Chapter 3

40.4K 642 28
                                    

Chapter 3

Hila-hila ang maleta nyang tinahak ang daan papasok sa loob ng hotel. Ngayong araw ay nabigo syang mahanap ang nobyo at ang kaharutan nito.

Mukhang natunugan sya ng mga hinayupak kaya wala syang nadatnan sa hotel na una nyang napuntahan, sabi ng receptionist at kaka-check out lang daw ng mga ito.

Kinuha nya na ang susi ng kwarto at tinahak na ang daan paakyat sa sarili nyang kwarto.

Hindi na nya napigilan ang sarili at tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa mga mata niya. Pagod na pagod sya, ang buong akala niya'y perpektong relasyon ang meron sya. Yun pala ay kinakaliwa na sya ng nobyong hindi nya inaasahang mananakit sa kanya.

Kinuha nya ang telepono kung saan wallpaper ni Pres ang nandun.

"Hayup ka, pano mo nagawa sakin 'to?" Anya habang patuloy sa pagpatak ang luha sa kaniyang mga mata. "Kaya pala lagi kang busy-ng hinayupak ka! Kasi iba na pala tinatrabaho mo!" Pagpapatuloy nya habang dinuduro-duro ito.

"Nag-ipon ako para may maipambili ka ng kotse! Pati brief mo ako naglalaba tapos ipagpapalit mo kong jutay ka!"

"Kainis ka. Mahal kita e.." Humagulgol lang sya buong magdamag. Sobrang sakit para sa kanya na malaman na ganun na pala ang ginagawa ng nobyo nya.

****

Tanghali na ng bumangon sya, hindi nya na din namalayan ang oras sa sobrang pagod nya kahapon. Nakatulugan nya na din ang pag-iyak.

Kinapa nya ang pisngi, muli ay naalala nya ang mga pangyayari. Sana nga ay panaginip nalang ang lahat sa kanya. Ramdam nya ang sakit ng ulo nya dahil na din sa pag-iyak.

Bumangon sya at agad na dumiretso sa banyo. Naligo sya at nag-ayos. Pinili nyang magsuot ng isang simpleng floral dress at a flat brown wedge.

Siguro ay maglilibot muna sya sa kung saang resort ng Vigan, baka dun ay matyempuhan nya ang dalawa.

Palubog na ang araw ng makarating sya sa paroroonan. Iilan nalang ang tao sa beach na iyon. Napagpasyahan nyang maglakad sa gilid ng dalampasigan.

Buong araw ay hindi man lang sya nakaramdam ng gutom, tanging empanada lang ata ang kinain nya kanina nang dumaan sya sa isang tindahan doon.

Buong araw nya ding iniisip kung saan nya hahagilapin ang nobyo.

Mula sa kinaroroonan ay napatigil sya sa paglalakad. Parang tinarak ng kung anong patalim ang puso nya sa nasisilayan ng mga mata nya ngayon.

She's currently looking at her boyfriend, tasting other woman lips. Lalapit na sana sya sa paroroonan ng mga ito ng mamukhaan kung sino ang babaeng kahalikan nito.

Hindi sya makagalaw. Parang napako ang mga paa nya sa kinatatayuan nya ngayon. Pinagmamasdan nya ang kapatid at ang nobyong uhaw na naghahalikan sa dalampasigan.

Tila di alintana ng dalawa ang presensya na dahil parang mga asong gutom na gutom ang dalawa.

Ang dami nyang gustong sabihin. She wanted to ask when. She wanted to ask how. She wanted to us why. Parang lahat ng sinabi nya kagabi kaharap ang litrato ng nobyo ay hindi nya na masabi ngayon.

Bumuhos ang malakas na ulan sapat para matauhan sa paghahalikan ang dalawa. Awtomatikong tumalikod ang mga paa nya.

"Oh gosh, baby! Sabi ko naman sayo doon na tayo sa loob e! Hihi." Dinig nyang sambit ng kapatid sa likuran habang dinig nya ang mga yabag ng mga ito papalayo doon.

"Sorry na okay? I just can't wait to own you again." With that ay tuluyan na syang lumayo sa lugar na iyon.

Hindi sya tanga para di maunawaan ang pahiwatig ng dalawa. Malinaw na malinaw sa kanyang may nangyayaring kung ano man sa pagitan ng dalawa.

Ang hindi nya lang matanggap ay kung bakit sa kapatid nya pa. Kung pano nagawang traydurin sya ng kapatid gayung inform itong nobyo nya si Pres.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman nya kaya napagpasyahan nyang pumunta sa pinakamalapit na bar na makikita nya.

****

"One more tequila, please." Sambit niya sa bartender ng bar na iyon. Nakaka-apat na bote na sya ng tequila at pang-lima nya ngayon.

"But Ma'am, nakailang bote na po kay--" She cut his words by raising her hand.

"Fuck! Just get it!" Bahagyang tumaas na ang boses niya.

Mukhang natakot naman ang bartender at agad itong kumilos. Ilang sandali lang ay bumalik na ito.

Agad nya itong sinunggaban.

Heto sya ngayon at nagpapaka-desperadang malimutan ang nobyo este ang dating nobyo nya. Muli na naman umalpas ang mainit na likido mula sa mga mata nya.

She's too broken. Masyadong masakit sa kanyang malaman na tinatarantado sya ng nobyo at kapatid nya.

"Mga hayup! Pinagkaishahan ako.." Anya habang humahagulgol.

Dala ang bote ng tequila, tinahak nya ang daan papuntang dance floor. Halos wala na sya sa sarili at ang tanging nasa isip nya lang ngayon ay ang makalimot sa sakit na dulot ng nobyo at kapatid nya.

She's dancing like there's no tomorrow. Habang tumatagal ay nagiging daring na ang mga galaw nya kaya naakit nun ang ilang kalalakihan.

"Hey there." Sambit ng isang lalakeng lumapit sa kanya. Pinulupot nito ang mga braso sa bewang nya mula sa likod, hindi naman sya umalma at iginiling ang sarili sa katawan dito.

Wala na syang pakialam sa mga mangyayari. She just wanted to get wasted. Naramdaman nyang hinila sya ng lalake patungo sa gilid ng bar, walang masyadong tao doon at madilim ang parteng iyon ng bar.

Sinimulang lantakan ng lalake ang leeg nya. "Ishtop! Anong ginagawa mo?" Anya. Kahit pa wala sya sa ulirat ay di naman sya papayag sa ganitong sitwasyon.

Si Pres nga ay di sya nagawang halikan sa leeg tapos gaganituhin lang sya ng lalakeng iyon!

Sa halip na magpumiglas ay humagulgol na sya. Paano'y naalala nya na naman ang walangya nyang nobyo!

Namalayan nalang nyang wala na ang lalakeng lumalantak sa leeg nya.

Nang tignan nya ito ay nakahandusay na ito sa sahig. May nakapatong na lalake dito at walang awang pinapaulanan ng suntok at sapak.

Nagkakagulo na din ang mga tao sa bar habang sya ay hilong-hilo na. Desidido syang makita ang mukha ng lalake kaya pinilit nyang ibuka ang mga mata para maaninag ito, pero kahit anong buka ng mga mata nya ay hilong-hilo na talaga sya.

Hinihintay nyang bumagsak sya sa matigas na semento pero nagkamali sya. Bumagsak sya matipunong katawang kanina pa nya pinaghihiwagaan.

"You're safe now. I'll take you home, milady."

To be continued.

NaughtyParaiso

EDITED.

Smitten With A Beast (R-18) √Where stories live. Discover now