EULII2

7.4K 227 18
                                    


-

“Kalimutan mo na yun… wala nang mababago”

-

Third Person’s POV

“Eul...“ alanganing bungad ng isang babae mula sa likod ni Eul na ngayon ay pinagmamasdan ang ama. Humawak ang babae sa braso ni Eul at pasimpleng pinisil ito.

Nilingon siya ni Eul… nagulat man ay nginitian ito ni Eul. Humarap si Eul at nasurpresa sa mga nakita… ang 'tres marias'

“Eul... condolences” sabi ni Sheena at niyakap ang kaibigan. Gumanti rin sa yakap si Eul nang mahigpit. Nang magbitaw ang dalawa, sunod naman na yumakap ay si Cassey… naluha pa si Cassey dahil sa pagyakap na iyon…

“Na-miss kita” sabi lang ni Cassey at pinunasan ang pisgi matapos kumalas sa yakap.

“Ako rin...” pagkuway na sabi ni Eul… humarap siya kay Clive na ngayon ay nakatitig lang sa kaniya. “Ano? Hindi mo ako na-miss?” tanong ni Eul.

Saglit na natulala si Clive kay Eul… hindi makapaniwala sa nakikita… “Eul...“ at niyakap ng mahigpit si Eul… “Hindi ko alam kung bading ba talaga ako...” Sabi ni Clive at ngumiti… “Hindi ko alam kung nai-insecure ba ako o sobrang nagagandahan sa’yo” sabi ni Clive.

Tumawa si Cassey sabay "Oo nga… hayaan mo Clive, hindi ka na gaganda" sabi ni Cassey.

"Grabe!"

Sa isang sandali ay naging masaya si Eul, nakapagpahinga siya sa kalungkutan na ilang araw na siyang sinasaksak… kung nakakamatay lang ang sakit na nadarama niya, nung isang araw pa siya namatay.

-

“Eul, anong plano mo ngayon?” pagbasag ni Sheena sa katahimikan… nasa kusina sila at doon pinili na mag-usap.

“Hindi ko pa alam, marami pa kasing aayusin… tsaka---basta… pagkatapos na ng libing” sabi ni Eul.

“Eul, I’m pretty sure, isa sa mga iyan yun” biglang sabi ni Cassey sabay turo sa mga tao sa receiving area.

“Cassey! Shut up! Mamaya may makarinig sa’yo!” sita ni Clive.

“Totoo naman eh… tsaka walang mapagkakatiwalaang mukha sa kanila… nakakalungkot kaya yung nangyari kina Tito-“

“Mas nalulungkot si Eul” sabi naman ni Clive.

“Pero, after ng libing, anong first step mo?” tanong muli ni Sheena.

“Hmmm... aayusin ko muna yung kumpanya, then, isusunod ko yung taong pumatay kina Mom and Dad” matigas na sabi ni Eul…

Napatingin ang tatlo kay Eul… seryoso ang mga mukha at tila’y nakikita ang nakikita ni Eul.

Maya maya’y may dumating na lalaki mula sa kung saan… “Sir... nandito po si sir Kean”

tumingin doon si Eul at sinenyasan ang lalaki. Umalis ang lalaki… hindi nagtagal ay may pumasok.

“Babe...“ sa nagsabi noon, lumingon ang lahat sa pinagmulan ng boses. Nagulat ang tatlo sa nakita at hindi agad nakapagsalita.

Pinagmasdan lamang nila ang lalaki habang naglalakad patungo kay Eul at agad na ginawaran ito ng halik sa labi.

Nang magbitiw ang dalawa, tumingin silang pareho sa tatlo. “Oh… By the way, Here’s Kean, my fiancé---“

“I’m Kean, his fiancé.” sabi ni Kean habang pinagmamasdan ang tatlo… ang tatlo naman ay hindi magkanda-ugaga na ipasok sa kukote ang nakikita.

“Fiancé?“ hindi makapaniwalang sabi ni Cassey.

Nagtinginan ang tatlo… tila naguluhan ngunit naging masaya para sa nasasaksihan.

“Hmmm… Babe, here’s Clive, Sheena and Cassey, my friends when I’m studying at Manila… nakwento ko na sila sa’yo dati…” sabi ni Eul.

“Ah, oo… naalala ko na… sige… babe, something urgent happened, I have to check on it”

“Ah... okay, ingat” sabi lang ni Eul at umalis na si Kean matapos humalik muli sa kaniyang nobyo..

“Ang swerte niyo sa isa’t isa” sabi ni Clive.

“Oo nga eh... eh ikaw… wala kang ganyan” sabi bigla ni Cassey sabay baling kay Clive.

“Sus! Okay lang… at least, wala akong jowang katulad ni Kit… mung-gago” sabi ni Clive.

“Kit?” hindi makapaniwalang sabi ni Eul.

“Oo si kit… eto naman si Sheena, si Jigs” sabi muli ni Clive.

“Seryoso?” hindi parin makapaniwala na tanong ni Eul.

“Oo nga! Ang tagal mo kasing nawala… ang dami na ring nagbago.” Sabi naman ni Cassey.

“At ang mas nakakagulat? Si Clive tapos si Itchan, nagsisimula nang maglandian” sabi ni Sheena.

“Oo nga! Nung nakaraan lang, magkasama silang kumain sa labas… nahuli namin ni Kit” sabi ni Cassey.

“Oy! Stop na… hindi na nga ako nangenge-alam sa inyo eh”

Tumawa sabay "talo ka pala eh… By the way, speaking of them, pupunta sila dito mamaya" sabi ni Sheena. Nagseryoso bigla ang mukha ni Eul…

“Matagal ka rin kasi naming sinubukang i-contact kaso… parang ayaw ng internet na magtagpo ang mga landas natin…”

“-sobrang daming nagbago Eul, sobrang daming nagbago…”

“By the way, may trabaho na ba kayo?” pag-iiba ng usapan ni Eul.

"Ako, oo... sa ME Style, Clothing Line ng company niyo.” sabi ni Sheena at kumindat.

“Ako rin... magkasama kami” sabi naman ni Cassey.

“Ako rin gusto ko sana… kaso nagaaral palang ako ng Medicine eh” sabi ni Clive. "Uy Eul, ipasok mo ako sa ME University Hospital ah?" Pagkuway na pagindorso ni Clive sa sarili.

"Oh, ikaw lang pala nagtuloy sating apat... sige akong bahala sayo" sabi lang ni Eul.

-

“Mas maganda ka ngayon kesa dati” sabi ng isa sa tatlong lalaking kararating lang.

Ngumiti lang si Eul at pinagmasdan ang tatlo na ngayon ay nakatayo sa harapan niya. “Upo na kayo” sabi ni Cassey na sinunod naman ng tatlo.

“Kumusta ka na?” tanong ni Jigs at umupo sa tabi ni Sheena.

“Tinanong mo pa talaga.” Sabi naman ni Kit. “Kumag ka talaga” dugtong niya pa.

“Sorry” sabi lang ni Jigs.

“Okay lang…” sagot lamang ni Eul at ngumiti ulit. Matapos noon ay nanahimik silang lahat. Tila hindi alam ang sunod na sasabihin. Si Itchan na katabi ni Clive ay nakatitig lang kay Eul. Titig na titig. Si Clive naman na katabi niya ay hindi na mapakali at kung ano ano ang tumatakbo sa kaniyang isip.

“Hmmm… Eul, ano nang balita sa’yo? Hindi ka nagparamdam pagkatapos nun” pambabasag ni Kit sa katahimikan.

“Wala kasing time, sobrang na-busy ako… tsaka ang daming pinagawa sakin nila daddy” sagot ni Eul.

Nagtango-tango naman ang lahat na tila’y naintindihan nila ang sinabi ni Eul kahit na sa kaibuturan ng kanilang pagiisip ay hindi maalis ang ideyang---sinadya mong hindi magparamdam.

“Eul, sorry…” biglang sabi ni Itchan… Nagtinginan ang lahat sa ngayon ay nagsalitang si Itchan.

Hinding-hindi ko tatanggapin ang sorry mo. Bulong ni Eul sa sarili. Matagal bago magbigay ng reaksyon si Eul sa kaniyang mukha. Huminga siya ng malalim bago ngumiti.

“Kalimutan mo na yun… wala nang mababago”

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon