EULII5

6.2K 200 12
                                    


-

"Base sa naririnig ko, iisa lang ang nasa isip nating lahat. Mr. Eul Justine Espinosa, the new owner of ME Group of Companies, in behalf of the Company's Executive Officers, I hereby declare, Chairman Eul Justine Espinosa of ME Group, as the third CEO of the Company! Congratulations!"

-

Third Person’s POV

"Good morning sir Eul" pagkuway na bungad ng nag-iisang taong naglakas-loob na bumati kay Eul. Tinignan siya ni Eul at nginitian.

Nagpatuloy lang si Eul sa paglalakad sa hallway ng building na ngayon ay pagmamay-ari niya na. Sumusunod sa kaniya ang higit sa sampung kalalakihang nakasuot ng itim na slacks at itim na coat, tinitignan ang bawat gilid ng kanilang amo.

"Sir Eul, kanina pa po naghihintay ang lahat ng major shareholders ng kumpanya" biglang sabi ni Mr. Pong na kanina pa nasa gilid niya. Tumango lang si Eul at dire-diretsing tinahak ang daan patungong Conference Hall.

-

"Ladies and Gentlemen, here he comes! Mr. Eul Espinosa, the new owner of Madrigal-Espinosa Group of Companies! Please give him a round of applause!" Masiglang pagbati ng babaeng nasa podium ng Conference Hall.

Ang lahat ay nagsitayuan kasabay ng pagbating iyon at sinabayan ng nakaririnding palakpakan.

Makikita sa buong hall ang mga upuang kung titignan ay pawang espesyal na ipinagawa para lamang sa mga kasalukuyang nakaupo.

Malawak, malaki, mamahalin, maaliwalas. 'Yan ang perpektong paghahalimbawa ng Conference Hall ng ME Center Building na ipinatayo mismo ng mga magulang ni Eul.

Ang lahat ay hindi magkamayaw sa pagpapalakpak habang tinatahak ni Eul ang hagdan pataas ng entablado. Tanaw niya ang lahat ng taong matagal nang kasapi sa kumpanya.

Mga major shareholders, matataas na empleyado ng kumpanya at maging ang mga media na may kanya kanyang dalang camera---sila ang mga pangunahing nakita ni Eul.

Nang makarating si Eul sa podium ay kinamayan siya ng babae at hinayaan siyang magsalita na. Huminga muna siya nang malalim bago tumuloy.

"Hello VIP's" paunang pagbati ni Eul. Ang lahat ay natahimik dahil sa kaniyang sinabi. Masasabing binasag niya ang katahimikang nagtatakip sa katotohanan. "Well, as far as I know, bata palang ako, nakikita ko na ang mga mukha niyo..." walang halong takot na sabi niya.

Napalunok ang mga taong gusto niyang paringgan. "And... 'til now, nandiyan parin kayo sa kung nasaan kayo..." dagdag pa niya.

"VIP's ang tawag sa lahat ng may parte sa kumpanyang ito. Kumpanyang kulang nalang ay gawing pag-aari ang Pilipinas. At sa haba-haba ng nilakbay ng kumpanyang ito, sa lakas ng kapangyarihan ng mga nandito, kahit na ang may-ari nito, walang nagawa." Sabi niya. Huminga siya ng malalim at tinignan ang lahat ng nasa silid.

"Naalala ko pa nung minsang iginala ako rito nila Mom and Dad, I was so happy that I could think, this place is an amusement park. Well I'm that childish back then. When I was 8 years old, sinabi na sakin ni Daddy na ako ang magmamana ng company... that time, masaya na ako dahil syempre akala ko, building ang makukuha ko, na makakalaro na ako sa sarili kong building." Rinig ang tawanan ng mga tao roon at minsanang pagpalakpak. "13 years old, sinabi niya ulit sakin yun but, tinawanan ko siya kasi that time, alam ko na yung pinagkaiba ng building sa kumpanya. Nasabi ko pa no'n na ayaw ko kasi, ayaw ko sa mga tao na naroroon..." tumigil siya at tumingin sa mga tao. Masugid lang na nakikinig ang mga iyon.

"16 years old ako, sinabi niya ulit and that time, something personal matters us. Nagalit ako sa kaniya, sa kanila ni Mom. Na hindi ko kayang gawin ang gusto ko pag ito ako... kapag anak nila ako... kapag pagmamay-ari namin ang ME."

"But, thinking of that I just realized something... na hindi totoong wala akong magagawa... na hindi totoong 'pag pagmamay-ari namin ang ME, wala akong magagawa. Na-realize kong, ako si Eul Espinosa, may-ari ng Madrigal-Espinosa Group of Companies ang I can do everything. I can buy everything and I can find the traitors inside my den." Mapangahas na sabi ni Eul.

"But, that's enough. Tapos na 'yon, I wish you all the best" may sa himig na pagbabanta na sabi ni Eul.

Magulo man ang sinabi niya, hindi naman maipagkakaila ang pangamba na naramdaman ng karamihan.

Bumaba si Eul mula sa podium at umupo sa espesyal na reserbang upuan para sa kaniya na nakalagay sa isang gilid ng entablado.

"Thankyou Mr. Eul Espinosa... may I call on the ME Group of Companies Vice Chairman and COO, Mr. Edward Pangilinan and Madrigal-Espinosa's Chief-of-Staff, Mr. Andrew Pong to lead the Executive Election" pagtawag ng kaninang babae.

Tumayo at dumiretso sa taas ang dalawa. "Good morning everyone, this day, we're going to vote for the new Chief Executive Officer of our company---" pauna ni Mr. Pong ngunit inagaw agad ito ni Mr. Pangilinan nang mabilisan.

"William and I were bestfriends since middle school, and for the long period of time we spent with, I know who he is. William, I know you are here, I just want to take this opportunity just to thank you for all. Now, you're gone, don't worry because Eul is here... I know, he can manage and lead your company." Nakatingin lamang si Eul sa kaniya habang nagsasalita siya.

"As one of the Major Shareholders of ME Group, I don't want to nominate, our new chairman is here, the new owner of this company, why do we have to vote?" Nagsimula nang mag-ingay ang mga tao at kani-kaniyang bulungan. Kani-kaniyang tanguan at palakpakan. Bulungan sa katabi at hindi nagtagal, sabay-sabay na nag-sitayuan.

"Base sa naririnig ko, iisa lang ang nasa isip nating lahat. Mr. Eul Espinosa, the new owner of ME Group of Companies, in behalf of the company's Executice Officers, I hereby declare, Chairman Eul Espinosa of ME Group, as the third CEO of the company! Congratulations!"

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon