CHAPTER#54

883 14 0
                                    


Chapter 54: Kill me.



LESTER POV


Kakababa ko lang galing kwarto ko dumeretso nako sa dining at andon na sila Mom and Dad pati narin si Lawrence na sinusubuan na ng yaya nya

"Morning Mom, Dad. " kiniss ko si Mom sa ulo

Wala parin si Revil?

"Umupo naka jan kumain kana rin. "Tumango ako at nag handa narin ng pag kain ko
Sana sumabay samin si Revil

"Si Revil at Claire okay na ba sila? "Natigilan ako sa tanong ni Dad at hindi ko rin nasagot dahil dumating si Revil

"Mom, Dad pasok na po ako. "

"Oh? Kumain kana muna "-mom

" Wala po akong gana. "
Tiningnan ako ni Revil kaya napa patingin samin si Mom

"Bakit? May problema ba? "
Ngumiti lang si Revil

" Wala Mom. " Pag sisinungaling neto at akmang aalis na sana

"Revil, mag usap tayo hindi yung ganito "Tumayo nako

"Owww. Then you keep trying to act like a nice brother... "

"Bumalik ka dito!" sigaw ni Dad nang tumalikod na ito at akamng aalis na
Ilang segundo bago sya humarap
"Ano bang nangyayari sa inyo?! " tanong ni dad nang makaharap na si Revil na na sa'kin agad ang masamang titig.

"Ba't hindi mo tanungin yang magaling mo'ng panganay dad? Tutal ang galing galing nya eh. " nagatawa kunwaring sagot nito.
Tumingin sa'kin si Dad tila inaantay ang pag buka ng bibig ko pero hindi ko magawang ibuka ito dahil hindi ko alam pano sisimulan.
"Dali, tell dad how you easily hoax your own family for the past 3 year. "
Nanginig ang mga kamay ko.

"A-Anong ibig sabihin nang kapatid mo Lester?"

"D-Dad. "
Shit! Parang may humihigop ng lakas ko para hindi ako makapag salita ng maayos sa harap nila.

"Tell me, Lester. " mahinahon pa ngayon si Dad pero alam kong hindi na magtatagal iyan.
Nag buntong hininga na ako upang makakalap ng lakas ng loob. Siguro nga tama na ang tatlong taon,
Tama nga sila, lahat ng lihim ay nag bubunngag at oras ko na para makalaya sa matagal na panahong lumamon sa'kin.

"D-Dad, si Rianne Mariano. P-Pamangkin sya ni tito Zandro. Simula n-nakilala ko sya ay alam ko na ang bagay na 'yon. At nung.... Naging kami at makilala nyo na s'ya ay pinilit naming itago sa inyo ang buong pagkatao nya--"

"A-Ano? Si Rianne? " bumabakas na sa mukha ni Dad ang pag kagulo.

"Y-Yes Dad, A-Alam naming dalawa ang tungkol sa ugnayan nyo ni Tito Zandro at dahil ayaw namin na lumaki ang problema sa pagitan nyo p-pinilit naming itago ang lahat hanggang sa tumagal nga ang relasyon namin pero.... H-Hindi namin alam na may mangyayaring gano'n kay T-Tito Zandro--Hindi namin aakalaing mamatay sya--"

"Ibig sabihin... Kilala n'yo na sila noon pa man--Hindi ako makapaniwala...Y-Yung pag punta nya pala dito yung--lahat yun pag papanggap lang? " nag uumpisa nang tumaas ang boses
Nangingilid na ang mga luha sa mata ko pero pilit ko iyong nilalabanan

"Oh my god... " usal ni mom na hindi rin makapaniwala

"So, matapos mamatay ni Zandro? Nag panggap parin kayo gano'n ba? "

Heartless And Cold-Hearted Gang Leaders ( BETWEEN HOT &' COOL ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon