Chapter 25

33.9K 599 6
                                    

Chapter 25

Isang linggo nang hindi nagpapakita si Vulc kay Maia, nasa Palawan sya ngayon para paghandaan ang kabilugan ng buwan mamayang hatinggabi.

Gustuhin man nya ay hindi pwede lalo na't nagsisimula ng uminit ang sistema nya. Literal na init at nakakapaso iyon. Ang ano mang bagay na mahahawakan nya sa kabilugan ng buwan ay magiging abo.

Sa mga panahong ito ay nakakapaso palang ang mga hawak nya at hindi pa ito ganun kalala.

Nangyayari ang ganitong sitwasyon sa loob ng isang gabi lamang, tuwing kabilugan ng buwan.

Makakaramdam si Vulc ng matinding pag-iinit at pagka-uhaw. Sa mga oras na iyon ay mawawala sya sa sarili at ang tanging layunin lang ay maging malapit sa tubig.

Kaya naman kapag ganitong kabilugan ng buwan ay nagpupunta sya sa resort nila sa Palawan kung saan may napakagandang talon doon. Doon sya nagpapalipas hanggang sa matapos ang sumpa.

Pribado iyon kaya sya lamang ang tao sa lugar na iyon. Nagsisilbi lang kasi itong lugar-bakasyunan ng mga Lothario.

Hindi lamang sya ang nakakaranas ng ganitong sumpa kundi pati na din ang mga herodes ng Lothario. Kaya naman may kanya-kanyang kulungan o pribadong lugar ang nakalaan para sa mga ito tuwing sasapit ang araw na iyon. Ang mga kababaihan naman sa pamilya nila ay naghihintay lamang sumapit ang umaga bago sila sundan sa kani-kanilang pinaroroonan.

Napangiti sya ng mapait. Kung alam lamang ni Maia ang nangyayari sa kanya, susundan din kaya sya nito? Mag-aalala din kaya ito sa kanya?

****

Right after that day ay hindi nya na muling nakita si Vulc. Yes and it's been two weeks.

Hindi alam ni Maia kung ano ang mararamdaman nya. Kung matutuwa ba sya dahil sa wakas ay wala ng magiging balakid sa kanila ni Lance o malulungkot dahil inaamin nya sa sariling nananabik pa din sya sa binata.

Napailing sya. Tama na siguro at iiwas na sya kung sakaling manggulo ulit ang lalake sa kanya ng sa ganun man lang ay mabawasan na ang mga kasalanan nya.

Isa pa ay uuwi na si Lance bukas. Wala syang balak sabihin ang mga nangyari sa kanila ni Vulc. Ayaw nyang masaktan si Lance.

Hinaplos nya ang buhok ng kambal sa tabi nya. Mahimbing ng natutulog ang mga ito. Bukas kasi ang first day of school nila.

Hindi nya namalayan na dinapuan na sya ng antok pagkaraan ng ilang oras.

****

Napatigil sya sa pagtitipa sa kanyang telepono ng maaninag nya si Cali at Cacus na patakbong lumalapit sa kanya.

"Mama!" Cali said. Nag-squat sya para magpantay sila ng dalawa. She kissed Cali's rosy cheek same as Cacus. Namiss nya ang dalawa. Ito kasi ang ikalawang pagkakataon na nawala'y ang mga ito sa kanya ng mahigit apat na oras. Hindi kasi sya pumapayag na hindi sya kasama kapag aalis ang dalawa. Well, maliban nalang ngayon na pumapasok na ito sa eskuwelahan.

"How's school babies?" Tanong nya sa dalawa. "It's fun, mom! I have new friends na!" Cali said at bakas sa boses nito ang kasiyahan. She pinched her cheek first bago bumaling ang atensyon kay Cacus na ngayo'y nakasimangot.

"What happened, sweetie? What's with that face?" She asked. Humalukipkip ito habang nakanguso. Napangiti sya. Paano'y napaka-gwapo ng anak. Nai-imagine nya na tuloy itong tinitilian ng madaming babae.

"I don't wanna go to school anymore." He said. Umangat ang kilay nya.

"And why is that?" She asked. Humalukipkip na din sya.

Smitten With A Beast (R-18) √Where stories live. Discover now