Chapter 30

31.5K 492 5
                                    

Chapter 30

Hindi ko alam kung saan na ako napadpad, ang alam ko lang ay malayo na ko sa mga Lothario.

Bigla ay bumuhos ang malakas na ulan, tila ba nakikisabay sa pighating nararamdaman ko ngayon.

I was walking at the sidewalk habang patuloy ang pag-agos ng mga luha mula sa mga mata ko. Ang sakit-sakit kasi. Ang buong akala ko ay pwede pa kaming maging maayos, ang akala ko ay magiging okay na once na tapusin ko kung anong meron kami ni Lance. Pero akala lang pala ang lahat.

Ni hindi nya ako binigyan ng pagkakataon para lumaban. He chose Solenn and just dumped me. I feel like a shit.

Nang nga oras na iyon ay hindi ko alam kung saan ako tutuloy hanggang sa napadpad na lang ako sa bus station di kalayuan sa hacienda Lothario.

Isa lang ang lugar na naisip kong puntahan ng mga panahong iyon. Agad akong bumili ng ticket dala ang maleta ko at saka sumakay ng bus.

For now, I need to fix myself first. Babalik ako kapag kaya ko na, kapag kaya na ng puso ko. Babalikan ko ang mga anak ko. Tama naman si Vulc, ipinagkait ko sa kanya yung apat na taon at karapatan nyang makasama sila ngayon.

Sana lang ay wag nya akong biguin.

****

Napadpad sya sa isang resort sa Vigan at kung hindi sya nagkakamali ay ito din ang pinuntahan nyang resort nung na-broken hearted sya kay Pres and now she's back and still broke.

Napangiti sya ng mapait, mukhang itong resort na 'to ang dahilan para maka-move on sya.

"Pero diba? Dito kayo nagkakilala ni Vulc?" She shook her head with that thought. Ayaw nya munang isipin o banggitin ang pangalan ni Vulc. Masyadong masakit sa kanya ang isipin ang lalakeng iyon. Ang lalakeng minahal nya ng buong-buo.

Nag-check in sya sa isang hotel doon at pagkarating ay agad din syang namahinga.

Hindi naman problema sa kanya ang pera. Kahit papaano ay hindi napapabayaan ni Davri ang Milliscents kahit pa buntis na ito. May balak naman syang bumalik sa pamamahala ng shop nya pero nawala sa isip nya ang bagay na iyon sa mga nagdaang araw.

Wala syang balak noong hindi pa natutuklasan ng mga Lothario na sya si Maia at hindi si Amara pero nagbago iyon nung makilala sya ng mga ito.

Alas-nuwebe na ng gabi ng biglang kumalam ang tyan nya. Naalala nyang hindi pa pala sya kumakain. Ang huling kain nya ay noong nagkita sila ni Lance kanina pang hapon.

Napagpasyahan nyang lumabas para maghanap ng pinakamalapit na restaurant at hindi naman sya nabigo dahil ilang minuto lang ay nakahanap sya ng isang seafood restaurant na kakaunti lang ang tao.

Marahil ay wala pang masyadong tao dahil August palang ngayon at hindi pa summer. Nagkibit-balikat sya at naghanap ng mauupuan. Sumenyas sya sa isang waiter doon para maka-order na sya.

She just managed to order Inihaw na Bangus, Sinigang na Hipon, Ginataang Alimasag and Fried Tilapia. Hindi pa sya nakuntento at nag-order din ng Buko Pandan at Leche Flan para sa dessert.

Nagtataka pa ang waiter dahil sa dami ng inorder nito ngunit napakamot lang din ito ng batok at saka sumunod.

Nang dumating ang order nya ay agad nyang nilantakan ang mga iyon. Hindi nya din alam sa sarili kung bakit ang dami ng inorder nya gayung iisa lamang sya pero binalewala nya iyon. Gutom lang sya at matagal-tagal na din syang hindi nakakakain ng mga putaheng ito dahil puro karne o gulay ang madalas na inihahanda sa mansyong iyon.

Halos kalahati na din ang naubos nya ng mabusog sya. Hindi pa sya nakuntento dahil ipina-take out nya pa ang mga natira nya. She paid for her bills at saka umalis na.

Alas-diyes na ngunit hindi pa din sya nakakabalik sa room nya sa hotel. Napagpasyahan nya munang maglakad sa dalampasigan habang humahaplos ang malamig na hangin sa balat nya. Mabuti na lamang at nagdala sya ng balabal para ipantakip sa balikat nya.

Napansin nyang wala ng tao sa kinaroroonan nya kaya hindi nya na napigilan ang sarili at humagulgol na. Wala atang katapusan sa pag-alpas ang mga luha nya pero naisip nyang mas mabuti na din yun. Mas magandang iiyak na lamang nya ngayon para sa mga susunod na araw ay wala na yung sakit.

Napatigil sya sa pag-iyak ng may isang kamay ang nag-abot ng panyo sa kanya. Inabot nya iyon ng hindi tumitingin sa nagmamay-ari nito.

"S-salam--, Pres?!" Natutop nya ang bibig ng mapagtantong ang dating nobyo nya iyon.

Ngumiti ito sa kanya at saka umupo sa tabi nya. "Maia.." Bumuntong hininga ito bago magsalita. "K-kamusta na?" Sambit nito. Hindi na sya nagtataka na wala ni katiting na pangingilag ang nararamdaman nya dito. Marahil ay napatawad nya na at naka-recover na sya ng buo.

"I'm fine. Ikaw?" She asked. Doon nya lamang napansin ang pamumutla nito at pansin nya ding wala na iting buhok. Tila nalipasan na ng panahon ang noo'y gwapong nobyo nya. He looked pale at wala na ang kakisigan nito.

Ngumiti ito ng mapait sa kanya na tila ba alam na nito ang iniisip nya. "Ito, malapit ng mawala sa mundong 'to. May Leukemia ako, stage 4 na."

Natutop nya ang bibig sa narinig at wala sa sariling napaluha sya. Kahit papaano naman kasi ay may pinagsamahan sila ng dating nobyo. Hindi man maganda ang huli nilang pagkikita ay hindi naman nya inaakalang ganito na pala ang sitwasyon nito ngayon.

Nang humarap ito sa kanya ay tigmak na ng luha ang mga mata nito. Hinawakan nito ang mga kamay nya. "I-i'm sorry, Maia.. patawarin mo ko sa lahat ng ginawa ko sayo at sa kapatid mo. Kung sana ay hindi ako nadala sa tukso ay hindi sana kita nasaktan. Sana natupad lahat ng pangarap natin noon."

Ngumiti sya dito. Ngiting tunay. "Don't worry about those, Pres. I'm fine now. Naging masaya din naman ako matapos ang relasyon natin. Sa totoo nga'y gusto kong magpasalamat sayo. Natuto akong tumingin sa iba simula nun. Vulc gave me so much happiness nung nagkaroon kami ng Cali at Cacus. Everything will be fine, okay? You just have to fight for it."

Ngumiti ito sa kanya at saka sya niyakap. Masaya na din naman si Pres, masaya syang mawawala sa mundong 'to na may isang taong makakaalala man lang sa kanya at iyon ay si Maia. Masaya syang nakuha nya ang kapatawaran nito bago man lang sya mawala sa mundo.

Naghiwalay sila ng landas ng makarating sila sa kani-kanilang kwarto. Nakilala nya din ang nurse na nag-aalaga kay Pres na asawa din pala nito.

Malungkot pa nga ang asawa nito dahil sa kalagayan ni Pres. Ngunit wala naman silang magagawa dahil nasa Diyos pa din ang awa. Ipapadasal na lamang nya ito.

Nang nasa hallway na sya ng floor na kinalalagyan ng unit nya ay di nya inaasahang may makikita syang lalake doon. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi sya nito alintana.

She was about to enter at her room ng marinig nya ang pangalang pamilyar sa kanya.

"Oh great, Solenn! Ako ang ama ng batang iyan. My parents wants to meet you. Alam nilang nakabuntis ako for fuck's sake!" Natutop nya ang bibig at agad na pumasok sa room nya.

Ipinilig nya ang kanyang ulo. "Madami naman atang Solenn sa mundo. Baka naman iba yun." Mahinang sambit nya ngunit sa kabilang isip nya ay nagsusumigaw ang negatibong isipin na bakit sa dinami-daming Solenn sa mundo, parehong buntis pa yung kilala nya at narinig nya?

To be continued.

NaughtyParaiso

A/N; Thanks for reading SWAB. 10 chapters to go. :))))))))

Smitten With A Beast (R-18) √Where stories live. Discover now