EULII26

851 43 4
                                    

-

"I want the 50-percent of Espinosa's share in ME Group."

-

Third Person's POV

"By the way... I'm Miles Espinosa, your half-brother"

Sa kaniyang sinabi, ang kaninang nakabibinging katahimikan ay nabalot na ngayon ng kaliwa't kanang bulungan. Bakas sa mukha ni Eul ang pagkagulat dahil sa hindi inaasahang bisita at hindi inaasahang rebelasyon.

"'Di mo man lang ba yayakapin si kuya?" May himig na pangaasar na wika ni Miles. Inarko niya pa ang kaniyang mga braso upang ayain si Eul sa kaniyang bisig.

Sa gulat parin ay hindi nakagalaw si Eul o magbigkas ng kahit na anong salita. Siya'y sobrang naguguluhan sa mga pangyayari. Si Sheena naman ay tinapik sa balikat si Eul, nagbabakasakaling ito ay makatutulong upang mahimasmasan ito.

"What's this?" Hindi makapaniwalang bungad ni Kean pagpasok sa eksena. Tinignan niya si Eul na hanggang ngayon ay hindi alam ang sasabihin. Nagawi ang tingin niya kay Miles na kasalukuyang nakangiti sa kaniya.

"Oh... ikaw pala yung fiancé ng kapatid ko..." pagkuway na sabi ni Miles at inilahad ang kaniyang kamay. Hindi iyon tinanggap ni Kean bagkus ay sinamaan lamang siya ng tingin.

Kung titignan ay halos magkasing-katawan lamang sina Kean at Miles, ngunit kapansin-pansin ang may di kalayuang agwat sa edad ng mga ito.

Si Miles ay mayroong mala-porselanang mga balat, mapulang labi, magandang mga mata at ilong na kawangis ng kay Eul.

Nang hindi tanggapin ni Kean ang kaniyang pakikipagkamay, ibababa na sana niya ang kaniyang kamay nang biglang may humawak dito.

"Mr. Espinosa, I'm Skyrus Yokohama, the President of ME Foundation..." sambit ng medyo hinihingal na si Skyrus matapos tumakbo upang saklolohan ang kaniyang kaibigan. Lumapit pa ito ng husto kay Miles upang bumulong.

"Mas okay siguro kung sa loob nalang natin 'to pagusapan..." bulong ni Skyrus kay Miles.

Tumango naman si Miles kaya't nang humarap si Skyrus kay Eul, ay agad niyang sinenyasan si Mr. Ong.

Mabilis naman itong naintindihan ni Mr. Ong kaya't agad niya nang inalalayan si Eul na maglakad patungo sa kaniyang sariling opisina. Sumunod sa kanila si Kean na hinawakan sa bewang si Eul at mahigpit na idinikit ito sa kaniya.

Si Skyrus naman ay sinamahan si Miles kasama nang Chief-of-Staff nito na sumunod patungo sa opisina ni Eul.

Mabilis na kumilos si Sheena at pinuntahan si Ms. Laxamana upang aluhin ang mga guests.

Habang naglalakad, bakas sa labi ni Miles ang tuwa dahil sa pangyayaring umayon sa kaniyang plano. Bago pa sila makapasok ng tuluyan sa loob ng mansion, narinig pa nila ang sinabi ni Ms. Laxamana

"The bienvenida is not yet over, let's enjoy the rest of the night!"

-

Rinig ang napakalakas na tugtog matapos magsalita si Ms. Laxamana bago isarado ang pinto ng opisina ni Eul.

Si Eul ay nakaupo sa kaniyang couch, katabi niya sa kanan si Kean na hawak ang kamay niya, si Skyrus na nasa kaliwa, si Sheena na nasa likod ni Eul. Nasa harap niya si Miles at katabi nito ang sariling Chief-of-Staff.

Nagtitigan sina Miles at Eul na ngayon ay pilit na iniintindi ang mga hindi kapani-paniwalang kaganapan.

Sa kaguluhan ng pagiisip ay hindi na kinaya ni Eul ang katahimikan. Tinanggal niya ang hawak sa kaniya ni Kean at napatayo. Mabilis na humakbang patungo sa desk niya at tumanday doon.

"How?!" Sa wakay ay nabigkas na ni Eul ang kanina pang tumatakbo sa kaniyang utak.

"Miles Espinosa?! Unbelievable!" Sabi agad ni Eul. Mabilis na dumadaloy ngayon sa katawan ni Eul ang kaba at galit.

"It's just... unbelievable" sabi pa niya sabay titig sa kawalan.

Sina Skyrus, Kean at Sheena naman ay walang nagawa kundi mapatitig nalang kay Eul na ngayon ay sobrang naguguluhan.

"Can you please explain to me what the fuck is happening?!" Iritableng usal ni Eul kay Miles.

Nginitian siya nito bago nagsalita. "I'm your brother..." panimula niya.

"I'm Miles Espinosa..." segunda nito sabay tayo at lakad palapit kay Eul. Akmang hahawakan niya si Eul nang magsalita ito.

"Stop... wag kang lumapit." Matigas na sabi ni Eul habang nakatitig sa sahig.

"Okay..." sagot naman ni Miles sabay layo kay Eul. Naglakad pa siya papunta sa desk ni Eul at umupo sa upuan ng huli.

Tumawa siya bago magsalita. "Ganiyan din ako nung nalaman ko na may kapatid pala ako..." pauna niya.

Si Eul ay nanatiling nakatitig sa sahig habang pinakikinggan ang sinasabi ni Miles. Ang lahat naman na natira sa loob ng opisina ni Eul ay mariing nakikinig sa sinasabi ng nagsasalita.

"Lumaki ako without even knowing who is my father... ang alam ko lang, isa akong Espinosa... that's what my mother said... I'm a real Espinosa." Segunda niya pa. Kinuha niya at tinitigan ang picture frame kung saan kumpleto sina Eul at mga magulang nito.

"My mother was our father's mistress... I know, you already know that your parents' marriage are fixed... my mom was his first girlfriend but turned out to be also his mistress..." mahaba niyang litanya habang kinakapa ang bawat mukha sa litratong kaniyang hinahawakan.

Umupo siya ng pagkapresko-presko sa upuan ni Eul at nilagay pa ang mga kamay neto sa likod ng kaniyang ulo para sandalan. "And then, my mother got pregnant even before his marriage to your mother... Espinosas knew about it and the rest is history..."

"Ni hindi ko man lang naranasan ang kumpletong pamilya..." malungkot niyang pagkakabigkas. "Anyways... di naman kami pinabayaan ni Daddy... which is also your father... He even made sure of my bright future..." sabi niya muli at tumayo. Naglakad pa ito na tila kinakabisado ang buong opisina ni Eul.

"Espierre Group of Companies, which is UK based one-of-the-top conglomerate was once part of ME Group... and your sweet-loving father gave it to me..." huli niya pang sabi sabay bumalik sa kaniyang kaninang inuupuan katabi ng kaniyang sariling Chief-of-Staff.

Si Eul na ninanamnam ang bawat sinabi ni Miles ay tumingin sa huli at ngumiti. Naguguluhan pa man, minabuti niya nang magsalita.

"What a nice story..." matigas na bigkas ni Eul at umupo sa kaniyang desk. "Then... what are you doing here?" Sunod niyang sabi.

"To get what is mine." Sagot naman ni Miles na naging dahilan ng pagtitig sa kaniya ng iba pang mga tao sa loob.

"What is yours?" Mapangahas namang tanong muli ni Eul.

Napatayo si Eul sa sunod na sinabi ni Miles bago ito maglakad palabas ng opisina.

"I want the 50-percent of Espinosa's share in ME Group."

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon