EULII39

810 40 29
                                    

-

"You, free tonight?"

-

Third Person's POV

"You have the right to remain silent, if you waive your rights to remain silent, anything you say can be used for or against you in court---arestado si Senate President Ruffo Gatchalian sa kasong pagpatay sa magasawang negosyanteng sina William at Jade Espinosa---"

"Ito ay matapos ang masusing pagiimbestiga ng mga otoridad sa tulong ng ME Group Special Security Agency na kagabi lamang ay nadiskubre ang presensya ng naturang senador, anim na kanto lamang ang layo sa pinangyarihan ng pagpaslang."

"Ganap na alas otso ng umaga nang arestuhin sa kanilang bahay ang senador na kandidato sa pagtakbo sa parehong posisyon sa ikalawang termino. Kasalukuyang under search warrant ang senador at iniimbestigahan ang lahat ng koneksyon nito sa mga biktima."

"Mananatiling nasa kostudiya ng Camp Trinidad ang suspek hanggang mapatunayan ang krimen---"

Puno ng poot at galit ang puso ni Eul ngayon habang pinanonood ang balitang pagaresto kay Senator Gatchalian.

May bahagyang luha na tumulo mula sa mga mata ni Eul habang kuyom ang mga kamay na nagsalita.

"Sisirain kita Gatchalian..."

-

"Oh... sa wakas... bumisita ka rin..." pagbati ni Miles sa lalaking kararating lang sa kaniyang bahay. Naabutan pa ng lalaki na lumalangoy si Miles at pasimpleng imiinom ng alak kada ahon nito.

"Miles... yung plano natin... hindi dapat pumalya." Pagpapaalala ng lalaki sa ngayon ay nakababad sa kaniyang swimming pool.

"'Wag kang magalala... magaling yung bata ko... hindi 'yon papalya." Simpleng sambit nalang ni Miles sabay higop ng alak at sisid sa pool.

Hindi na nagsalita pa ang lalaki bagkus ay naglakad nalang palabas ng bahay ni Miles nang may ngiti sa kaniyang labi.

-

Sa interrogation room ng Camp Trinidad, nanatiling nakayukong nakaupo at tahimik na nagpapahinga si Senator Gatchalian. Matanda na ito at kahit na puno ng bahid ng kasamaan at kasakiman ang pagkatao nito, kung sino man ang nakakakita sa sitwasyon niya ngayon ay tiyak na maaawa.

Hinampas ng pulis gamit ang solidong batuta nito ang pintuan ng silid na nagsanhi ng malakas na tunog na gumulat dito.

Pumipikit-pikit pa ang mga matang nasilayan niya ang liwanag mula sa ilaw sa itaas niya at ang pagpasok ng bulto ng tao sa loob ng silid.

Nang magsara ang pinto nito, nakita niya pa na umupo ito sa harap niya at binagsak ang sangkatutak na papeles.

"Senate. President. Ruffo. Gatchalian." Madiing pagkakabigkas ni Eul sa pangalan at mataas na titulo ng matanda na ikinaangat ng ulo nito. Mapangasar pa itong ngumiti kay Eul na mas lalong kinainis ng huli.

"According to my trusted sources, five years ago, my father---your friend na trinaydor mo... transferred a donation of ten billion pesos for LPB Party's projects..." panimula ni Eul sabay bigay ng mga sertipikong nagpapatunay ng mga sinasabi niya.

"---and just two weeks before you murder my parents, my father withdrew the funding of ME Group Foundation to your party... which gives you enough motive to the crime..." dagdag pa ni Eul.

"Oh... bago ko makalimutan... kumusta na pala yung Vista Mining Company na itinayo mo five years ago?" Pagkuway na tanong ni Eul.

"Is it really yours? Kasi according to my research, the capital you used for establishing the mining company is roughly ten billion pesos..." sa pagsabi niya nito, tumayo na si Eul at lumapit sa senador na ngayon ay bakas na sa mukha nito ang kaba at pagkabahala.

"It's not a coincidence, right?" Mapangahas na bulong pa nito. Nilingon siya ng senador at kahit na mahahalata na ang pangamba sa mukha nito, nanatili parin itong kalmado at nginisihan si Eul.

"Wala kang mapapala sakin..." pauna niya. Nagtaas naman ng kilay si Eul at bumalik sa kaninang inuupuan.

"Vista is mine... and you have no evidence to accuse me..." dagdag pa nito sabay bahagyang ngumiti. "I'm not the one you're looking for... baka nasa tabi mo na---" hindi na narinig ni Eul ang sunod na sinabi nito nang biglang pumasok ang pulis na may dalang baril na nakabalot sa plastic. Nilapag niya ito sa lamesa at pinakita sa senador.

"This firearm is found in your house during search and seizure. It has been tested and---"

-

"Nagpositibo ang matches mula sa baril na natagpuan sa bahay ni Senate President Ruffo Gatchalian at sa mga balang kumitil sa buhay ng magasawang Espinosa. Nahaharap sa kasong murder ang senador."

"Sa karugtong namang balita, sinabi ni Senator Juris Mercado, ang bagong chairperson ng LPB Party matapos patalsikin ang timbog na senador, na walang kinalaman ang mga politikong kasapi ng partido sa mga kalakalan ni Senator Gatchalian---"

"---Giit pa niya, mananatiling tapat sa publiko ang partido---maaasahan niyong tuloy parin ang laban ng LPB kahit na nadadawit kami sa ganitong kaguluhan"

"Eul... kumusta... gusto mo ba magpahinga muna?" Tanong ni Sheena sa kaibigan na ngayon ay nakatitig lamang sa kawalan. Umiling lang si Eul.

Ilang saglit pang katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan bago ito pahintuin ni Eul.

"Get out." Mariing sabi ni Eul na agad na nagpatigil sa sasakyan. Naguguluhan namang lumabas ang tatlo sa sasakyan. Si Eul na nasa back seat ay kumilos upang lumipat sa driver's seat at walang habas na minaneho ito.

Sina Sheena at Mr. Ong naman, kasama ng iba pang mga bodyguards na kaninang nakasunod kay Eul ay mabilis na hinabol ang kanilang amo.

"Wag niyo kong sundan... just go home..." utos ni Eul nang pindutin nito ang telepono sa sasakyan. Huminto naman ang lahat ng sasakyan at dismayadong tumalima sa utos ni Eul.

Hindi alam ni Sheena kung saan posibleng pumunta ang kaibigan. Silang lahat naman ay dumiretso na pabalik sa mansion.

-

Harurot kung patakbuhin ni Eul ang kaniyang sasakyan. Noong una ay hindi niya alam kung saan siya pupunta ngunit sa di maipaliwanag na takbo ng kaniyang utak, dinala siya nito sa isang kilalang club.

Pagbaba sa kotse ay malaking gusali ang bumungad sa kaniya. Madilim. Maingay ang tunog na nagmumula sa loob. Kita pa niya ang mga taong humihithit ng sigarilyo sa labas nito.

Tinahak ni Eul papasok ang naturang club. Puno ng mga taong palong palo kung sumayaw at hayok na hayok sa alak.

Nakita niya pa ang mga lalaking palabas ng club na sinulyapan at sinitsitan siya. Dumiretso siya sa counter at ibinigay ang sarili sa kamunduhang dala ng alak.

Nakakailang lagok pa lamang siya ng alak nang may bumulong sa kaniya.

"You, free tonight?"

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon