EULII28

972 49 12
                                    

-

"Mahal ko si Eul... naipit lang ako sa sitwasyon... pero this time, papatunayan kong para siya sakin. Akin lang si Eul."

-

Third Person's POV

"Ilang mahahalagang personalidad ang dumalo sa bienvenida ni ME Group Chairman Eul Espinosa kagabi, ilan na rito ang mga kinatawan ng apat na pinakamalalakas na political party ng bansa---" balitang bumungad kay Sheena matapos magsara ang elevator na lulan si Eul. Napukaw noon ang atensyon ni Sheena at Mr. Ong na ngayon ay masugid itong pinanonood.

"Sa nalalapit na senatorial at local elections, kani-kaniya ang ginagawang paghahanda ng bawat kandidato. Matatandaang ang mga Espinosa ang pangunahing tagasuporta ng Laban Para sa Bayan Party na pinamumunuan ni Senate President Ruffo Gatchalian sa loob ng higit dalawang dekada, ngunit kamakailan lang, nabalita ang pagatras ng dating chairman ng ME Group na si William Espinosa sa pagsuporta sa nasabing partido"

"Matapos ang pambungad na pagbati ni Eul Espinosa sa kaniyang mga bisita, namataan ng aming team ang pagpasok ni Mr. Eul Espinosa sa loob ng mansion na ilang sandali lamang ay sinundan naman ni Senator Gatchalian---"

Hindi na natapos ni Sheena ang pinapanood na balita nang mag-ring ang kaniyang telepono, at agad niya naman itong sinagot.

"This is from ME Legal Department, is this COS Serrano?"

-

"ME Styles will be launching it's latest edition of Summer collection in line with the celebration of ME Group's 60th founding anniversary---" pagsasalita ni Ms. Cordero na General Manager ng ME Styles na hindi natuloy matapos putulin ni Mr. Calili.

"Spiro! Finally, you're here!" Sabik na pagkakasambit ni Mr. Calili nang mamataan ang pagpasok ni Spiro sa conference room ng ME Styles.

Nasa loob pa ng conference room si Cassey at mabilis na rumehistro sa mukha nito ang pagkadismaya nang makita si Spiro. Ang iba namang mga tauhan sa loob ay pasimpleng binati si Spiro nang ito ay umupo sa kaniyang pwesto.

Nakasukbit sa modelo ang hood ng kaniyang jacket sa kaniyang ulo habang tinatakpan naman ng kaniyang sunglass ang kaniyang mugtong mga mata.

"---in this edition, we would like to emphasize the strength of ME Group throughout its six decades of leading business in the country." Dagdag pa ni Ms. Cordero habang pinapakita ang mga litrato ng bago at eleganteng summer collection ng naturang kumpanya.

"And we're proposing to invite the ME Group chairman together with you, Mr. Spiro Villafuerte to be the front-page models of the magazine" pagtatapos ni Mr. Calili sa sinasabi ni Ms. Cordero. Tumayo ito at tumabi sa huli habang nakaturo kay Spiro. Ang lahat ay tumingin kay Spiro lalo na si Cassey na mas lalong tumaas ang kilay.

"It's not a good idea" bwelta ni Cassey na pumukaw sa atensyon ng lahat. "The chairman is for sure, busy... wala siyang time para gawin 'tong photoshoot" matigas na dagdag ni Cassey.

Walang nagsalita matapos non kaya't sinundan niya pa ito. "And isa pa, ikakasal na si Eul... handling the company is really hassle... idadagdag pa yung wedding preparation... pano pa 'to?" Giit pa ni Cassey. Di maintindihan ng mga tao sa loob ng silid kung bakit umaayaw si Cassey sa ideya ngunit lingid sa kanilang kaalaman, alam na alam ni Spiro at Cassey ang dahilan. Nagtitigan pa sila matapos noon.

Sa narinig ni Spiro, tila kuryenteng dumaloy ang napakabilis na pananabik sa kaniyang katawan. Kung ano-ano ang kaniyang naiisip na mas lalong binibigyan siya ng lakas ng loob. Bago pa magsalita muli si Mr. Calili, inunahan na siya ni Spiro.

"Eul is the perfect front-page model of this edition... emphasizing strength of ME Group..." pauna ni Spiro at tinanguan naman ito ng lahat. "Wala naman akong nakikitang masama kung magsasama kami sa front-page." Sabi niya pa bago ngitian si Sheena.

-

"Samantala, sa kasunod na balita, nagpakilala sa bienvenida ni Mr. Espinosa ang kaniyang kapatid na si Miles Espinosa. Ngayon lamang lumabas ang kaniyang pagkakakilanlan matapos kumalat ang iba't ibang artikulo hinggil sa kaniyang pagkatao."

"Si Mr. Miles Espinosa, ay anak ng yumaong si Mr. William Espinosa sa pagkabinata. Matapos maitayo ang ME Global sa iba't ibang bansa, inilipat ni William Espinosa ang lahat ng ME Group England based assets sa kaniyang anak na si Miles. Pinalitan ni Miles ang pangalan ng kumpanyang pinamana sa kaniya bilang Espierre Group of Companies na ngayon ay nangunguna sa UK---"

Nawala ang pokus ni Sheena sa pinapanood na balita nang biglang tumunog ang elevator na ginamit ni Eul.

"As I was saying, the Espierre Group has sent an e-mail---" bungad ni Sheena paglabas ni Eul ng elevator. Napatigil si Sheena sa sinasabi nang mapansin ang dismayadong mukha ni Eul.

Tuloy lang silang naglakad palabas ng headquarters at mabilis na bumungad sa kanila ang sangkatutak na reporters. Ang mga bodyguards naman ay dali-daling gumawa ng espasyo para sa daraanan ni Eul papasok ng kaniyang sasakyan.

"Mr. Espinosa, what can you say about your brother, Miles?" mabilis na tanong sa kaniya ng isang reporter na halos habulin siya ng mikropono nito. marami pang mga tanong ang ibinabato sa kaniya ngunit isang tanong ang naiwan sa kaniyang isipan bago pa siya pumasok sa sasakyan.

"Will you be giving half of your Espinosa's share from ME Group to your brother?"

-

"Spiro... if I were you, wag mo nang ituloy binabalak mo." Matigas na usal ni Cassey nang tuluyan na silang maiwang dalawa sa conference room.

"Anong pinagsasasabi mo?" pagaalinlangang tanong ni Spiro.

"Alam mong alam ko 'yang binabalak mo... wag mo nang ituloy." Sabi lang ni Cassey sabay tayo at ayos ng kaniyang mga gamit.

"Bakit?" May tonong pangaasar ni Spiro. Tinigil ni Cassey ang pagaayos ng kaniyang mga gamit at tinitigan ng masama ang kaharap.

"Huling beses na dumikit-dikit ka sa kaniya, sinaktan mo lang siya... 'wag mo nang ulitin" pauna ni Cassey sabay lakad palapit kay Spiro.

"You are not worth it for him... you don't deserve him." Mariing sabi pa ni Cassey at mas lalong lumapit kay Spiro na may kasama pang pagturo dito.

"Spiro... ikakasal na yung kaibigan ko... 'wag ka nang manggulo." Huling sabi ni Cassey sabay balik sa kaniyang pwesto para kunin ang mga gamit para lumabas pero siya ang naiwan sa kwarto nang unahan siya ni Spiro magsalita sabay lumabas.

"Mahal ko si Eul... naipit lang ako sa sitwasyon... pero this time, papatunayan kong para siya sakin. Akin lang si Eul."

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Where stories live. Discover now