EULII32

761 37 19
                                    

-

Nagkamali kayo ng kinalaban niyo...

-

Third Person's POV

"These were the summer wear collection of this year's edition..." wika ni Ms. Cordero habang pinapakita ang iba't ibang disenyo ng mga damit mula headdress, salamin, mga damit, shorts at slides. Sa bawat disenyong pinapakita, bakas ang modernong istilong nakakabit dito.

"These---" tinuloy pa ni Ms. Cordero ang kaniyang sinasabi ngunit hindi na ito napakinggan ni Mr. Calili nang mamataan ang pagpasok ni Spiro sa conference room. Agad niya itong sinenyasan na lumapit at umupo sa tabi niya.

Kasama ni Kevin, naglakad si Spiro patungo kay Mr. Calili at umupo sa tabi nito. Si Kevin naman ay nakatayo lamang sa likod ni Spiro na ngayon ay dinadaldal ni Mr. Calili.

Sunod-sunod ang paliwanag at pagpapakita ni Ms. Cordero sa mga litrato at ganoon din ang kaliwa't kanang tanungan ng bawat myembro ng marketing and operations department ng ME Styles.

Natigil ang lahat nang tumunog ang telepono ni Mr. Calili at lahat ay napatingin sa kaniya.

"Yes... Ms. Serrano" pambungad na sagot ni Mr. Calili na lalong nagpatahimik sa lahat. Naging seryoso at makapigil hininga ang paghihintay nila sa kung ano ang balita sa tawag.

"Okay... I understand... thankyou COS Serrano." Pagkakasabi ni Mr. Calili. Nang patayin ang tawag ay malungkot niyang hinarap ang kaniyang mga empleyado sabay tumayo.

"Chief-of-Staff Serrano just informed me about the chairman's decision..." panimula ni Mr. Calili. May bahid ng kalungkutan ang kaniyang boses na mas lalong nagpaseryoso sa loob ng conference room. "She said, the chairman accepted the offer." Sa huling sinabi ay nagsipalakpakan ang lahat at ang iba ay nagsisisigaw pa.

Si Cassey ay pumapalakpak ngunit hindi naaayon sa kaniyang mukhang dismayado. Si Spiro naman na ramdam ang kilig at pananabik ay makapigil hiningang tinitiis na hindi magdiwang sa narinig na balita. Kinalma niya ang kaniyang sarili at pinilit na ipakitang hindi siya ang pinakamasayang tao sa sandaling ito.

"Congratulations!" Ani ni Mr. Calili sa lahat at ang lahat naman ay tumalima pabalik.

-

"This is to inform you that LPB Party is now under the funding and support of Espierre Group of Companies---sabi ni Ms. Caitlyn Samson na Chief-of-Staff ng LPB Party sa isang press conference na ginanap kanina sa senado."

"Inaasahang si Senate President Ruffo Gatchalian ang magsasalita sa nasabing pagtitipon ngunit malungkot na sinabi ni Ms. Samson na ito ay mayroong sakit kaya't hindi nakadalo sa nasabing pagtitipon."

"Ito ay matapos ang pagatras ng Madrigal-Espinosa Group of Companies sa pagpondo at pagsuporta nito sa nasabing partido. Dagdag pa ni Samson, titiyakin umano ng senador na mananatiling una ang LPB---Laban Para sa Bayan will always be the first and leading political party here in the Philippines---"

Matapos mapanood ang balita ay saglit na natahimik si Eul para magisip nang masinsinan.

"Tell Skyrus to come here. ASAP." utos niya kay Sheena.

-

"Sana masaya ka na... naayon lahat sa plano mo..." pasimpleng sambit ni Cassey pagdaan niya sa pwesto ni Spiro.

"Anong sinasabi mo?" Iritang tanong pabalik naman ni Spiro.

"Wag ka nang magmaang-maangan Spi... kilala na kita... kung inaakala mong makukuha mo ulit si Eul, nagkakamali ka." Sabi muli ni Cassey. Sa narinig ni Spiro ay napatayo ito at nilapag ang teleponong kanina niyang ginagamit upang maglaro.

"Di ko alam kung bakit hanggang ngayon ang init parin ng dugo niyo sakin... ilang beses na akong nagpaliwanag pero ni isa walang nakinig sa inyo---" sabi niya ngunit binara agad siya ni Cassey.

"Pano kami makikinig sa isang sinungaling na tulad mo?!" Napalakas ang pagkakasabi ni Cassey, sapat upang marinig ng ibang mga taong nasa loob ng conference room.

"'Yan... ganiyan na ganiyan kayo... hindi niyo inaalam yung side ko... pano ko ie-explain?!" Napikon na si Spiro sa inaasta ni Cassey. "Alam mo... kung kayong mga babae, hindi niyo ako pakikinggan o tutulungan... hindi ko kayo pipilitin..." segunda ni Spiro.

Dahil sa lakas ng pagkakabigkas ni Spiro, napapatingin na si Cassey sa paligid sahil ang iba ay nakatitig na sa kanila.

"Tumutol kayo, tumulong kayo, o kung ano man... babawiin ko si Eul..." matigas na pagkakasabi ni Spiro at lumabas na ng conference room. Naiwan si Cassey na bahagyang napahiya dahil sa nakita ng mga taong ingkwentro nilang dalawa.

-

"Miles is the one behind LPB's funding... we should counter them..." pagaalalang bungad ni Eul kay Skyrus pagpasok nito sa loob ng opisina niya.

"Yes... I know... LPB is still the leading party... we now have three political party to choose from..." pabalik naman ni Skyrus.

"What do you think... Sky?" Hindi na alam ni Eul ang pipiliin sa tatlo dahil kahit na ito ay kasama sa mga nangunguna, kailangan parin nila matapatan ang partido ni Senator Gatchalian.

"Honestly... I still don't know... maybe we should seek advice to the legal team?"

-

"Mr. Chairman, among these three choices, APM Party chaired by House Speaker Benedict Santos is the common rival of LPB..." direktang sabi ni Atty. Calixtro Mendoza matapos basahin ang napakahabang mga papeles at ilatag ito sa harap nina Eul at Skyrus.

"I certainly think, it is the best choice to choose." Pagkuway pang sabi nito.

Si Eul ay sumasakit na ang ulo na sumandal sa kaniyang couch at tumitig sa kisame ng kaniyang opisina. Nanahimik silang lahat na nasa loob at masugid na inisip ang tamang hakbang na dapat gawin upang tapatan ang kalabang partido.

"Are you sure that APM is our best choice?" Pagtanong muli ni Eul at umayos ng upo. Tinanguan lamang siya ng abogado bilang pagsagot.

"Call them."

-

"Matapos ang nakabibiglang pahayag ng LPB sa bagong kompanyang susuporta dito, ngayong gabi lamang ay mas lalong umingay ang mga politiko at mga tagasuporta ng bawat tatakbong kandidato nang magbigay ng pahayag ang Madrigal-Espinosa Group of Companies Foundation sa kung sinong partido ang susuportahan nito."

"We'll be supporting the Aksyon Para sa Masa (APM) Party---pahayag ni ME Group Foundation President Skyrus Yokohama"

"Dagdag pa niya, suportado ni ME Group Chairman Eul Justine Espinosa ang mga plataporma ng bawat kandidato na miyembro ng APM---He's very supportive... every-single-project will help our fellow Filipinos---"

"Sa pahayag na ito, hindi maikakaila ang matinding kompetisyon mula sa LPB at APM Party ngayong eleksyon. Ayon sa iba pang---"

Nakataas ang kanang kilay ni Eul habang pinapanood ang kasalukuyang pinapalabas lamang na balita.

Isa lang ang tumatakbo sa utak niya... Mainit. Puno ng galit at paghihiganti.

Nagkamali kayo ng kinalaban niyo...

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon