EULII16

5.3K 165 42
                                    


-

"Dad!"

-

Third Person's POV

"Anong naisip mo at bumalik ka?!" Bulyaw ni Kean kay Spiro. Naningkit lang ang tingin ni Kean sa kaharap at naglakad patungo sa kaninang kinauupuan ng mga tauhan sa loob.

Sinundan lang ni Kean ng tingin ang taong nasa kaniyang harapan. Hindi niya maitago ang pagka-irita at pagka-inis dahil sa nakikita niya.

"Are you planning something?" muling sambit ni Kean. Umupo si Spiro sa upuan sa isang gilid at tumingin kay Kean. Nginitian niya lang ng nakakaloko si Kean na kina-inis lalo nito.

Napa-hawak si Kean sa kaniyang ulo at hinimas ang batok dahil sa inis na nararamdaman. "Look, if you're up to something, just stop it! You'll never win" makabuluhang turan ni Kean.

"Tandaan mo, kahit na anong ginawa mo, bumalik parin sa akin si Eul." Tumayo si Kean at kumuha ng alak sa isang lamesa malapit kay Spiro at nilagyan ang dalawang baso. Binigay niya ang isa kay Spiro at tinanggap naman ito ng huli.

"Ha-ha... Kean, you're so... nah---I'm not into speaking of this fucked up language... masyado kang kampante pre..." may tonong sagot ni Spiro.

Umupo si Kean sa tapat ni Spiro at nginitian ito.

"We're getting married" biglang sabi ni Kean.

"Yeah... I know, that's why I'm here." Kampanteng sagot naman ni Spiro.

Tumawang bahagya sabay "Desperado ka na no? Are you thinking as if you can win him back? fuck... pathetic man!" Si Kean sabay tawa ng bahagya.

"Desperado na kung desperado... nagawa kitang ibaon sa limot---" si Spiro sabay ngiti.

"---and I came back... looks like you've ended up on being what you did to me." Sagot ni Kean.

"---and... I'll take him back... makakalimutan ka ulit niya and guess what? Kami ang ikakasal." Pangaasar ni Spiro.

-

"Eul, Mr. Pontigon is here" bungad ni Sheena pagpasok niya sa kwarto ng nagpapahingang si Eul.

Dinilat niya ang mga mata at dahan-dahang tumayo. "Papunta na ako" at lumabas si Sheena.

Lumabas si Eul mula sa kaniyang kwarto at nakita niya ang inaasahan.

"Mr. Chairman, we're checking the footages around the mansion and while doing that, we saw something suspicious." Mahabang bungad ni Janus Pontigon, Madrigal-Espinosa Group's Special Security Agency President.

"What?" Sagot lamang ni Eul.

"Please come with us"

-

ME Special Security Agency, mula sa bungad ng headquarters, bumaba si Eul at mga tauhan sa sasakyan, kasunod noon ay ang kaniyang mga body guards at maski si Mr. Pontigon.

Agad na ginabayan ni Mr. Pontigon si Eul Espinosa, Sheena at Mr. Ong papasok ng building kasunod ang mga bodyguards nito.

Maitururing na pinaka-moderno, mabilis at mataas ang ME SSA kumpara sa iba't ibang ahansiya kasama na ang mga hawak ng gobyerno sa buong Pilipinas.

Isa ang ME SSA sa mga hawak ng kumpanya na pinaka-tinututukan dahil sa laki ng halaga sa kumpanya. Ito ang sumusuporta sa siguridad ng buong ME Group of Companies.

-

"Mr. Chairman, napansin naming nung gabing namatay ang mga magulang niyo, namatay ang supply ng kuryente sa buong mansion." Napa-tingin si Eul sa tinuran ni Mr. Pontigon.

"Look," sabi muli ni Mr. Pontigon at tinuro ang monitor.

Makikita na namatay ang lahat ng ilaw sa buong mansion at matapos ang ilang segundo, gumana ang mga emergency lights.

"Mabilis nilang nagawa yung gagawin nila at mabilis din silang nakatakas." Sabi muli ni Mr. Pontigon.

Huminto ang pinapa-nood sa imahe ng isang taong tagong-tago ang buong katawan na aktong tumakbo palayo sa mansion.

"That time, wala ni isa ang nakapansin na may taong galing sa mansion kasi agad na narinig yung alingasaw ng putok ng baril kaya nagtakbuhan lahat ng guards sa mansion papasok" nag-kuyom ang kanang kamay ni Eul sa narinig.

"Kung sino man yung nag-tangkang pumatay sa mga magulang mo, alam niya lahat ng security measures ng mansion. Kung sino man siya, nakakalabas-pasok siya sa mansion."

-

"Mr. Chairman, I have something to tell you" pagkuway na sabi ni Mr. Pontigon paglabas nila sa Control Room ng ME SSA Headquarters.

"What?" Mahinahon at mabilis na turan naman ni Eul.

"Follow me sir" sabi lang ni Mr. Pontigon at naglakad patungo sa kung saan.

Papunta sa elevator ang gawi ng dalawa, naka-sunod sa kanila ang iba pang mga bodyguards at sina Sheena at Mr. Ong.

Sinenyasan ni Mr. Pontigon sina Sheena at iba pa na hindi sumama sa kanilang dalawa ni Eul.

Nagtataka man, sinunod na lamang ni Sheena ang utos nang sumenyas din si Eul na gawin ang sinabi ni Mr. Pontigon.

Nang magsara ang elevator, napatingin si Mr. Pontigon kay Eul at huminga ng malalim.

"Mr. Chairman, finger print mo lang magpapaandar sa elevator na ito papunta sa Deep 16. I'm not allowed to enter the restricted area. Only real Espinosa can." Tinuro ni Mr. Pontigon ang scanner sa isang gilid. Binuksan ni Mr. Pontigon ang pinto ng elevator at agad na lumabas.

Nang maiwan si Eul sa loob, mabilis na naintindihan ni Eul ang sinabi ni Mr. Pontigon at nilagay ang buong kamay niya sa scanner.

Agad na namatay ang ilaw sa buong elevator at bumukas ang emergency light.

Mabilis na umilaw ang scanner at may kung anong ilaw na tila laser ang gumalaw mula paa patungong ulo ni Eul.

"Eul Espinosa, son of Jade and William Espinosa. Welcome to Deep 16." Sabi ng tunog boses ng babae na nagmula sa kung saan. Iginala ni Eul ang kaniyang paningin sa bawat sulok ng elevator.

Maya maya'y naramdaman niya ang paggalaw ng elevator pababa.

Hindi nagtagal, tumigil na ang elevator at bumukas ang pinto. Sumambulat sa kaniya ang kadiliman. Walang makita sa dulo. Tanging ilaw mula sa elevator lamang ang nagpapailaw sa espasyo malapit sa kinatatayuan niya.

"Eul Espinosa, you're now at Deep 16. You're father is waiting for you. Please proceed to the main room" sabi muli ng boses. Sa narinig ay hindi nag-atubiling naglakad si Eul kahit na hindi alam kung sahig ba ang kaniyang inaapakan.

Sa bawat pag-apak ay bumubukas ang mga ilaw. Unti-unting nakikita ang ganda ng lugar.

Sa diretsong daan, mayroong mga umiikot na bilog na pinalilibutan ng asul na ilaw ang nakikita. Tila mga arko. Sa bawat pag-lagpas niya sa mga iyon, lalong umiilaw at timitigil sa pag-ikot ang mga ito.

Patuloy na naglakad si Eul hanggang sa makita niya ang puting liwanag na mula sa dulo.

Nang makita ang hindi kapani-paniwalang imahe, agad na tumulo ang kaniyang luha at karipas ng takbo.

"Dad!"

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon