EULII9

5.9K 180 4
                                    


-

"Pabayaan niyo sila, hanggang bulong lang 'yan"

-

Third Person's POV

"Sir---" hindi naituloy ang sasabihin ni Sheena nang tignan siya ng masama ni Eul na ngayon ay katabi niya sa back seat ng sasakyan.

Nakuha naman niya ang ibig sabihin ng kaibigan. "Hmmm... Eul, Mr. Calili is already at the entrance to welcome you, wait---ang hirap mag-English! Hay!" Pagrereklamo nito. Tumawa ng bahagya si Eul sa ginawa ng kaibigan.

"Ang hirap pala magsalita ng English sa harap mo! My ghad! Anyways, ha-ha! Basta! Galing daw si Mr. Calili sa France, and kahapon lang siya nakauwi... kahapon ka pa niya hinihintay pero na-cancel naman yung meeting niyo." Mahabang turan ni Sheena. Kita sa kaniya na sanay siya sa kaibigan at walang pakialam kahit na may pagka-baliw siyang umasta sa harap nito.

"Eh, diba galing ka run? Kamusta naman yung Mr. Calili na 'yon?" Tanong ni Eul.

Biglang nag-smirk si Sheena sa tinanong ni Eul, napansin naman iyon ni Eul kaya't prenteng itinaas niya ang kaniyang kanang kilay na tila'y nagtatanong ng 'bakit?'

"Hays! Grabe yung baklang yun! Nung nakaraang meeting for Marketing, jusko! Pina-submit ba naman ako ng 2 sets of report! Pasalamat siya, nagagandahan ako sa performance ng company, kung hindi? Jusko! Baka nasabat ko na siya!" Reklamo ni Sheena sa kaniyang kaibigan. Sa ginawang reklamo ay napatingin ang driver syempre bago at ang bagong Chief-of-Security ni Eul na si Francis Ong.

"Wait- bakit ako lang yung binigyan mo ng bagong work? I mean, pano sila Cassey at Clive? Baka kung anong isipin nun!" Hindi mapakaling tanong ulit ni Sheena.

Ngiti lang ang sinagot sa kaniya ni Eul. Magtatanong pa sana ulit si Sheena kay Eul nang biglang magsalita si Mr. Ong.

"Sir Eul, we're already here"

-

Maraming tao ang pumuno sa espasyo ng Entrance ng building ng ME Styles, ang Clothing Line ng kumpanya ni Eul.

Ang lahat ay mga empleyado ng kumpanya. Wala ni-isa ang hindi tumingin sa sasakyang lulan ng kanilang kanina pang hinihintay. Kita sa loob mula sa kanilang posisyon ang lalaking naka-shades at nakatingin lamang ng diretso.

Nang bumaba ang lalaki sa passenger seat ay pawang mga pagong na nagsi-galawan ang mga leeg. Kahit guard, pogi! Sigaw ng isip ng ilan marahil na rin sa angking ka-gwapuhan ni Mr. Ong.

Matapos niyang bumaba ay kasunod ang babaeng mula sa kabilang back seat.

Hindi lamang napataas ang kanilang kilay, kumunot pa ang kanilang mga noo dahil sa nakita. Nagtaka at hindi maipaliwanag ang sitwasyon. Bakit nandiyan siya? Sabay-sabay na tanong ng kanilang mga isip.

Binuksan ni Mr. Ong ang pinto ng back seat sa gilid ni Eul. Bumaba si Eul na inalalayan ni Mr. Ong. Pasimpleng tumabi si Sheena na ngayon ay hawak ang isang iPad kung saan nakalagay ang lahat ng mga schedule ni Eul.

Nang makababa si Eul, nagsilakasan ang bulungan ng mga tao. Nag-umpisa siyang maglakad sa pangunguna ng kaniyang mga bodyguards na noo'y nagmamadaling bumaba sa kanilang sasakyan na kanina'y nakabuntot sa sasakyan ni Eul.

"Welcome our new chairman! I'm Jedrick Calili, the President of ME Styles. It's a great pleasure to finally meet you!" Masayang bungad ni Mr. Calili na galing sa kung-saan at pasimpleng lahad ng kaniyang kamay. Kasama niya ang kaniyang Assistant at sa likod naman ay ang ilan sa Executive Committee ng ME Styles. Tinignan lang siya ni Eul at nagsimula nang maglakad.

Agad na nagkaroon ng espasyo sa gitna upang paunlakan ang pinakamataas na tao sa kanilang kumpanyang pinagtatrabahuan.

"Hmmm... Chairman, I'll guide you at the Conference Room." Sabi muli ni Mr. Calili at tinignan ang katabi ng kaniyang kinausap. Nagtaka siya sa nakita. Nang mapunta ang tingin ni Sheena sa kaniya, ngumiti ito na pawang nangaasar. Napataas naman bigla ang kilay ni Mr. Calili.

Naglakad lang sina Eul, ang kaniyang Chief-of-Staff and Security at mga bodyguards patungo sa Conference Room ng building ng ME Style sa pangunguna ni Mr. Calili at mga tauhan nito.

Nang makatuntong sa palapag kung nasaan ang Conference Room, lumabas sila mula sa elevator at tinahak muli ang daan patungo sa destinasyon. Binalak ni Mr. Calili na magsalita ngunit tinikom niya ang kaniyang bibig. Siguro sinumbong ako ng bruhang 'to! Sigaw ng kaniyang isip na tinutukoy si Sheena.

"Please come in" pag-anyaya ni Mr. Calili sa mga bisita at pinagbuksan ang pinto.

-

Isa-isang pinakilala ni Mr. Calili ang kaniyang Executive Committee at mga Department Heads kay Eul.

-

"And now, The newest Marketing Head of ME Styles, Cassey Catindig---" pumasok ang pinakilala mula sa labas. Kita sa mukha ni Sheena ang pagkagulat dahil sa nakita. Ang kaibigan niyang dating Merketing Manager, ngayon, Marketing Head na!

Naglakad si Cassey patungo sa kaniyang pwesto, sunod ng iba pang mga head na kung ikukumpara sa kaniya, siya ang pinakabata. Nagtaka ang lahat nang lumihis si Cassey ng direksyon---

"OMG! You're finally hear!" Maarteng sigaw ni Cassey at tumatalon-talon niyang tinungo ang direksyon ni Eul na ngayo'y nakatayo mula sa pagkakaupo para lang paunlakan ang kaibigan.

"Yes!" Sabi ni Eul at niyakap ang kaibigan. Nang matapos ang dalawa, tumingin siya kay Sheena na ngayon ay hindi parin makapaniwala. "Ano? Di mo 'ko yayakapin? Ikaw ah? Madaya ka!" Sabi ni Cassey at hinila si Sheena upang yakapin.

Ang mga tao sa loob ay kani-kaniya ng pagproseso ng kanilang utak para lang malaman kung anong nangyayari sa tatlo.

Nang ma-realize ni Eul ang ginagawa ng mga tao, pasimple siyang bumulong sa dalawang kaibigan.

"Pabayaan niyo sila, hanggang bulong lang 'yan"

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon