CHAPTER #37

1K 22 0
                                    

Chapter 37: Confession





* RAELIN POV * 

Tila nag karoon nang kanya-kanyang mundo ang mga kaklase ko nang lumabas sa pinto ang aming prof At unti-unting umingay.

Tahimik lang ako bahang pinapanood ang ilan sa kanila,  wala din naman ako sa mood para makipag kwentuhan pa. Napunta sa gawi ni Claire ang paningin ko at nakita ko syang tila tahimik na nakatanaw sa bintana. Alam kong iisang tao lang naman ang nasa utak nya ngayon. Mabilis akong ngumiti nang mahuli nya akong nakatingin sa kanya na hinantihan nya naman at nag buntong hininga.

Napukaw ng atensyon ko si Neia nang bigla syang tumayo at kita ko mula dito ang hawak nyang papel na nakatupi. Nailing ako nang mapagtanto kung ano iyon.

Nakangiti at pacute syang lumapit sa umupuan ni Jerville na nakatutok lang sa binabasa nya. Inilapag nito ang hawak na libro nang makitang inilahad ni Neia ang hawak nya para ibigay.
Una itong tinignan ni Jerville bago walang ganang iniangat ang paningin kay Neia na nakangiti.

Laking gulat ko nang matamis na ngumiti si Jerville dito at kinuha ang papel na lalong ikinalaki nang ngiti ni Neia.

Matutuwa na sana ako dahil ito ang kauna unahang bagay na tinanggap ni Jerville mula kay Neia pero mali ako.

Ang kaninang matamis na ngiti nito ay unti-unting napalitan nang ngisi at lisik ng mata saka nilukot ang papel sa mismong kaharap ni Neia bago binato sakto sa trash can.
Bumalik ito sa pagbabasa na tila walang nangyari. Nakanguso namang bumalik sa upuan si Neia.

Gusto kong tumawa dahil hindi talaga marunong mapagod itong si Neia na tila sya pa ang nang liligawan sa lalaki kahit pa ilang beses na syang ipinagtutulakan palayo.

Bumaba ang paningin ko kay Kevin at nakita ko ang pag ngisi nito na alam kong si Neia ang dahilan bago bumalik sa pag lalaro nang kung ano man ang nilalaro na sa kanyang phone.

Nangiti ako sa kung anong pumasok sa utak ko.

Neia Vasquez...

Sino nga ba talaga ang para sa'yo?  Yung taong mahal mo na wala namang paki sa'yo na mahilig sa libro at laman ng library, O yung taong mahal ka, na laging nandyan pag kailangan mo sya na mahilig naman sa games at laman lagi ng gamezone.

Nakakatawang kahit sino pa man ang makatuluyan nya ay lagi syang may kaagaw sa atensyon

Natuon ang atensyon ng lahat nang may malakas na tumulak ng pinto. Nagulat ako nang makita si Julian dahil ito ang inang beses na pumasok sya sa room namin. Kahit pa may mga kaibigan sya dito ay hindi sya miski dumadaan sa room namin.

Nag masid sya sa paligid at lalo pang kumalabog ang puso ko nang huminto iyon sa akin.
Napatingin ako kay Kervin at Claire na hindi manlang makuhang mag taka hindi tulad nang iba naming mga Klasmeyt. Narinig ko pa ang iba na nagbulungan pero wala akong oras na pansinin pa iyon.

“Sumama ka sa'kin. ” halos mapatalon ako nang sabihin iyon ni Julian na nakalapit na pala sa'kin

Hindi ko na nagawang magtanong nang hilain nya na ako palabas. Hanggang makarating kami sa penthouse na ditong building.
Bumitaw na ito sa pagkakahawak sa'kin nakunot ang noo ko nang makitang kinakabahan sya.

Kinakabahan?  Si Julian?

"A-Ano bang ginagawa natin dito Julian?  Ano bang sasabihin mo? "

Hindi sya makatingin sakin ng maayos naka yuko lang sya

Kahit na hinihingal sya ngayon ang gwapo nya parin.

Heartless And Cold-Hearted Gang Leaders ( BETWEEN HOT &' COOL ) Where stories live. Discover now