EULII4

6.7K 211 6
                                    


-

"Haynako... yabang talaga... Spi, galing kami kay Eul, nagkita na ba kayo?"

-

Third Person's POV

"Kasalukuyang idinaraos ang libing ng magasawang William at Jade Espinosa, may-ari ng Madrigal-Espinosa Group of Companies na kamakailan lang ay nabalitaang natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanilang kwarto."

"Ang kanilang anak na si Eul Espinosa ang naghatid sa kaniyang magulang sa huling hantungan. Inaasahang sa pagtatapos nito, malaking paghahanda ang gagawin ni Eul para sa kaniyang pag-upo bilang bagong may-ari ng nasabing kumpanya."

"Dumalo rin sa libing ang mga malalaking personalidad na kasapi sa kumpanya, mga politiko at mga kaibigan ng mag-asawa---"

Maraming tao... lahat ay naka-itim na kasuotan. Puno ng paparazzi at media, kalat ang mga gwardiya ng mga kilalang tao. Mga taong nakapalibot sa itim na kabaong ng mag-asawa... sa isang gilid, naroon si Eul, tahimik na umiiyak at nagluluksa.

-

Eul's POV

Sa sandaling ito, sa oras na ito... wala na akong alam na gawin kundi ang umiyak... umiyak kahit na alam kong wala nang magbabago.

Pasimpleng lumuluha sa isang gilid... "Mom, Dad, tulungan niyo akong hanapin ang gumawa sa inyo nito" pasimpleng saad ko sa aking sarili.

Lumipas ang bawat sandali... kani-kaniya silang paalam sa akin, kani-kaniyang pagpaparamdam sa akin upang ipakita na nandirito siya upang makiramay sa akin. Sa bawat pamamaalam nila, ako'y tumatango upang magbigay ng reaksyon... marami na ang umalis... marami na ang nagpaalam ngunit hindi parin ako umaalis sa kinatatayuan ko.

Halos isang oras na ang nakalipas matapos ang libing... halos isang oras na rin akong nakatayo sa harapan ng museleo ng mga magulang ko.

-

Third Person's POV

"Spi, wala ka bang gagawin? Halos isang oras na siyang nakatayo doon oh" sabi ni Kevin kay Spiro... silang dalawa ay nasa isang sulok at nagmamasid kay Eul... marami-rami pa ang mga tao... maraming body guards ang nakabantay at kumalat sa lugar.

"Spi---"

"Manahimik ka nga!" sita ni Spiro kay Kevin at sinunod naman ito ng huli.

Tahimik na nagmamatyag si Spiro kay Eul na ngayon ay tahimik na lumuluha sa harap ng museleo ng kaniyang mga magulang. Nag-igting ang kaniyang bagang nang makitang may lumapit kay Eul at humawak sa bewang nito.

"Hanggang ngayon pala... Kean"

-

Eul's POV

"Eul, uwi na tayo... kailangan mo nang magpahinga..." Sabi ng nasa likod ko. hindi ko na alam ang gagawin ko kaya't agad akong humarap dito at niyakap ito nang mahigpit.

Doon sa kaniyang bisig, umiyak ako... umiyak na para bang walang bukas... inubos ang luha ko... umaasang mauubos ang daloy ng tila ilog na agos ng luha ko.

"Eul, uuwi na kami... looks like hindi ka namin maaaya for lunch... magpahinga ka nalang" pamamaalam ni Cassey. Tumapik si Cassey kay Eul at ganoon rin ang kasamang si Kit. "Eul, next time nalang" sabi ni Kit.

"Eul, Aalis na muna kami..." sabi ni Sheena at pasimpleng hinagkan si Eul mula sa likod... "Bye, Eul" sabi lang rin ni Jigs at magkahawak nila ni Sheena na binaybay ang daan papunta kina Cassey at Kit.

"Eul... pakatatag ka lang... kailangan mo lang ng pahinga..." sabi naman ni Clive at tinapik sa balikat si Eul.. ang kasamang si Itchan naman ay nakatingin sa mga kamay ni Kean na nakahawak sa bewang ni Eul. "Eul, bye." Sabi lang ni Itchan at dahan-dahang umalis.

"Eul, babe... wala na mga kaibigan mo... uwi na tayo?" tanong muli ni Kean... tumango lamang si Eul at dahan-dahang naglakad na si Kean patungo sa kaniyang sasakyan.

Bago pumasok sa sasakyan, sinenyasan ni Kean ang mga bodyguards na dumiretso sa mansion. Sinunod naman ito ng mga tauhan.

-

Third Person's POV

"Spi---sino naman yung lalaking yun... boyfriend siguro ni Eul..." out-of-nowhere na sabi ni Kevin kay Spiro. Kasalukuyan nilang binabaybay ang daan patungo sa kaniyang condo.

"Kevin, alam mo... pagod na ako... tsaka kailangan ko nang magpahinga." Sabi ni Spiro at hininto ang sasakyan sa isang gilid. "Labas" simpleng turan ni Spiro.

Kumakamot sa ulong lumabas si Kevin mula sa kotse ni Spiro. Hindi na hinintay ni Spiro na magsalita pa si Kevin. Agad nitong pinaharurot ang kaniyang kotse palayo sa lugar.

Habang nagmamaneho, kinuha ni Spiro ang kaniyang telepono sa kaniyang harap at pumindot. Inilagay ang telepono sa kaniyang taenga at nagsalita.

"Hello... Kit, asan kayo?"

-

Sa parking lot, sa loob ng kaniyang kotse, nagpalit ng damit si Spiro, nagsumbrero at nag-shades upang takpan ang sarili.

Sa kaniyang kasalukuyang kalagayan, hindi tama na lumabas siya at magpakita sa mga tao dahil siya ay sikat na modelo...

Ika nga, "Boy Next Door" siya ng bagong henerasyon... malaki na rin ang kinikita niya sa simpleng paglabas sa telebisyon... maraming naghahangad na maging isa siyang artista ngunit wala sa kaniyang bokabularyo ang umarte dahil alam niya sa kaniyang sarili na magmumukha lamang siyang tanga.

Marami ang nagbago matapos ang limang taon... Limang taon na ang lumipas nang huli niyang makita si Eul. Alam niyang malaki ang kasalanan niya kay Eul... at hanggang ngayon, kahit na ang mga kaibigan niya ay hindi tanggap iyon... hindi alam ng mga kaibigan niya ang totoong dahilan kung bakit nagawa niya ang pagtataboy kay Eul, maliban kay Itchan.

Kung sa ampalaya, masyadong mapait ang trato ng 'tres marias' sa kaniya... kahit na sina Kit at Jigs, nagbago na rin ang pakikitungo kay Spiro...

Ni hindi nila niyayaya si Spiro sa mga jamming ng barkada at hindi na ito tinuring na kasama.

"Sir, do you have reservation?" bungad ng babae sa kaniya pagpasok niya sa malaking restaurant.

"Yes, Kit Saavedra" sabi lang ni Spiro at tumango-tango ang babae. "This way please" at sumunod si Spiro sa daan na tinatahak ng babae.

-

"Hey!" masayang bungad ni Spiro sa barkada na ngayon ay kani-kaniyang naguusap... ang 'tres marias' at ang tatlong lalaking 'kupal'. Tumingin ang lahat sa kaniya.

Ang 'tres marias' ay tila nawalan ng gana... "Andito na pala si 'Spiro Villafuerte'" walang ganang sabi ni Cassey.

"Balot na balot ah?" may himig na pangaasar na sabi ni Jigs.

"Syempre... baka kuyugin ako ng mga chiks..." preskong sabi naman niya.

"Haynako... yabang talaga... Spi, galing kami kay Eul, nagkita na ba kayo?"

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon