Chapter 39

32.6K 579 6
                                    

Chapter 39

"Look Mom! He's annoying me again!" The little boy said as he was pulling the hem of my dress. He pouted. I smiled and pat his head. Kamukhang-kamukha sya ng ama nya.

Tinignan ko ang tinuturo nya and not to my surprise, it was Cupid again. Paboritong asarin ni Cupid ang kambal kong anak dahil magkakasabay silang lumaki. He was Venus and Mars son. I was about to say something ng magsalita si Venus mula sa likuran ko. "Hay naku, ikaw talaga Kupido! Ano na namang ginawa mo kay Monmon? Ha?" She said at saka binuhat ang anak. The boy just giggled. I smiled.

"Let them be. Mga bata lang yan. Uso pa sa kanila ang asaran at kulitan." I said.

"Tsk! Pag hindi ka talaga nagtino, ibabalik kita sa obaryo ko!" Cupid's face become pale at saka umiling-iling. Sumubsob ito sa balikat ng nanay nya at saka sila naglambingan.

"Kung di ka lang talaga kamukha ng ama mo, itatapon kita e. Hmp." Anya at saka ngumiti sa anak. Bumaling ang atensyon nya sakin at saka nagpaalam para maglibot.

Ngumiti lamang ako at tumango. Muling nabalik ang atensyon ko sa batang nakayakap sa isang hita ko ngayon. I carried him on my left arms at saka hinanap ng mga mata ko ang lalakeng kanina ko pa hindi nakikita and there I found him.

He was just sitting on a chair kung saan walang masyadong tao. Nakakunot ang noo nito at bahagyang nakanguso ang mapupulang labi. Bumagay sa kanya ang kulay asul na mata at ang blonde na kulot nitong buhok.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa noo. Lumabi sya bago yumakap sa bewang ko. "I want to go home now, mimi. It's too noisy here." He said then he sighed.

Umupo ako sa katabi nyang chair at iniupo si Monmon sa isa kong hita habang siya naman ay inupo ko sa isa ko pang kandungan. "Aren't you happy, dear? It's your birthday today, kayo ng kambal mo. What's wrong, Philottus?" I asked. I'm worried. Alam kong hindi sya sanay sa madaming tao pero hindi naman sya ganito nung mga past birthdays nila ng kapatid nya. I thought he'll be happy kasi birthday nila ng kambal nya. It's their third birthday today.

He sighed. "You said dad will come but where is he?" Doon na ako napatigil sa tanong nya. It's been 3 years at simula nung araw na umalis si Vulc ay wala na akong naging balita sa kanya.

Tumatawag lang ito kay Tita Juno at Tito Jove para kamustahin sila o kaya para sa negosyo. Kapag sasabihin ko na gusto ko syang makausap ay binababa nito ang telepono.

But still I'm hoping. Nangako ako sa sarili kong hihintayin kong bumalik sya. Miss na miss ko na sya. I wanted to tell him how I wanted to be with him.

Three years ago, I gave birth to my twins, Philammon and Philottus. They were both boys and they grew up with the same face. Yes, magkamukha sila pero hindi ako nalilito.

Philottus has curly blonde hair while Philammon has straight black hair. Kamukhang-kamukha sila ng ama kaya masasabing Lothario nga sila. They're also got those dark blue eyes na nasa lahi ni Vulc.

Sa mga oras na yun ay hindi ko masagot ang tanong nya. Nanahimik nalang ako dahil hindi ko naman alam ang sasabihin. Sa tuwing may okasyon na konektado sa kanila Cacus, Cali, Phil at Mon ay sinusubukan kong tawagan sya o mag-email sa kanya pero hindi sya dumadating. Nagpapadala lang sya ng mga regalo para sa mga anak nya at okay na ko dun. Sapat na saking naaalala nya ang mga anak nya, kahit hindi na ako. Napangiti ako ng mapait. May pag-asa pa kaya kami kapag bumalik sya?

****

Alas-nwebe na ng matapos ang party ng kambal. Nagpasalamat sya sa mga bisitang dumalo sa birthday party ng mga anak nya at saka dumiretso sa mansyon ni Vulc.

Smitten With A Beast (R-18) √Where stories live. Discover now