EULII50

988 43 36
                                    

-

"Sakin ka na ngayon... Eul... at wala nang makakaagaw sayo mula sakin..."

-

Third Person's POV

"Girl... wala na akong oras... flight ko na in an hour..." pagmamadaling paalam ni Clive sa mga kaibigan. "Bye guys... kiss Eul for me..." sabi pa nito kay Sheena matapos bumeso. Nang makita si Itchan ay agad itong hinalikan nang mabilis sa pisngi at patakbong umalis ng lugar.

Matapos ang kasal ay tumungo na ang lahat ng mga bisita sa reception, katabing espasyo lamang nito.

"Ganap nang nagisang dibdib sina Eul Justine Espinosa at Kean Josh Pangilinan sa bisa ng Unitarian Universalist congregation na nagpapahintulot sa same-sex marriage ngayong araw."

"Ang multi-million worth wedding ceremony ng magasawang Espinosa at Pangilinan ay maituturing na isa sa mga pinakasosyal at pinakaengrandeng kasal ng mga kilalang negosyante at bigating mga personalidad."

"Kasalukuyan pang tinatapos ang pagdiriwang at inaasaang agad na uuwi rin ng Pilipinas ang lahat ngayong gabi---"

-

Magkahawak kamay na tinatahak pababa nina Eul at Kean ang kanilang pribadong eroplano nang makalapag na ito sa Pilipinas. Bakas pa sa dalawa ang pagod at hilo sa bilis ng mga pangyayari. Ilang oras din silang bumyahe mula sa Los Angeles, California pauwi ng sariling bansa.

Nauna na ang mga bisita nilang umuwi at sila ay nagpaiwan pa upang masigurong maayos ang lahat bago nila lisanin ang lugar ngunit paniguradong naunahan parin nila ang mga ito dahil sa bilis ng kanilang private jet. Nangako pa sila sa isa't isa na maglalaan sila ng oras para bumalik doon at magsaya.

Inalalayan pa ni Kean ang nobyo na maglakad papasok sa kanilang sasakyan at parehong bagsak na humilata doon.

Nang makarating sa mansion ay agad na nagpahinga ang dalawa sa kanilang kwarto. Bumabawi ng lakas bago sila umalis muling dalawa patungo sa kanilang honeymoon kinabukasan.

-

"Spiro... tama na 'yan..." sabay kuha ni Kevin ng mga bote ng alak na kanina pa tinutungga ni Spiro. Nasa loob sila ng isang bar na puno ng mga banyagang tao. Kanina pa sila pinagtitinginan ng mga amerikano dahil kanina pa naglalasing si Spiro.

Dumiretso dito si Spiro matapos umalis sa kasal ni Eul. Wala na siyang maisip na magandang paraan para mailabas lahat ng sama ng loob. Lahat ng galit. Lahat ng nararamdaman.

Wala paring tigil sa pagiyak at paghikbi si Spiro na tila'y hindi siya nauubusan ng luha. Ramdam niya na rin ang pagod kaya't mas mabilis siyang tamaan ng kalasingan.

Si Kevin naman ay kumuha ng pera at binayad iyon sa counter sabay alalay kay Spiro palabas doon. Kumuha ng taxi upang dalhin sila sa hotel kung saan sila pansamantalang magpapahinga bago umuwi ng Pilipinas kinabukasan.

-

"Babe... ihatid na kaya natin 'to?" Sabi ni Kit habang minamaneho ang kotse ni Cassey. Kalalabas lang nila sa paliparan at ramdam pa nila ang hilo at matinding pagod.

Tinignan ni Cassey mula sa rear-view morror si Jigs na mahimbing ang pagkakatulog sa back seat. "Asan si Itchan?" Takang tanong ni Cassey sa nobyo.

"Ah kanina umihi kasi kami tapos sabi niya mauna na tayo kasi may gagawin pa siya..." sagot naman ng nobyo.

Di na iyon pinansin pa ni Cassey bagkus ay sumandal nalang sa upuan at marahang pumikit habang nagpapaubaya sa antok.

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon