Chapter 2

46.7K 613 4
                                    

Chapter 2

Ilang minuto lamang ay nakarating na sya sa tagpuan nila ni Twittle.

Pagpasok nya sa entrada ng Starbucks ay nasilayan nya agad ang kaibigan, agad syang tumungo dito at niyakap ang kaibigan na ginantihan naman neto. Umorder na sila at nagsimulang magkwentuhan.

"Oh god, namiss kita Twit! Kamusta ka na?" Nakangiting saad nya dito. Matagal na din kasi mula ng makita nya ang kaibigan. High school palang ay magkaibigan na sila at magkaklase hanggang sa magtapos sila ng pag-aaral.

Ngayon lang ulit sila nagkita ng lumipad patungong Canada ang kaibigan para magtrabaho doon, at base sa itsura ng kaibigan ngayon ay di hamak na nakaka-angat na ito sa pamumuhay ngayon.

"Eto, pak na pak na bes. Haha, namiss ko dito and syempre namiss kita. So ikaw? Kamusta na? I heard about Milliscents, umaasenso na ha?" She smiled. Hindi pa din nagbabago ang kaibigan, maingay at balbal pa din ang pananalita nito.

"So far, maganda naman ang takbo ng Milliscents, bes. Medyo stress lang ako this past few days para sa pagpaplano ng bagong branch na ipapatayo near Taguig." Saad nya habang napapatango naman ang kaibigan habang pinapakinggan sya.

"Uh-uh. Alam kong stress ka, bes. Kaya nga ikaw ang una kong tinawagan pagkauwi ko dito. So kamusta kayo ng ex mo? Okay ka na ba?" Sambit ng kaibigan. Napatigil sya sa pagsimsim ng kopitang hawak nya dahil sa narinig.

"Ex? Baliw ka talaga, bes. Two years na kami ni Pres and we're happy." Nakangiti nyang saad dito. Kahit hindi nya alam kung happy nga ba? Bahagyang tumaas ang kilay ng kaibigan nya na pinagtataka nya.

"Seryoso ka ba dyan, Maia? Nakita ko si Pres kahapon sa airport. Nag-aabang ako ng taxi nun nang makita ko syang papasok sa loob ng airport, may dala ngang maleta at may kasamang babae. The girl looks familiar, hindi ko lang matandaan kung saan ko sya nakita." Napamaang sya. Panong mapupunta si Pres sa airport gayung busy ito sa pag-aayos ng mga isa-submit na papeles sa kompanya nila?

"Don't tell me.. hindi mo alam?" Dahan-dahan syang umiling sa kaibigan. "Oh God, girl. Ayoko munang mangialam dyan. Much better na i-confront mo sya. Basta pag kailangan mo ng resbak, just call me okay?" Sambit ng kaibigan. Matatawa sana sya sa huling linya nito kundi lang lumilipad ang isip nya sa nobyo at sa kasama kuno nito.

Malaki ang tiwala nya sa nobyo at ramdam nyang mahal sya nito pero hindi pwedeng nagsisinungaling o nag-iimbento ng kuwento ang kaibigan nyang matagal nya ng kasama.

There must be something going on and she needs to find it out.

****

It's been five days mula ng huling pag-uusap nila ni Pres. Yung araw na sinabi sa kanya ng kaibigan ang nakita nito ay hindi na nya ma-contact ang nobyo kaya naman napagdesisyunan nyang lumapit sa mga kaibigan nito pero isa lang sa mga ito ang nahagilap nya, si Vasche.

"Vasche?" Anya pagkalapit nya sa lalakeng nakaupo sa stool ng bar nito. Nasa mid-20's pa ang binata at di maipagkakailang may itsura din ito. Lumingon ito sa kanya at sinalubong sya ng yakap. Napangiwi sya sa tinuran nito. For Pete's sake, hindi naman sila close.

"Oh hi there, Maia. Anong satin?" Sambit nito.

"Hmm, hihingi sana ako ng favor sayo since ikaw lang kilala kong kaibigan ni Pres. Can you call him? Ayaw nya kasing sagutin ang mga tawag ko." Nahihiyang saad nya dito. Bahagyang humalakhak ang binata kaya naman nakaramdam sya ng pagkairita.

May pagka-mahangin kasi ang isang tao at gwapong-gwapo sa sarili, porket may-ari ito ng isang bar na dinudumog gabi-gabi ay ganito na itong maka-asta. Kung hindi lang talaga dahil kay Pres ay hindi sya lalapit dito. Sinubukan nyang pumunta sa opisina ni Pres kanina at magtanong sa sekretarya ng boss nila kung nag-file daw ba ito ng leave.

Sinabi ng sekretarya na naka-leave daw ito for a week pero hindi sinabi kung saan nagbakasyon ang binata. Hindi daw sila nagbibigay ng personal information ng mga empleyado nila sa kung sino-sino lang.

"Sabi na nga ba. One day, you'll need me." Then that guy winked at her. See? Di naman sya tanga or what pero halata naman na noon pa ay may pagnanasa sa kanya si Vasche. Kahit pa alam nitong sila na ni Pres ay ramdam nya ang pakikipag-flirt nito sa kanya. Gwapo sana ito at maayos kaso puro kahanginan ang utak nito kaya di man lang sya nakaramdam ng kahit anong pagkagusto dito.

Dinukot nito sa bulsa ang phone at nagsimulang kontakin ang kaibigan. Mabuti na lamang at maaga pa at sarado ang bar.

Wala pang ilang segundo ay sinagot na ang tawag.

"Hello, who's this?" Napamaang sya ng babae ang sumagot sa telepono ng nobyo. Sa halip na umiyak ay inagaw nya ang phone ni Vasche at itinapat sa tenga nya. She cleared her throat bago nagsalita.

"Uhm.. Hello, Ma'am. This is from Mercutio's perfume shop. Mr. Pres Couer ordered a perfume from us. Please send us your location so that we can deliver it to you as soon as possible. Thank you." Narinig nya ang paghagikgik ng babae. Siguro ay akala ng impakta ay binilihan sya nito ng pabango. Dun sya nagkakamali. Ginamit nya ang Mercutio's dahil dito madalas bumili ng pabango ang nobyo.

Ibinigay ng babae ang location nila at bago binaba ang telepono ay narinig nya ang boses ng nobyo nya, tinanong nito kung sino ang tumawag pero hagikgik lang ang sinagot ng babae.

Dali-dali syang lumabas ng bar na iyon nang hindi na nililingon pa si Vasche.Hindi sya boba at inutil para di malaman ang nangyayari sa kanilang dalawa ngayon.

Malinaw na malinaw sa kanya ang ginagawang panloloko ng nobyo at hinding-hindi nya papalampasin iyon.

Kasalukuyang nasa isang resort sa Vigan ang dalawa. Dali-dali nyang tinawagan ang sekretarya. "Cancel all my meetings starting today hanggang sa makabalik ako." Di nya na hinintay na sumagot ito at agad na ibinaba ang cellphone.

Agad syang nag-impake ng makarating sa apartment nya. Hindi na rin nya prinoblema ang plane ticket nya dahil kung tutuusin ay pina-reserved nya na ito noon sa plano nyang pagbabakasyon kasama ang nobyo pero ang hayop, inunahan na pala sya!

To be continued.

NaughtyParaiso

EDITED.

Smitten With A Beast (R-18) √Where stories live. Discover now