Chapter 13

34.5K 567 4
                                    

Chapter 13

Vulc gets Maia outside the car. Matapos ang tagpo nila sa gubat ay napagpasyahan nyang dalhin si Maia sa Villa Lothario o sa hacienda nila para doon maganap ang proseso.

Yes, the process. Gaya ng sabi ng kanyang ama, nagbabago ang pisikal na anyo ng babaeng nakakaniig ng isang Lothario at ang proseso ay tumatagal ng isang buwan. Means, isang buwang nakahimlay si Maia sa magiging kwarto nito habang nagaganap ang proseso.

Itinakip nya ang coat sa hubad na katawan ng dalaga habang seryoso ang tingin nya sa daan.

Galit na galit sya sa sarili. Kung sana ay hinintay nya ang paliwanag ay hindi nya masasaktan ito. Sana man lang ay tinanong nya si Maia at hindi nagpadalos-dalos.

Iniisip nya na tuloy kung ano ang mangyayari sa oras na magising si Maia. Iiwan kaya sya nito?

Hell no! I won't let that happen. Sambit ni Vulc sa kanyang isipan.

Ala-una nang madaling araw na nang makarating sila sa villa. Paniguradong tulog na ang mga tao nun.

May sarili syang susi kaya madali nyang napasok ang mansion nila at tama nga sya, patay na ang mga ilaw at tulog na ang mga tao.

Umakyat sya patungo sa sariling kwarto at nang makarating ay maingat na inilapag ang dalaga sa kanyang kama.

Kumuha sya ng maliit na palanggana na may lamang maligamgam na tubig at bimpo saka bumalik sa kinaroroonan ng dalaga.

Inalis nya ang coat nito sanhi para lumitaw ang kabuuan ni Maia.

Inaamin nya sa sarili nya mismo na hindi pa humuhupa ang init na nararamdaman nya. Alam nya sa sariling hindi pa sya kuntento sa isang round lang, he's still wants Maia kung hindi lang nya nalaman ang lahat at kung sakaling maaga nyang nalaman iyon? He'll probably sure that he would take Maia in a gentle way.

Just by looking at her creamy white legs and soft round breast together with her red nipples ay tumataas ang pagnanasa ni Vulc kay Maia. Believe him or not pero gusto nya na itong gapangin but no! Tama na na binaboy nya ito at hindi na mauulit pa iyon.

Dinampi nya ang bimpo sa katawan ng dalaga. Napakasarap titigan ng magandang mukha nito para sa kanya, yun nga lang ay may bakas ng natuyong luha sa mga pisngi nito.

Gusto nya tuloy saktan ang sarili for what he did on her. Sa oras na magising ito ay babawi sya, babawi sya at gagawin nya ang lahat tanggapin lang ulit sya nito.

Nang matapos sya sa pagpupunas nito ay isinuot nya dito ang isang pulang night gown. Ipinabili nya ito noong nalasing si Maia at dinala nya sa mansyon nila. Dalawa yun at yung isa ay na kay Maia mismo.

Ginamot nya din ang mga pasa at sugat ng dalaga. May pasa ito sa dibdib at balakang. Sa mga paa naman nito ay may mga sugat, marahil ay may natapakang kahoy o kung ano man si Maia habang kinakaladkad nya ito.

He kissed her in the forehead at saka sya lumabas sa kwartong iyon. Bahagya pa syang napasinghap nang maabutan nya ang ama sa harap ng pinto ng kwarto. Mataman itong nakatitig sa kanya.

"Care to tell me what happened?" His father Jupiter Lothario asked.

****

Ikwinento nya ang lahat sa ama. Wala syang itinira kahit ang mismong kagaguhan nya. Nasapak pa nga sya ng ama sanhi para magising ang mga kapatid at ina nya.

"Oh god Vulc! Hindi kita pinalaki ng ganyan!" Her mother Juno yelled at him. Napangisi sya.

"Of course you're not. Kelan ka ba naging nanay sakin?" Agad na dumapo ang palad nito sa pisngi nya. Bigla ay gusto nyang pagsisihan ang sinabi pero di nya ginawa. Mas nangibabaw ang karapatan nyang maglabas ng saloobin paminsan-minsan. All this time kapag iniinsulto sya ng ina ay nakatikom lang ang bibig nya.

Nang tignan nya ang ina ay tigmak na ang mga luha nito sa mga mata. "What? Is it true, right? Ayaw mo sakin kasi ganito ako! Hindi ako kagaya ng mga kapatid kong maipagmamalaki mo pagdating sa pisikal na anyo. Since I was a kid, hindi ikaw ang kasama ko noong unang beses na may lumabas na salita sa bibig ko. Only dad cares for me and do you know how much it hurts seeing you getting along with your children but not with me? You're so unfair. Anak mo rin naman ako ah!" Naramdaman nya ang paghawak ng kapatid na si Apollo sa balikat nya subalit tinabig nya lang ito.

"Dude, tama na. Nanay pa rin natin sya." His fifth-brother, Bacchus interupted. Mangha nya itong tinitigan at saka humalakhak.

"For you guys, yes she is a mother but not for me." Napayuko ang mga kapatid nya saka nya pinasadahan ng tingin ang inang humahagulgol. Bakas sa mga mata nito ang awa at pagsisisi. Ang ama naman na si Jupiter ay hinahagod lamang ang likod ng ina at inaalo ito.

Mabuti na lamang at wala ang nakakatandang kapatid na si Mars kundi ay nasapak na sya nito.

May asawa na kasi ito at bumukod na sa kanila. Nakatira ito sa kabilang mansyon di kalayuan sa kanila, sa loob din ng Villa Lothario.

Wala ng nagtangkang magsalita sa kanila kaya naman pumihit na sya patalikod sa mga ito at saka nagtungo sa hagdan upang balikan si Maia sa kwarto.

Nakakailang-hakbang pa lamang sya ng makaramdam sya ng panlalabo ng mga mata. Napasintido sya at napahawak sya sa pasimano ng hagdan.

"V-vulc? Hey, are you alright?" Agad na lumapit sa kanya ang kapatid na si Hercules. Bakas sa tono nito ang pag-aalala. Hindi nya ito pinansin at nagpatuloy sa pag-akyat hanggang sa tuluyan ng nanlabo ang paningin nya at nawalan ng balanse.

Vulc is a healthy person at wala syang natatandaang may sakit sya kaya bakit ganito? Tuluyan na syang bumagsak sa nakatalikod ng si Hercules at saka tuluyang napapikit.

"Oh god, son! V-vulc!" His mother cried. That was the last thing he heard before he passed out and everything went black.

To be continued.

NaughtyParaiso

Smitten With A Beast (R-18) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon