Chapter 29

30.2K 501 11
                                    

Chapter 29

Can we talk, please?

Matapos kong i-open ang inbox ko ay yan ang nabasa ko. Text message mula kay Lance. Gusto nyang makipagkita ako sa kanya para magkausap kaming dalawa at wala akong nakikitang magandang dahilan para tanggihan iyon.

Iniwan namin si Lance ng wala man lang paliwanang. Me and Lance meeds closure para maging maayos na ang lahat. Gusto kong maging maayos na kami ni Vulc kahit para sa dalawang anak ko nalang. They need him at alam kong matagal na din silang nangungulila sa kanilang ama, I don't want to ruin them lalo pa't magaan na ang loob ng mga ito kay Vulc.

Alam kong medyo tanga na pero noong gabing iyon ay napag-desisyunan kong ipaglaban si Vulc. Mahirap man ngunit kailangan kong tanggapin na may iba syang anak at hindi ako magpapatalo sakaling may gawing di kaaya-aya si Solenn. Lalaban ako para sa mga anak ko. May karapatan din sila para sa ama nila.

But I need someone to help me at isa lang ang taong nasa isip ko ngayon.

****

"Oh, tong-its! Talo ka na naman Ponyong!" Sambit ni Venus habang nakikipaglaro ng tong-its sa mga bodyguards na ibinilin ni Vulc para bantayan ako.

Mukha namang aliw na aliw ang mga ito sa pakikipaglaro sa kanya. Doon na ko sinenyasan ni Venus para makalabas ng gate.

Madali na sa akin ang makalabas ng hacienda dahil wala na ding bantay sa main gate. I mouthed 'thank you' bago tuluyang lumabas.

She knew my situation at sya lamang ang tanging nakakaalam nun. Sabi nya pa nga ay sasabihin nya daw kay Mars ngunit pinigilan ko dahil ayaw kong magkagulo ang magkapatid ng dahil lamang sa akin.

Good thing ay napapayag ko sya, ibinilin ko na din sa kanya ang kambal na busy sa paglalaro ng umalis ako.

Pumara ako ng taxi at sinabi ang destinasyon na pupuntahan ko. Ilang minuto lang din naman ay nandun na ko sa isang restaurant na pagkikitaan namin ni Lance.

Nang pumasok ako sa entrada ay agad ko syang nakita. Mapait itong ngumiti nang makita ako. Lumapit ako sa kanya at saka sya niyakap. Malaki ang kasalanan ko sa lalakeng ito and he deserves this.

Umupo na kami at agad ding um-order. Matapos nun ay wala ng umimik. Pareho lang kaming nagpapakiramdaman kung sinong unang magsasalita.

I sighed at binasag ang katahimikan. "L-lance.." Nag-angat sya ng tingin at hinintay ang sasabihin ko. "I-i'm so sorry.." Yun lamang ang nasabi ko dahil agad din akong napahikbi. I feel sorry dahil hindi nya deserve ang isang tulad ko na sasaktan lang sya.

"Hey, it's okay. Sshh.. stop crying. Wala kang kasalanan, Maia." He said. Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ag hikbi. He smiled bago muling magsalita. "It's my fault actually, pinilit ko ang sarili ko sayo kahit alam kong si Vulc pa din ang mahal mo. Na-pressure ka lang na sagutin ako dahil sa mga nagawa ko, hindi ba?" Napayuko ako.

"Inaamin ko sayo na nasaktan ako pero mas lalo lang akong nasasaktan kung ipipilit ko yung bagay na hindi naman dapat. Pinapalaya na kita, Maia. Masaya na ko na makita kang masaya. Nagmamahalan kayo ni Vulc at nakita ko iyon noon palang. Don't worry about me. You suffered a lot. Isipin mo ang sarili mo at ang mga anak mo. Can you do it for me? Promise me, you'll be happy." Bahagya pa syang pumiyok at hinawakan ang mga kamay ko. Wala sa sariling tumayo ako at niyakap sya. "I promise, Lance. I promise.."

****

Naging maayos ang paghihiwalay namin ni Lance. Nagkaroon na ng closure sa pagitan namin.

He told me na babalik na sya sa Paris bukas upang ipagpatuloy ang building na ipapatayo nila. Umuwi lang sana sya dito para sana magpahinga at makasama kami ngunit hindi nya alam na iba na pala ang nangyayari.

Ramdam ko pa din ang lungkot sa kanya ngunit masaya ako na natanggap nya na, na namin ang lahat. Na wala talagang patutunguhan ang relasyong mayroon kami ni Lance.

He told me na tatawag pa din sya para kamustahin kami. He also told me that he is still my bestfriend no matter what.

Alas-singko na ng makarating ako sa Villa at nangako naman si Venus na sya pa din ang bahala hanggang sa makarating ako.

Nasa tapat na ko ng mansyon ng mapansin ang kotse doon ni Vulc.

Bigla ay sumiklab ang kaba sa dibdib ko. Ang mga bodyguards naman nya ay prenteng nakatayo lamang sa may gate.

Oh god. Alam kong wala akong ginawang masama at kaya ko namang ipaliwanag ang sarili ko kung makikinig lamang sya ngunit hindi ko maiwasan ang kabahan. Sana naman ay hindi nya ako saktan.

Nang makapasok ako sa loob ay wala ang kambal. Tanging si Vulc lang ang nandoon, nakaupo sa sofa at tiim-bagang na nakatingin sa kinaroroonan ko.

"V-vulc.." Bigla ay nanuyo ang lalamunan ko. Yumuko ako at hinintay ang pagtama ng palad nya sa buhok o sa pisngi ko pero ilang minuto na ang nakakalipas ay walang bagay na dumapo sa akin. Nag-angat ako ng tingin. Napapitlag ako ng masalubong ko na naman ang mainit nyang mga titig. I bit my lower lip.

"Saan ka galing? Tell me honestly, Maia." Mariin nginit kalmado ang pagkakabigkas nya sa mga salitang iyon.

Napabuntong-hininga ako. Walang dahilan para hindi ko sabihin ang pakikipagkita ko kay Lance. Magsinungaling man ako o hindi ay tiyak na sasaktan nya lang din naman ako.

"N-nakipagkita ako kay Lance.. nakipag--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla nyang ibato ang vase sa gilid ko. "Bullsh*t, Maia!" Anya at doon na sya nagwala. Napatakip ako ng tenga ng sunod-sunod nyang ibato sa gilid ko ang lahat ng bagay na mahahawakan nya.

"How many times I told you na wag na wag kang aalis ng bahay ha?! Ganun ba kahirap sundin ang bilin ko, Maia?! Ganun ka ba kadesperadang makaalis sa puder ko?!" He said. Nagsalubong ang mga mata namin and there, I saw pain in his eyes.

Napailing ako habang tumutulo ang mga luha sa mata ko. "It's not what you think, Vulc! Nakipag-ay--" Muli ay hindi na naman nya ako pinatapos.

"Do you really want to be free?" He asked. Napatitig ako sa kanya. I was about to say something ng makarinig ako ng mga yabag pababa sa hagdan.

Napatingin ako sa babaeng dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon. May hinihila syang maleta pababa na sa pagkakaalam ko'y pagmamay-ari ako.

"Vulc, baby. Naayos ko na yung mga damit nya." It was Solenn. Agad nyang ipinulupot ang mga braso sa leeg ni Vulc at walang anu-ano'y naghalikan sila sa harapan ko.

Umiwas ako ng tingin dahil tingin ko ay ilang segundo lamang ay bibigay na ako. "A-anong ibig sabihin nito Vulc.." Doon lamang sya napatigil sa pakikipag-halikan kay Solenn.

"She'll be going to live here. Wag kang mag-alala dahil ibabalik ko din sayo ang mga anak natin but for the mean time, hayaan mong makasama ko sila. After all, ipinagkait mo sa akin yung apat na taon na dapat kasama nila ako, right?" Maang lamang akong napatitig sa kanya habang walang tigil sa pag-alpas ang mga butil ng luha mula sa mga mata ko.

"T-then?" I managed to asked.

"I'm sorry but you have to leave here. Solenn doesn't want you here."

To be continued.

NaughtyParaiso

EDITED.

Smitten With A Beast (R-18) √Where stories live. Discover now