EULII30

722 36 21
                                    

-

"Last na 'to... magaayos nako... kukunin ko na ulit si Eul."

-

Third Person's POV

"Ugh... babe... ano ba..." pagkuway na reklamo ni Eul sa mga halik na panggising sa kaniya ni Kean.

"Babe... inaantok pa 'ko." Mahinang paalala ni Eul sa nobyo ngunit tinuloy parin nito ang mararahang paghalik sa kaniyang leeg.

Mga halik na puno ng pananabik, puno ng pagmamahal. "Shhh..." pagpapatahimik ni Kean kay Eul na ginawa naman ng huli.

Pinagpatuloy at mas lalong diniinan ni Kean ang bawat halik na may kasamang pagdila sa leeg ni Eul na dahilan ng kaniyang pasimpleng pagkislot.

"Babe... nakikiliti ako---" Saad lamang ni Eul ngunit hindi niya na natuloy ang pagrereklamo nang sakmalin siya ng nobyo ng mariing halik.

Tinugunan naman ito ni Eul. Malalim. Mabagal. Puno ng pananabik sa isa't isa.

Ang mga kamay ni Kean ay pumwesto sa iba't ibang bahagi ng katawan ni Eul. Ang kanan ay nasa batok nito upang suportahan ang bawat pagtatangi ng kanilang labi, at ang kaliwa naman ay naglakbay sa buong katawan ng nobyo, mula sa likod, patungo sa pwet nito.

Si Eul ay lumakas ang pagkislot nang maramdaman ang kamay ni Kean na hinihimas ang kaniyang puwetan. "Shhh... 'wag ngayon babe... kagigising ko lang eh." Mapangakit na wika ni Eul.

Kinunutan lamang siya ng noo ni Kean ngunit pinagpatuloy parin ang ginagawa. Ang mga halik ay naglakbay pababa sa katawan ni Eul. Mula sa mapulang labi nito, patungo sa leeg at maging sa napakaputi at makinis na dibdib ni Eul.

Inunat ni Eul ang kaniyang leeg dahil sa malakuryenteng kiliti na nararamdaman sa buong katawan. "Ayaw mo talaga magpatalo huh" sita ni Eul at mabilis na tinulak ang nobyo. Hindi handa si Kean kaya't ito'y nalaglag sa kama. Si Eul naman ay mabilis na tumakbo patungong CR at sinulyapan si Kean.

"Come here." Simple ngunit puno ng kapusukang pagkakasambit ni Eul bago tuluyang pumasok sa kaniyang CR.

Si Kean naman ay kumakamot sa batok na napatayo sa pagkakasalampak sa sahig at mabilis na tumakbo patungo sa nobyo.

Rinig pa ang pagbukas ng shower at ang mga marahang bulungan na pinagsasaluhan ng dalawa.

"Akin ka ngayon..." huling sinabi ni Kean bago tuluyang isara ang pinto.

-

Sa isang madilim at napakalawak na espasyo, nakaupo sa lumang upuan ang isang lalaki na tila'y may hinihintay na dumating.

Ang nasabing lugar ay isang abandonadong gusali. Sa luma nito ay bakas pa ang mga kinalawang na kagamitan at rinig pa ang mga nagtatakbuhang mga daga sa kung saan.

Ilang saglit pa ay nakarinig ang misteryosong lalaki ng busina. Agad naman siyang tumayo at sinalubong ang paparating na engrandeng sasakyan.

Nang makapasok ang sasakyan sa loob ng gusali, kani-kaniyang takbo ang mga daga paalis sa malawak na espasyo. Hindi nagtagal ay lumabas mula sa passenger's seat ang isang lalaki at dumiretso sa pinto ng back seat upang pagbuksan ang lulan nito.

Di kalauna'y lumabas ang pormadong si Miles na sukbit ang napakalapad na ngiti sa kaniyang labi.

"Kumusta naman 'tong lugar? Komportable ka naman ba?" Paunang sabi ni Miles nang makalapit siya sa misteryosong lalaking nasa harap niya.

Tinitigan lamang siya ng lalaki at hindi sumagot sa tanong ni Miles kaya't tumango-tango ang huli at pasimpleng naglakad paikot sa misteryosong lalaki.

"Kailangan mo nang kumilos... malapit na yung araw na matagal na nating pinaplano." Simpleng saad ni Miles at mabilis na inakbayan ang lalaki.

"Ayoko ng palpak." Matigas na pagbabanta ni Miles sa lalaki. Ang lalaki naman ay nanatiling kalmado.

Nang tanggalin ni Miles ang pagkakasukbit ng kaniyang braso sa balikat ng lalaki, pasimpleng inunat ng lalaki ang kaniyang leeg bago magsalita.

"Kulang na 'ko sa pera... kailangan ko ng dagdag." Sa sinabi ng lalaki ay napalingon si Miles.

"Gago ka ba?! Ilang araw palang nung nagpadala ako sa'yo ah?!" Bulyaw ni Miles sa lalaki.

"Hindi madali ang pinapagawa mo... kailangan ko ng pera." Matigas na sabi ng lalaki.

Naglakad pa si Miles paroo't parito sa malaking espasyo na tila'y nagiisip. Maya-maya'y tumigil sa paglalakad at nagsalita.

"Paulo, cheque." Mabilis na sabi ni Miles at lahad ng kaniyang kamay. Si Paulo naman ay agad na hinanap ang cheque ni Miles sa loob ng sasakyan. Nang makuha ito ay tuluyang binigay sa amo.

"Magkano?" Pagkuway na tanong ni Miles.

"Two hundred thousand." Simple at wala sa wisyong sagot ng lalaki at umupo sa kaninang inuupuan.

"Oh..." sabay lahad ni Miles ng cheque sa lalaki. "Ayoko ng palpak... alam mo na kung anong kalalagyan mo." Huling sinabi ni Miles bago naglakad pabalik ng sasakyan.

Naiwan naman doon ang misteryosong lalaki na ngayon ay nakatitig sa kapiraso ng papel at marahang hinihimas ito.

"Hintay ka lang... maaangkin din kita..."

-

"Buti men nakarating kayo!" Malakas na bungad ni Spiro kina Kit at Jigs nang tuluyang makalapit ang dalawa kina Spiro at Kevin.

Malakas at nakaiindayog ang tunog na naghahari sa buong club. Ramdam pa ang bawat yugyog kada talon ng mga taong sumasayaw sa gitna.

Inilahad ni Kevin ang mga alak sa lamesa at inaya ang dalawa. "Kumusta naman kayo?" Pagkamusta ni Kevin sa dalawa. Si Spiro naman ay tuloy lang sa paginom at tumayo pa para panoorin ang mga taong masayang sumasayaw sa gitna.

Nasa ikalawang palapag sila ng club dahil iniiwasang makasalamuha si Spiro sa publiko dahil na rin sa imahe nito.

"Oks lang kami men... 'yan ba?" Sabay turo ni Jigs kay Spiro na nakatitig parin sa mga nagsasayaw. "Namomroblema nanaman ata 'yan at nandito nanaman tayo." Sunod na sabi ni Jigs.

"Hindi ko nga rin alam... mukhang masaya naman 'yang tropa niyo... ra! shot niyo na!" Pagaaya ni Kevin na tinugunan naman ng dalawa.

Si Spiro ay nahihilo na dahil na rin sa mga nainom niya kanina pa. Umiikot ang paninging bumalik siya sa kaniyang pwesto at umupo nang pagkapresko-presko.

"May problema ka nanaman ba, Spi?" Sambit ni Kit. Si Kevin ay umalis dahil may biglang tumawag sa kaniya kaya't ang natira na lamang sa lamesa ay sina Kit, Jigs at lasing na lasing na Spiro.

"Wala men... last ko na kasi 'to... baka di niyo na rin ako makitang mag-ganito" hindi klarong bigkas ni Spiro.

"Anong pinagsasasabi mo?!" Malakas na sabi ni Jigs.

Lumapit ang dalawa sa kanilang kaibigan at pinakinggan ang sinasabi. Malakas at kumpyansado sa sariling nagsalita si Spiro.

"Last na 'to... magaayos nako... kukunin ko na ulit si Eul."

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Where stories live. Discover now