Chapter 1

68.8K 769 7
                                    

Chapter 1

"Just call me once you arrived at the office, okay? I love you, Pres." Pagkasabi ni Maia ay pinatay na agad ng nobyo ang tawag. Inintindi na lamang nya ito dahil baka nagmamadali lamang ito dahil sa mga paperworks ng binata.

It's their second anniversary today at heto sya, magdidiwang mag-isa. Nagpaalam sa kanya ang nobyo na mag-oovertime na naman ito sa trabaho ngayong araw, malapit na daw kasi ang deadline ng mga paperworks nito kaya kinakailangan ng tapusin.

She let out a heavy sigh, isa pa sa mga iniisip nya ngayon ay ang kapatid na si Davri. Hindi nya na ito nabibisita mula ng naging malakas ang sales ng perfume shop nya, ang Milliscents.

Inaayos nya na ang mga papeles para sa pagpapatayo ng bagong branch nito, so far may limang branch na ang Milliscents sa buong NCR.

Di nya na nakuhang bisitahin ang kapatid sa condo nito dahil pagtapos ng trabaho nya sa umaga ay umuuwi syang pagod sa gabi, matapos lang talaga ang plano sa pagpapatayo ng bagong branch ng Milliscents ay pupuntahan nyang muli ang kapatid.

Bumalik ang isip nya sa nobyo, kung tutuusin ay may katagalan na ang relasyon nilang dalawa kumpara sa ibang magkasintahan na hindi man lang umaabot ng isang taon.

Maswerte na sya at ang kanyang nobyo na nakatagal sila ng dalawang taon. Dalawang taong perpekto para sa kanya, kung mag-aaway man kasi silang dalawa ni Pres ay di natatapos ang isang araw na hindi sila nagkakabating dalawa.

Sa loob ng dalawang taon ay hindi din sila umabot sa punto ng hiwalayan o cool-off man lang.

Almost all of her friends were jealous about them 'cause they think of that so-called "almost perfect relationship"  nila ni Pres gaya ng iniisip ngayon ni Maia.

Ngunit tila nagbago iyon sa mga nakalipas na mga araw.

Napansin ni Maia na tila unti-unting nawawalan ng oras sa kanya ang nobyo. Hindi naman ito ganito noon kahit pa tambak ang trabaho nito at kung minsan ay suma-sideline pa ay nagagawa pa din nitong isingit sya sa oras nito at kung may lakad man sila. Nagagawa pa sya nitong bisitahin sa apartment nya bago matapos ang araw.

Ngunit hindi na ngayon.

Kung hindi pa sya gagawa ng first move ay hindi na ata sya nito maaalala.

She shook her head. Malaki ang tiwala nya sa nobyo at hindi sya dapat mag-isip ng kung anu-ano, girlfriend sya nito at kailangang suportahan nya lahat ng alam nyang makakabuti para sa nobyo at sa kanilang dalawa.

****

Maghapon syang tumambay sa loob ng office nya since wala pa namang updates sa plano nilang pagpapatayo sa bagong branch ng Milliscents. Hinihintay nya pa ang sketch sa branch na iyon.

Napagpasyahan nyang lumabas muna para kumain, nakaligtaan nya ng mag-lunch kanina dahil sa sobrang dami ng iniisip nya.

Lumabas na sya sa shop nya at agad na sumakay sa kotse at sabay pinaharurot ito. Ilang minuto lang ay nakarating na sya sa isang Italian cuisine di kalayuan sa shop nya.

Ipinark nya ang kotse at pumasok sa loob ng restaurant. She decided to ordered Pasta alla Norma, paboritong dish nya at ng nobyo sa tuwing kakain sila sa isang Italian restaurant.

For the nth time, she let out a heavy sigh again, namimiss nya na kasi ang nobyo kaya ganun.

Agad din naman itong nawala sa isip nya ng mapadako ang tingin nya sa apat na Herodes na pumasok sa entrada ng restaurant. They are all wearing suits na nagpadagdag sa appeal ng mga ito. Mukha itong mga CEO ng sari-sarili nitong companies gaya ng nababasa nya sa mga pocketbooks and Wattpad stories. Mala-Jamie Dornan ang kagwapuhan ng mga ito at mala-Tanner Mata naman when it comes sa laki ng pangangatawan. Kung wala nga lang sya sa tamang isipan ay baka tumulo na ang laway nya. Para bang busog na sya sa nakikita.

"Napakahalay mo, Maia!" Sigaw ng isipan nya. Ipinilig nya ang ulo.

Sinundan nya ito ng tingin hanggang sa makahanap ng upuan ang mga ito. Feeling nya tuloy ay nagtataksil na sya kay Pres dahil sa ginagawa nyang pagtitig sa mga ito.

Ewan ba nya, gwapo din naman ang boyfriend at mala-Herodes din pero iba ang dating ng mga ito.

Napadako ang tingin nya sa isang herodes pero agad din nyang binawi sa isip ang nasabi kanina. 'Tatlo lang pala ang herodes, yung isa driver nila!' anya sa pilyang isip at lihim na humagikgik. Paano'y napansin nyang kakaiba ang isa sa mga ito.

Oo at matikas ang tindig at malaki ang pangangatawan nito ngunit hindi ito kasing gwapo ng mga kasama nya.

The guy she was laughing at has flat and wide nose. His lips were thick but he has a tanned skin and a body that would girls drool off.

Pero di bale na dahil bawing-bawi naman ito sa pangangatawan at kahit hindi ito kagwapuhan ay hindi naman ito kasing dugyot ng mga goons na napapanood nya sa tv.

Napamaang sya nang mapadako ang tingin nya sa mga mata ng estranghero. The man has deep blue eyes na parang nagtutudyo sa kanyang titigan ito.

Halos maubo sya ng balingan sya nito ng tingin. Her heart was pounding at yun ang hindi nya maintindihan.

Mataman at seryosong sinuklian ng binata ang mga titig nya. Nakakapanlambot ng tuhod ang mga titig na yun. Gusto man nyang umiwas ay parang hindi nya magawa. May kakaiba sa mga mata ng binata at yun ang di nya alam.

Naalimpungatan lamang sya ng maka-receive sya ng text mula sa kaibigang si Twittle.

Sya na ang unang nag-iwas ng tingin at kapagkuwa'y tinawag ang waiter para bayaran ang bills nya. Hindi na sya nag-atubili pang kuhanin ang sukli dahil tingin nya'y nag-iinit ang sistema nya sa loob ng restau na yun.

Muli nyang sinulyapan ang lalake bago sya lumabas. The guy was still staring at her at pinagsisisihan nyang lumingon pa sya.

Tuluyan na syang lumabas ng cuisine na yun at sumakay ng sasakyan. Pinaharurot nya ito kasabay ng pag-aalburuto ng puso nya sa hindi malamang dahilan.

The guy looks familiar kahit ngayon nya lang ito nakita simula ng magkamalay at magkamuang sya mundong ito. She bit her lower lip habang tinatahak ang daan papunta sa kaibigan, di mapakali at iniisip kung sino nga ba ang lalakeng iyon.

Marahan syang napahawak sa dibdib at dinama ang bilis ng tibok ng puso nya.

"Gosh, what are you?"

To be continued.

NaughtyParaiso

EDITED.

Smitten With A Beast (R-18) √Where stories live. Discover now