Special Chapter (Part 1)

32.9K 489 13
                                    

A/N; Because I was too happy na nag-number 1 sya sa General Fiction, 82k reads na at sa inyo mga readers, here's a special chapter made for you, guys. Thank you, hope you like this special update! :>

Special Chapter

"Vulc? May problema ba?" Yun agad ang bungad ni Maia sa asawang ngayon ay nasa opisina nito at tinatapos ang mga paperworks ng kompanya.

Kakatapos nya lang patulugin ang mga anak at ngayon ay nilalaan nya ang oras para sa asawa para makapag-usap sila. Lately kasi ay parang iwas ito sa kanya. Madalas mainit ang ulo at hindi na kasing lambing gaya ng noon. Wala naman syang natatandaang ginawa nya para maging ganito kalamig si Vulc sa kanya.

Tinignan lamang sya ni Vulc at saka binalik ang mga mata nito sa laptop nya. Gumuhit ang sakit sa puso ni Maia ng mga oras na iyon lalo pa't blangko at walang ka-emosyon emosyon ang mga mata ni Vulc.

"V-vulc.. Tell me. Hindi ako sanay na ganito ka sakin, baby." Pinipigil nya ang sariling umiyak ngunit kusa siyang napiyok. Hindi kasi talaga sya sanay na ganito si Vulc sa kanya. Parang nanumbalik sa kanya ang alaala noong malamig ito sa kanya at ginagawa sya nitong parausan lamang. Actually, mas masakit pa nga iyong ngayon. Kahit sya na ang nag-aaya ay ayaw ni Vulc. Basta na lamang ito lalabas ng kwarto at pupunta sa opisina nito at dun matutulog. May opisina kasi si Vulc sa loob ng bahay.

Napahilot ng sentido ang asawa nya bago nagsalita. "Not now, Maia. Can't you see? Madami akong ginagawa. I don't have time for your dramas. Matulog ka na." Tumango lamang sya at saka tumalikod para lumabas na.

Hindi nya na talaga kaya ang ginagawa ni Vulc. Ilang linggo na kasi at simula nun, walang gabi na na hindi basa ang unan nya. Pinipilit na nga lang nyang ngumiti para sa mga anak nya.

Bumalik na sya sa kwarto at saka tinabihan ang bunsong anak na si Bell. Mahimbing na ang tulog nito at laking pasasalamat nya dahil tulog-mantika ang bata. Kahit napapalakas ang hagulgol nya ay hindi sya nito naririnig.

Sa tabi nila ni Vulc laging natutulog si Bell kahit pa may sarili itong kwarto. Takot daw kasi ito sa monsters sa room nya. Madalas kasi itong takutin ng mga kapatid nitong lalake na sila Philammon at Philottus. Kaya ayan, mataas ang paniniwala nitong may multo nga sa kwarto nya.

Napangiti si Maia nang dumantay ang maliliit na braso ng anak sa baywang nya. Sa lahat ng mga anak nya, si Bell ang pinaka-malambing. Si Cali kasi ay may pagka-suplada at spoiled brat lalo na sa daddy nito.

Hinagkan nya ang noo ng anak at ngumiti. Ang mga anak nalang ata nya ngayon ang nagpapangiti sa kanya.

****

Alas-singko pa lamang ay gising na sya para asikasuhin ang pagpasok ng mga anak nya. Isa-isa nya na itong ginising para maligo at pagtapos ay bumaba na.

Nang matapos nyang gisingin ang mga anak ay naghanda naman sya ng mga kakainin at babaunin ng mga ito. Kahit naman mayaman ang angkan ni Vulc ay ayaw nya pa ding kumuha ng yaya para ito ang gumawa ng mga gawaing bahay.

Ayaw niyang masanay ang mga anak na umaasa na lang sa mga maids. Hangga't bata pa ang mga ito ay gusto niyang matuto ang mga anak na kumilos sa mga bagay na kaya naman nilang gawin.

Smitten With A Beast (R-18) √Where stories live. Discover now