Chapter 20

33.2K 567 14
                                    

Chapter 20

Kanina pa sya sa loob ng Villa Lothario. Hindi mawari ni Maia kung papasok ba sya sa mansyong iyon. Nanatili lamang sya sa sasakyan nya habang pinagmamasdan ang mansyon.

Bahagya na syang kumalma kumpara kanina. Kahit pa labis ang pagkamunghi nya kay Vulc at ayaw man nyang magkrus ang landas ng mga ito ay panatag ang loob nyang nasa mabuting kamay ang mga anak nya. Sigurado naman syang nandun ang ama at ina ni Vulc.

Napabuntong-hininga sya bago tanggalin ang pagkakakabit ng seatbelt nya sa katawan. Akmang bubuksan nya ng ang pinto ng kotse ng biglang may kumatok sa bintana niyon.

Bahagya pa syang nagulat bago naisipang ibaba ang bintana ng kotse nya.

"Hi." Nakangiting sambit ng isang babae sa kanya. Maganda ito at gaya nya'y maiitim din ang mga mata nito at mapusyaw ang kulay ng balat. Kung tutuusin ay magkasing-ganda lamang sila pero iba ang isang 'to, mukha kasi itong dyosa sa paningin nya.

Pinilit nyang ngitian ito bago nag-aalangang magsalita. "U-uh, hi?"

Ngumiti ulit ito sa kanya. "Kanina ko pa kasi napapansin ang kotse mo dito. Kanina ka pa nakatingin sa mansyon ng mga Lothario. Pwede ko bang malaman kung anong sadya mo o may kailangan ka? I can help you naman, e." Sambit nya. Hindi nya alam kung magsasalita ba sya o hindi but she just managed to get out at the car. She let out a heavy sighed.

"M-may hinahanap kasi ako.. s-si Vulc.." Mahinang sambit nya. Her mouth forms in "O" bago tumango.

"Actually, galing ako sa loob but I don't know kung napansin mo ko. Wala pa si Vulc dyan. Sila tito and tita lang." Napatango si Maia. "Ah ganun ba? S-sige una na ko." She said. She was about to opened her car's door nang magsalita muli ito.

"Hindi mo ba sya hihintayin? Kung gusto mo dun ka muna sa mansyon namin habang hinihintay mo sila. Ang boring din kasi sa bahay na iyon. Ibinuburo ata ako ng hinayupak kong asawa dito. Sarap lang hilahin ng bayag nya." Saka nya itinuro ang mansyon di kalayuan sa mansyon ng mga Lothario. Bahagya syang nagulat sa pananalita nito. Kung wala sana sya sa ganitong sitwasyon ay baka naglupasay na sya sa sahig sa kakatawa. Napatingin sya sa mansyong itinuro nito. Malaki yun ngunit mas malaki pa din ang sa kanila Vulc.

Oh god! Ganito ba talaga sila kayaman?

"By the way, I'm Venus Lothario. Mars' wife." She said at inabot ang kamay nito sa kanya. Napatanga sya. "You mean, Mars Lothario? You're his wife?" She nodded.

"So, tara na?" Yaya nya ngunit hindi pa man sya nakakasagot ay hinila na sya nito papunta sa kinaroroonan ng mansyong iyon. Sa hindi malamang dahilan ay napanatag sya. Magaan ang loob nya kay Venus dahil mukha namang mabait ito at.. jologs?

****

Hindi ko alam kung paano ko nagawang maglibot sa hacienda kasama si Venus ng kinakabahan pa din para sa mga anak ko. Matapos naming makapunta sa mansyon ay inaya nya ko sa rancho.

Hindi mabilang kung ilang kabayo ang alaga ng mga Lothario. Ang dami kasing kwadra kanina nang mapadaan kami. Sobrang laki ng hacienda pero yun palang ang napuntahan namin.

Magagabi na din kasi kaya napagdesisyunan naming bumalik na at baka nandun na din si Vulc at ang mga bata.

Masayang kasama si Venus. Nakalimutan ko ng bahagya ang problema ko dahil sa pagka-jologs nya. Medyo nahihiya pa ko't sa dami ng dinaldal nya sakin ay ngiti o tango lamang ang naisasagot ko.

Limang taon na silang kasal ni Mars at wala pa din silang anak. Bahagya akong nalungkot ng sabihin nyang nag-suffer sya ng miscarriage noon sa dapat sana nilang panganay.

"May napapansin lang ako sayo." Sambit nya at tumigil sa paglalakad. Iniharap nya ko sa kanya at saka nya ko matamang tinitigan.

"At alam kong napansin mo din yun. Pareho tayo ng kulay ng mga mata. Pati kulay ng balat natin. I don't want to assume things but.. are you somehow connected with them? One of the Lothario's?" She asked.

Bago ko pa man sagutin ang tanong nya ay nakarinig kami ng pagtikhim sa harapan namin. "Ay! Lintek na bayag yan!" Sambit ni Venus na may halong pagkagulat. Lihim akong napahagikgik. Nilingon ko ang pinagmulan nito and there I saw her husband, Mars.

"Lintek ka talaga, Mars! Bakit ba bigla-bigla ka nalang sumusulpot ha?!" Singhal nito at saka lumapit sa asawa nya.

"Kanina pa kasi ako dito at di mo ko pinapansin. Wala pa tayong ulam, wife." Lumikot ang mga mata ni Venus at saka yumakap sa asawa. "Sorry, love. Napasarap kasi ang pakikipag-kwentuhan ko kay Maia, e. Kilala mo na sya diba?" Tumango naman ito at saka matamang tumitig sakin.

"I saw Vulc at the mall. Mukhang nag-shopping sila." Sambit nito sakin. "I think malapit na sila." Dagdag pa nito.

Tumango lang ako. "S-salamat.."

"Sabay ka na kaya samin mag-dinner?" Venus asked. Umiling ako. "Mamaya nalang siguro ako, Venus. May gagawin pa kasi ako, e." Lumabi ito.

"Sige na! Sandali lang 'to, promise." Pagpipilit pa nya.

"Tch, wife. Let her be. Hindi ka pa ba nagsasawa sa kanya? Maghapon mo na syang kasama, e." Sambit naman ni Mars na may halong pagtatampo. Napangiti ako. Ang sweet kasi ng dalawa.

"K fine. Basta pag may kailangan ka, punta ka lang dito, Maia ha?" Pahabol nya pa at nagsimula na silang lumakad papasok.

Pinagmasdan ko sila hanggang sa maglaho sila sa paningin ko. Napaisip ako. Kung hindi kaya nangyari ang bagay na yun, ganito rin ba kami ni Vulc?

I shook my head at saka naglakad papunta sa mansyon. Nanginginig ang mga tuhod ko habang nakatitig sa labas ng gate ng mga Lothario.

Walang tao sa labas pero sobrang liwanag ng paligid ng mansyon. Napapaligiran ito ng mga dilaw na ilaw na mas lalong nagpatingkad sa ganda ng mansyon nito. Isa pa ay kapansin-pansin ang mansyong 'to dahil ito ang pinakamalaki sa lahat.

Nabanggit kanina sakin ni Venus na madami talagang mansyon sa Villa. Ang iba ay bakante dahil magiging pag-mamay-ari ito ng kung sino mang susunod na magpapakasal. Namangha ako dahil imbes na simpleng bahay lang ay tila mala-palasyo ang mga mansyong itinatayo dito.

Huminga ako ng malalim. Kaya ko na ba?

I was about to press the doorbell's button when I heard a familiar voice na nagpatigil sakin. "Who are you?" A baritone cold voice asked.

Unti-unti akong lumingon mula sa likuran ko and there I saw him.. and my twins.. nasa loob ng kotse ang kambal at mahimbing na natutulog.

"V-vulc.." Nagdilim ang mukha at nag-igting ang panga nya. Iglap lang ay nakapulupot na ang kamay nya sa leeg ko. Halos maubo ako sa higpit ng pagsakal nya.

"Who the hell are you?!"

To be continued.

NaughtyParaiso

EDITED.

Smitten With A Beast (R-18) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon