Chapter 38

31.6K 470 4
                                    

Chapter 38

Nakauwi din sya agad ng araw na iyon. Pinayuhan sya ng doktor na ingatan ang sarili dahil maselan nga ang pagbubuntis nya. Bawal sya ma-stress at pinayuhang mag-stay lang sa bahay.

Hindi na din nya prinoblema ang mga bayarin dahil binayaran na ito ni Vulc bago umalis ang binata. Dinalaw sya ng kaibigang si Kane at ito rin ang kasama nyang umuwi. Pagdating nya sa bahay ay wala na si Vulc at ang mga gamit nito. Muli ay nakaramdam na naman sya ng matinding kalungkutan.

May parte sa kanyang inuusig ng konsensya at pangungulila ngunit sa tuwing sumasagi yun sa puso nya ay iba naman ang sinasabi ng isip nya, na tama lang ang ginawa nya. Kung talagang sila ni Vulc ang para sa isa't isa, magtatagpo din ang landas nilang dalawa.

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang huling tagpuan nila ni Vulc. Tumupad din ito sa pangakong makakasama nya na ang kambal subalit ang kapatid nitong si Apollo lang ang naghatid.

Nabalik sya sa wisyo nang yakapin sya ng anak na si Cali. "Why are you sad, mommy?" Sambit nito. Hinaplos nya ang malambot nitong buhok at saka nginitian. "I'm not, baby. Happy nga ako na nandito na kayo, e." Sambit nya sabay lingon kay Cacus na nakapatong ang ulo sa lap nya.

"Don't you miss, daddy? Kailan ulit tayo babalik sa house ni daddy, mommy?" Nakagat nya ang ibabang labi sa tanong na iyon ni Cacus. Hindi na ata mangyayari ang bagay na iyon.

Pinigil nya ang pagtulo ng mga luha ng makarinig sya ng katok mula sa pinto. Agad syang lumapit doon at pinagbuksan ang hindi inaasahang bisita. "Solenn." Mahinang sambit nya.

Ngumiti ito ng pilit sa kanya at saka inilibot ang paningin sa loob ng bahay. Iginiya nya ito papasok at sinenyasan ang mga anak na pumasok muna sa kwarto.

"So this is where you live, huh?" Tanong nito. Simpleng bestida lang ang suot ng dalaga at halata na din ang umbok sa tyan nito na wari niya'y anim na buwan na. Nakasuot ito ng shades subalit wala na ang dating ganda nito, hindi naman napabayaan ang sarili but Solenn looks pale.

"Anong kailangan mo? Vulc's back at wag kang mag-alala kasi pinatigil ko na sya. I don't think na may kailangan ka pa sakin." Sambit nya at pinigil ang inis sa kanyang boses. Hindi nya lang talaga kayang makita ang dating kaibigan.

Tumawa ito ng mapakla. "Hindi ako pumunta dito para makipagtalo but you know, I wanted to say that you're a bitch." Solenn said at bahagya pang pumiyok. Tumingin sya sa kaibigan at humalukipkip.

"Bestfriend kita and alam mo yung feelings ko for Vulc, right? Pero anong ginawa mo? Inagaw mo sya sakin." Sambit pa nito at doon na napaluha.

Napayuko ang dalaga dahil may punto ang dating kaibigan. Oo nga't alam nyang may gusto ito kay Vulc yet nagkaroon sila ng relasyon ni Vulc. She was about to say something ng imwinestra nito ang kamay para pigilan sya. Doon inalis ni Solenn ang suot na shades. Napatakip sya sa bibig ng bumalik na ang mata nito sa dating kulay.

"After all, I wanted to say sorry pa din. I know wala akong karapatan magalit kasi hindi naman naging kami ni Vulc. He never loved me. Ikaw lagi ang bukambibig nya kahit nung wala pang syang naalala." Tumawa ito at saka hinimas ang tyan. "And yes, I'm pregnant pero hindi kay Vulc so you two can live happily now. I'm sorry for ruining everything, Maia. Hindi ko alam na ang makakasira sa friendship natin ay ang pagiging selfish ko. Vulc really loves you, please take care of him. Mahal na mahal ka nya at sana wag mong sayangin yung taong pinapangarap ko." Tulala sya sa mga sinabi nito. Hindi sya makapaniwala. Hindi si Vulc ang ama ng dinadala ni Solenn? Nasa harap nya ngayon ang kaibigan at isinisiwalat ang sarili nitong mga kasalanan.

"Why? Bakit mo ginagawa 'to?" She finally asked nang maka-recover sa lahat ng nalaman.

"Because I love Vulc. I love him to the point that I want him to be happy at alam kong sayo lang nya makikita iyon. He's devastated, do you know that? Ilang taon syang mag-isa kasi hindi nya mahanap yung nawawalang parte sa buhay nya at ikaw yun. He deserves to be happy after all the sacrifices he encountered. Please, Maia. Balikan mo sya." Lumamlam ang mga mata nya sa mga sinabi ni Solenn. Tila binuhasan sya ng malamig na tubig sapat na para matauhan sya sa mga maling desisyon nya sa buhay. Many realization hits her.

Ang paghihintay ni Vulc sa pagbalik nya. Ang paghihirap nito bago sya makasama. Yung araw na pinalayas nya si Vulc kasi akala nya ay hindi sya nito mahal? Gusto nyang sampalin ang sarili dahil sa kahihiyan. Ipinaglaban sya nito pero kahit kailan ay hindi sya sumugal para sa binata. She only loves the chase and Vulc's keep chasing her. Pero anong ginagawa nya? Itinaboy nya ito ng itinaboy.

Tama si Solenn, Vulc deserves to be happy. Tama na ang paghihirap nilang dalawa. Sapat na ang lahat para mapatunayang sila nga ang para sa isa't isa.

She assured one thing on her heart and mind. She wants him back. Sya naman ngayon ang lalaban.

****

Agad din syang nag-impake pagka-alis ni Solenn. Ni hindi nya nga namalayan na nakaalis na pala ito dahil tumakbo sya agad sa kwarto para mag-impake ng mga damit nila. Para syang baliw na naluluha habang nakangiting ginagawa iyon.

Nang matapos ay si Venus agad ang naisip nya. Mabuti na lamang at walang ginagawa si Venus kaya madali sya nitong napuntahan sa Vigan. Makalipas nga ang dalawang oras ay nakarating na ito.

"Kaloka ka 'te. Dami mong junakis dagdag mo pa yang dalawa sa tyan mo. Aba't tulisan din pala itong si Vulc." Sambit nito nang makasakay na sya sa kotse. Tumawa lang sya ng bahagya.

Napansin nya ang maliit na umbok sa tyan nito. "Ayun, juntis din ako. Sharpshooter talaga ang mga Lothario." Gusto nyang matawa sa mga lumalabas sa bibig ni Venus kung hindi lamang sya nagmamadali ngayon. Wala pa din itong pinagbago, maingay at taklesa pa din.

Ilang oras ang binyahe nila bago sila makarating sa Villa Lothario. Naabutan nilang papasok ng gate ang ama at ina ni Vulc.

"Go na 'te, ako na muna bahala sa kambal mo." Sambit ni Venus at saka sya iginiya palabas. "Salamat ah? Salamat talaga, Venus." Sambit nya at tuluyan ng lumabas ng kotse.

"Tita!" Tawag nya kay Juno. Lumingon ito sa kanya na nanlalaki ang mga mata. Maging si Jove ay napukaw nya din ang atensyon.

"Maia? I thought.." Hindi na nya ito pinatapos at agad nagsalita.

"Alam ko pong nasaktan ko si Vulc. Alam ko na po ang lahat, hindi sya ang tunay na ama ng dinadala ni Solenn. Na-realized ko na po lahat ng mali ko. I'm sorry, tita.. please, nasaan po si Vulc?" Tuloy-tuloy nyang paliwanag at saka luminga sa paligid ng mansyon.

Hinawakan ni Juno ang mga kamay nya sanhi para mapatingin sya dito. Lumamlam ang mga mata nito.

"Tita?" Naluluha nyang sambit.

Juno closed her eyes at saka bumuntong hininga. "Tinanggap ni Vulc yung offer ng business partner nya sa Australia. He will be gone for 3 years. Kanina pa sya nakaalis. I'm sorry but you're late."

Muntik na syang mabuwal kung hindi lamang sya inalalayan ni Juno. Bahagya syang natulala at pilit tinatanggap ang mga sinabi ng ina ni Vulc.

Sa mga oras na iyon ay isa lamang ang ipinangako nya sa sarili.

"I'm going to wait, Vulc. I promise."

To be continued.

NaughtyParaiso

EDITED.

A/N; 2 more chapters to go then the epilogue. :)))

Smitten With A Beast (R-18) √Where stories live. Discover now