Chapter 18

33.4K 660 4
                                    

Chapter 18

"Happy birthday, babies!" Napalingon ako kay Davri na kasalukyang may dalang paper bag. It's probably for my twins. Ngumiti ako ng magtama ang mga mata namin.

"O? Bakit ngayon ka lang? Nasaan si Jax?" I asked. I forgot to say na nag-asawa na nga pala ito 1 year ago and I'm happy for her. Sa kabila ng lahat, nakahanap pa rin sya ng taong magpapasaya at magmamahal sa kanya.

Ngumuso ito. "Hay naku ate! Dinala yung kotse sa pagawaan, pano kasi habang nasa byahe kami, tumirik yung sinasakyan namin. Kaya ayun! Pinauna nya na ko dito. Sumakay na lang ako ng tricycle para di ko mamiss ang birthday na mga cute na pamangkin ko." She said at saka pinanggigilan ang pisngi ng kambal na kasalukuyang nilalantakan ang ice cream nila. Parang wala itong pakialam sa tita nila dahil busy ito sa kinakain nila. I can't help but to smile.

"Ganun ba? O sige, maupo ka muna at baka makasama sa baby mo. May 30 minutes pa naman bago magsimula ang birthday party nila, e. Aabot pa si Jax." Tumango ito at saka hinimas ang dalawang buwan nyang tyan. Inilapag nito ang dalang regalo sa isang table at saka naghanap ng mauupuan.

Napangiti ako ng lingunin ko ang kambal. Nilalantakan pa din nila ang mga ice creams nila.

Kasalukuyan kaming nasa Montero's kung saan ang venue ng birthday party ng kambal. It was their 4th birthday at Minions ang theme ng party. Everyone is required to wear yellow dresses. Nakasuot naman ng Minions costume ang kambal ko.

Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. Bahagya pang mamula-mula ang mga pisngi nito ng pisilin yun ni Davri kanina. Natural naman talaga ang pagkapula ng pisngi nila lalo na't mapuputi ang mga ito.

The color of their skin and all their physical features ay nakuha sakin maliban sa isang bagay. Their eyes.. their dark blue eyes na nakuha nila sa kanilang ama.

Kaya nga kahit pinalitan ko na ang identity ko ay hindi pa din ako kampante kaya iniingatan ko pa din ang kambal. Paniguradong sa oras na makita sila ng mga Lothario ay aakuin nila itong anak ni Vulc na kahit kailan ay hindi ko gugustuhing mangyare. Sila at si Davri na lamang ang meron ako kaya hindi ako makakapayag na pati sila ay kunin ni Vulc sakin.

Naglandas ang isang butil ng luha mula sa mga mata ko. Unti-unti na kasi silang lumalaki. Paano kung sa paglaki nila ay hanapin nila ang kanilang ama? Hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na mangyari yun.

Hindi lingid sa kaalaman nila na hindi nila totoong ama si Lance. Especially kay Cacus. He was an observant. Nung una ay ayaw nya pang tawaging daddy si Lance dahil daw hindi naman sila magkamukha. Most of his features daw ay sa akin nya nakuha maliban sa blue eyes nya at desidido syang nakuha nya iyon sa ama nya. Gayunpaman, hindi naman sya nagtatanong kung nasaan ito.

"Do you think Mommy is crying?" Mahinang bulong ni Cali sa kakambal. Natawa ako ng mahina. Rinig na rinig ko kasi ang bulungan nila.

Bahagyang napatigil si Cacus at lumikot ang mga mata na tila ba nag-iisip. "Uhmm.. maybe our mom's misses our dad." Anya. Tumango-tango naman si Cali na para bang nauunawaan nya at saka kumain ulit.

Pinahid ko ang mga luha sa mga mata ko. They were probably pertaining to Lance. Nasa Paris pa din kasi ito.

Kinuha ko ang ice cream cup sa kambal ng maubos ito at itinapon.

"Come on, kids. Ang dirty nyo na. Let me clean you first, okay?" I said at saka sila kinarga para dalhin sa restroom.

The program will about to start in 20 minutes.

****

Napasentido ako ng matapos ang pa-event nila Hercules. Sumasakit ang ulo ko sa isiping wala man lang sa kanila ang nag-match sa Maia na hinahanap ko.

"Sigurado ka bang wala kang napili sa kanila? Halos dalhin ko na ang lahat ng Maia sa bansa natin and don't tell me, walang nakapasa?" It was Hercules. Sinamaan ko sya ng tingin.

Yes, he brought different kinds of Maia. There's an old woman, a lesbian and those married na. May mga magaganda naman pero hindi talaga, e. This bastard is really getting on my nerves.

I was about to punch him when Apollo interrupted. "Look what I found." Nakangisi ito at may dala-dalang maliit na bagay na kulay dilaw. Minions? Wtf?!

"Don't tell me mahilig ka dyan?" Hercules.

Sinamaan nya ito ng tingin. "Nakita namin sya sa lobby kanina. Mukhang nawawala, e." Itinaas nito ang hoody ng bata sanhi para lumitaw ang anyo nito.

It was a little guy. Tansya ko ay nasa apat na gulang ito. Nakapikit sya na animo'y nagtutulug-tulugan.

"Come on, Apollo! Ibalik mo na sya sa loob, baka mamaya hinahanap na sya ng nanay nya." Sancus said ngunit nanatili ang mga mata ko sa batang lalake. I don't know why..

"I know! Hey, little guy? Open your eyes. Come on, we're not gonna hurt you. We just wanna ask kung asan ang mommy at daddy mo?"

Dahan-dahan itong dumilat. Bahagya akong napaatras, maging ang mga kapatid ko ay ganun din ang reaksyon.

The little guy has its own dark blue eyes na gaya sakin at sa mga kapatid ko.

"Damn! Did you see that? He has those dark blue eyes like ours." Manghang sambit ni Bacchus.

With that, I felt something is wrong.

"Hey, umamin kayo. Sino sa inyo ang nakabuntis dito? Malalagot kayo kay Dad once na nalaman nyang may bastardo sa pamilya natin." Sa di malamang dahilan ay nasuntok ko si Hercules. How dare he calling him bastard?

"Don't you dare call him bastard again or else I'll burn you in hell!" Ngumisi ito at pinunasan ang dugo nito sa gilid ng labi. Wala akong pakialam sa nagtatakang mga tingin nila sakin pero ayokong isipin na isa syang bastardo.

"What the hell? Ano bang kinagagalit mo? Anak mo ba yan?" I was about to punch him again when I heard a sob.

"P-please don't hurt my twin.." I saw a little girl crying, wearing the same minion dress.

Having those dark blue eyes same as mine..

To be continued.

NaughtyParaiso

Smitten With A Beast (R-18) √Where stories live. Discover now