ang natitirang usok sa loob ng bibig ko.

Maaliwalas ngayong araw dahilan para nakayanan kong tumitig ng matagal sa malayong araw ng hindi nasasaktan ang mata.

Pitong buwan...

Pitong buwan na simula nangyari ang trahedyang iyon. Iyong pangyayari na naging dahilan kaya wala ka na ngayon sa tabi ko.

Itinaas ko ang kaliwang kamay ko at itinapat sa araw.

"Ang kamay na ito ang naging dahilan kaya ka nag agaw buhay. "

Kamusta ka na ba? Gumising ka na kaya? Kung oo ay ano na kaya ang nararamdaman mo ngayon? Maayos kaya ang kalagayan ko ngayon?

Alam kong wala akong karapatan para sabihin ito pero.. Please.. Please gumising ka na at mag pagaling para makabalik kana..
Okay lang kahit abutin ako ng ilang taon sa pag aantay sa'yo basta bumalik ka
Andami naming nag aantay sa'yo, Claire.

Napapikit ako ng maramdaman ang pag ragasa ng puting likido mula sa mata ko.
Pinunasan ko ang pisngi ko at umayos na ng tayo.

Tumalikod ako at akmang aalis na nang marinig ang isang pamilyar na boses.

Awtomatikong ako bumalik ng tingin at hinagilap ang taong nag mamay-ari ng boses na'yon.

Namilog ang mata ko ng mahagip ang isang pamilyar na mukha papasok sa gate. Ang bilis nang pangyayari at hindi ako sigurado sa nakita ko.

Kahit hindi ako sigurado ay mabilis na tumakbo ako papasok muli sa loob ng University.

Pag pasok ko ay agad na inikot ko ang paningin ko sa paligid. Napahawak pa ako sa ulo ko habang nag hahagilap.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang babaeng nakatalikod mula sa'kin na nag lalakad agad akong tumakbo papalapit dito at agad na hinila ang balikat nya para mapaharap sa'kin

"Claire! " masayang sigaw ko pero agad ding nawala iyon nang tuluyan kong makita ang mukha nang babaeng hinila ko.

"R-Revil... " tila takot na sagot nya.
Walang buhay na nalaglag ang kamay ko at naibaba ko ang tingin ko.

Asan ka ba? Miss na miss na talaga kita 'Puso ko.

"S-Sorry, umalis ka na. " napapahiyang sambit ko. Tumango naman sya saka naglakad paalis.

Tumingala ako upang pigilan ang pagbagsak ng nagbabadyang mga luha ko.

Nakapikit ko'ng hinawakan ang dibdib ko saka dumilat at ipinantay ang tingin ko sa daan.

Inilakad ko na ang mga paa ko para makaalis na roon.

"Mom, dito ako nag paikot ikot nung first day ko noon 'eh, naalala ko mukha pala akong tanga nun haha! "

Heartless And Cold-Hearted Gang Leaders ( BETWEEN HOT &' COOL ) Where stories live. Discover now