EULII49

766 42 53
                                    

-

"Paalam... mahal ko..."

-

Third Person's POV

"Spiro, sigurado ka ba dito sa gagawin mo?" Tanong ni Kevin nang makababa sila sa eroplanong dinala sila dito sa ibang bansa.

"Huli na 'to eh... kahit ito nalang... 'di na para sa kaniya, para na 'to sakin..." malalim at makabuluhang sagot naman nito.

Suot niya ang makapal na salamin upang di makita ang kaniyang mugtong mga mata, naglakad na siya palabas ng nasabing paliparan habang nakasunod naman sa kaniya si Kevin na hila-hila ang pareho nilang bagahe.

Mapait na ngumiti si Spiro na isa lamang ang nasa isip.

Sana huling sakit na 'to... para makalaya na 'ko...

-

"Handa ka na ba?" Mahinahong tanong ni Skyrus sabay himas sa likod ni Eul na ngayon ay handang handa na para sa kaniyang engrande at kontrobersyal na kasal.

Ngumiti lang si Eul at tumango bilang sagot. Ilang saglit pa ay hinalikan siya ni Skyrus sa noo at niyakap ng mahigpit patalikod.

"I know... ibibigay ni Kean lahat, mapasaya ka lang..." bulong pa nito bago lumabas ng silid ni Eul.

Naiwan naman ang huli na nakatitig sa sarili hawak-hawak ang engagement ring nila ni Kean.

-

"Live mula dito sa Los Angeles, California, ay unti-unti nang napupuno ang venue ng kasal ng mayari ng ME Group. Ilan pa sa mga kararating lamang ay ang mga bigating politiko na naglaan ng oras para dumalo dito---"

"Grabe... ang ganda naman dito..." pagkuway na sambit ni Cassey na ngayon ay di mapigilan ang sarili na kumuha ng mga larawan habang iniikot ang paningin sa buong lugar.

Ito ay malaking open garden na kung susumahin ay tanging mga bilyonaryo lamang ang nakakagamit. Maganda. Makulay. Napalilibutan sila ng mga puno at malalaking bulaklak.

"Sobra! Kanina pa ako nakanganga" sabi naman ni Clive na nakasunod sa kaniya.

"Asan na yung mga boys?" Bungad na tanong ni Sheena pagkalapit sa dalawang kaibigan.

"Ayon, mga walang hiya dumiretso sa food section." Sabay turo ni Cassey kina Kit, Jigs at Itchan na bihis na bihis habang sumisibat ng mga panghimagas.

"Ang pogi naman ng boyfriend ko..." pagpansin ni Sheena kay Jigs.

"Girl, tignan mo naman si Kit, minsan lang 'yan magayos pero shit... mukhang mapupuyat kami mamaya ah..." mapusok na sabi naman ni Cassey na ikinatawa nilang tatlo.

Si Clive naman ay napatitig sa ayos na ayos na si Itchan bago nagsalita. "Sabi ni Itchan ipapakilala niya na daw ako sa parents niya after this..." pagkuway na litanya ni Clive. Napatingin naman sa kaniya ang dalawa na mabilis siyang niyakap.

"Congratulations girl! Sana tuloy-tuloy na 'yan!" Pagbati ni Cassey.

"I'm happy for you..." ani ni Sheena.

-

Ilang minuto pa ang dumaan at tuluyan nang napuno ang nasabing lugar. Maayos na rin silang umupo sa kani-kaniyang pwesto para sa magsisimula nang seremonya.

Nang tumunog na ang malaking kampana ay mabilis na napalibutan ang buong lugar ng sangkatutak na bodyguards at hinarang ang mga media. 

Ilang saglit pa ay narinig na sa buong lugar ang nakaiibig na tugtog at di kalauna'y lumabas ang judge na papatnugot sa nasabing kasal na sinundan naman ni Kean at pumwesto sa harap nito. Si Kean ay eleganteng nakasuot ng itim na suit na tunay na bumagay sa kaniya.

Maririnig pa na mas lumakas ang tugtog at bulungan nang biglang magpakita si Eul sa dulo. Katabi nito si Skyrus habang nakasukbit ang kamay ni Eul sa braso nito. Lahat ay nakatingin sa kaniya at ang iba ay naiiyak. Si Eul ay nakasuot naman ng puting suit na mas lalong nagpakita ng natural niyang ganda. Nakatitig si Eul kay Kean na ngayon ay lumuluhang pinapanood siya.

Naglakad pa siya ng mabagal at sa bawat lakad na iyon, tinutusok ang kaniyang puso ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Nakangiti ngunit hindi mapigilan ang luha na tuluyan nang bumulwak mula sa kaniyang mga mata.

Rinig pa sa buong espasyo ang masayang puri ng mga tao sa magnobyo. Nang makarating sa harap ng judge ay binigay na ni Skyrus si Eul kay Kean. Niyakap pa ni Skyrus si Kean at binulungan ito. "Alagaan mo si Eul ah... ako makakalaban mo pag sinaktan mo 'yan..." pagbabanta pa nito sabay tumawa. Naiiyak na humarap si Kean sa judge at ngumiti. Pasimple pa nilang pinunasan ang pareho nilang mga luha.

"It is written that the greatest of all
things—the most wonderful experience in the world—is love..." panimula nito. Ang lahat na ay nakinig at nanahimik. Kita pa sa harap ang magnobyo na magkadikit at dinadama ang nakabibighaning pangyayari.

"Kean Josh Pangilinan and Eul Justine Espinosa, you have honored us by
inviting us to witness your commitment to each other in holy union. May your love grow sure and strong and true in the days and years of your shared life together---" at humarap ito sa sangkatutak na taong dumalo sa seremonya.

"But in the meantime, let me therefore ask those of you who have gathered here today this" tuon niya sa mga tao

"Do you who know and care for Kean and Eul give them your blessings now as they enter into this new relationship, and do you promise to give them your deepest love, understanding, and support during both good times and bad? If so, say “We do." Dagdag pa nito.

Malakas na pinuno nang pagsagot ng lahat ang buong espasyo.

"We do."

-

Sa dulong banda ng mga dumalo, makikita si Spiro na ngayon ay hindi mapigil ang kaniyang mga luha sa nasasaksihan. Na ang taong minahal niya higit pa sa kanino man ay pinapanood niyang ikinakasal---ngunit sa ibang lalaki at hindi sa kaniya.

Nang makita niya palang si Eul na naglakad patungo sa kinaroroonan ni Kean, hindi niya na mapigilan ang nararamdamang sakit. Binalaan na siya ni Kevin sa maaari niyang maramdaman ngunit sinabi niya sa kaniyang sarili na huli na ito. Na kahit gaano pa kasakit ay kakayanin niya dahil huli na ito.

Patuloy parin siya sa kaniyang imahinasyon na sana ay sa kaniya ikakasal si Eul---ngunit pilit siyang sinasampal ng reyalidad na imposible nang mangyari iyon.

Ginawa niya na lahat ng kaya niya, lahat ng alam niya para makuha muli si Eul ngunit sa huli, hindi parin ito bumalik sa kaniya. Masakit. Walang katumbas na kirot ang kaniyang nararamdaman.

"I, Kean Josh Pangilinan, take you, Eul Justine Espinosa, for my lawful husband, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, until death do us part." Kasama ng mahihinang hikbi, sinabayan niya pa si Kean habang sinasabi ito. Pilit na iniimahe na siya ang nasa kasalukuyang lugar ni Kean.

Huminga pa ng malalim si Eul at ngumiti sa lahat ng mga dumalo bago magsalita. Saglit pa siyang napatigil nang makita ang presensya ni Spiro. Hindi niya na nakayanan at bumulwak muli ang kaniyang luha sabay tumitig kay Kean.

"I, Eul Justine Espinosa, take you---" panimula nito sabay humikbi. "---Kean Josh Pangilinan, to be my husband. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health." Huli pang sinabi ni Eul.

"Kean and Eul, for as much as you both have committed yourselves to one another, by the authority vested in me as minister of this Unitarian Universalist congregation, I recognize you as united in marriage."

-

"---You may kiss your husband." Sa narinig ay hindi na kinaya ni Spiro kaya't nagmadali siyang umalis sa lugar bitbit ang walang kasing bigat na nararamdaman. Narinig niya pa ang palakpakan at hiyawan ng mga tao bago tuluyang makaalis sa nasabing lugar.

Humihikbing namaalam si Spiro at huling beses na sinulyapan si Eul na ngayon ay mariing hinahalikan ni Kean.

"Paalam... mahal ko..."

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon